Chapter 9

197 6 0
                                    

  Chapter 9:

**Yale's Pov**

"I told you, matagal na akong walang pakialam sa kanya...Hah! Wag kang magpatawa, alam kong alam mo rin ang totoo."

"Look, kailangan mong pumunta. Mahalaga ang event na yun sa mommy mo."

"I don't care. Isa pa, hindi rin naman magugustuhan ng alaga mo na makita ako roon ng media."

As I was saying, alam kong hindi ikatutuwa ni m— Alaina Hontiveros na makita ang anak na bunga lang ng...Anyway, tanggap ko na naman na wala akong aasahan sa kanya.

"Yale, I wish that you could...you know?"

"No, I don't know and Miss, please remember that this will be the last time na hahayaan kitang makipag-usap sa akin na gaya ng ginagawa mo ngayon. Goodbye."

In-end ko na yung tawag niya tapos para akong upos na kandila...unti-unting natutunaw at nawawalan ng lakas.

"Ehem..ehem!"

Hindi nakaligtas sa akin na may ibang tao na nakikinig. Lumingon ako at binisita ang buong paligid hanggang sa matanaw ko siya...

...

...

Jellaine.

"Sorry sa istorbo. Napadaan lang kasi ako—"

"Napadaan o sadyang dito lang talaga ang punta mo?"

"E..ano, p-parang ganun na nga."

Natawa ako ng lihim dahil para siyang batang paslit na nahuling gumagawa ng kalokohan. Cute.

Now where that idea come from?

"Bakit?" -Jellaine

Napalingon ako sa kanya.

"Anong bakit?"

"Bakit parang malungkot ka? May problema ka ba?"

"W-wala."

"Weh?"

"Wala nga. Bakit mo naman nasabi?' -me

"Wala lang. Napansin ko lang sa mata mo..parang ano..."

"Hmmm."

"Parang walang buhay. Matamlay ba."

"For someone who's not really close sa akin, matindi ang observation mo."

Hindi man ako nakatingin, ramdam ko naman na siya ang tumingin sa akin ngayon.

"Kung ganun, may problema ka nga..wow!"

"Ha?"

Nagtaka ako sa reaksyon niya. Sa dami ng puwedeng i-react, bakit parang gulat pa siya at di makapaniwala na may problema ako.

"Wow as in ikaw nagkakaproblema rin?"

"Miss, sa pagkakatanda ko tao rin ako at legal na citizen dito sa mundo. Siyempre, prone din ako sa mga problema..."

"Pero mayaman ka na diba? Sikat at habulin ng babae at bakla..ano pa ang poproblemahin ng isang gaya mo?"

"Alam mo unti-unti mo ng binabago ang impresyon ko sa'yo." -me

"Aber, e mukha namang di kapani-paniwala na may problema ka. Kung di lang kita sa mata mo, iisipin kong niloloko mo lang ako." -Jellaine

Hindi muna ako nagsalita. Hinintay kong magsink in muna sa kanya na seryoso at totoo yung sinabi ko.

"Ehem! So, care to share it with me? Wag kang mag-alala, hindi ako kiss and tell na tao..safe ang secret mo sa akin, promise!"

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tinaas lang niya yung kanang kamay niya, alam n'yo yung parang nanunumpa? Ganun.

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon