Chapter 6

199 4 0
                                    

  Chapter 6:

**Jellaine's Pov**

Saglit lang kaming nag-usap ni Yale unlike the other group..alam ko na ilang din siyang makipag-usap sa akin. Siguro dahil dun sa unang beses na nagkita kami.

"Uy, buti naman at nag-usap na kayo." -Protacio

"Oo nga, ano'ng napag-usapan n'yo? May idea na ba kayo kung ano yung ipi-present n'yo kay sir?" -Armando

"Wala pa." sabi ko na sinabayan ko pa ng pag-iling.

"Ha? Anong wala?"

Sabay pa silang nagsabi. Natawa pa ko dahil kung pagmamasdan ko yung itsura ng dalawang 'to, para silang gulat na gulat..samantalang wala namang big deal sa sinabi ko.

"Bakit natatawa ka pa?"

"E paano nakakatawa naman kasi ang itsura n'yo." -Chrissy

"Aba, nagsalita ang pipi..himala ng mga himala!"

"Heh! Tumigil ka riyan, mukha kang ewan."

"Bakit nga? Bakit wala pa gayung nag-usap naman kayo?"

Nakita kong tumayo si Justin tapos lumapit siya sa amin. Mukhang tapos na silang mag-usap nung partner niya.

"Anong usapan yan?" -Justin

"Oo nga, parang may pinagtatalunan kayo..ano yun? Share n'yo naman."

Si Russel yan na lumapit na rin.

"Ito kasing si ganda, sabi niya wala daw silang napag-usapan ni fafa Yale." -Armando

"E sa wala nga. Kinuha lang niya yung number ko, itetext na lang daw niya ako."

"Wow, ang sosyal ng friend mo."

"Oo nga. Textmates na sila ni fafa."

"About naman yun sa presentation..para sa grades nga diba?" -me

"Still kainggit ka pa rin.."

Di ko malaman kung matatawa, maiinis, maaawa o mawiwirduhan ako sa dalawang ito. Pabago-bago pa sila ng facial expression. May naka-pout, may nakangiti na parang nagpapa-cute...bipolar in short.

No ba yun? Pati ako nawiwirduhan na sa kanila..partida pa na kasisimula pa lang ng klase. Wala pang dalawang oras...

Ano ba kasing big deal sa pag-uusap namin ng Yale unggoy na yun?

Haller, pogi kaya siya!

Pogi niya his face! Ang sama naman ng ugali niya..

Sadyang ganyan talaga ang buhay, dear. Ang magaganda at guwapo, may 'k' na magsuplado slash mag-inarte. Alangan namang yung mga ano pa yung magpaka-choosy?

Sabi ko nga e.

Anyway highway..mabilis lang natapos ang klase namin sa maghapon. First day pa lang kaya maluwag pa ang schedule, pero pustahan na pag nasa kalagitnaan na ng term, ngarag na kami...

Ganun naman talaga ang buhay ng isang estudyante, diba?

"Ano? Kung okay ka na puwede na siguro tayong umuwi." -Justin

"Uy, sabay na rin ako sa inyo ha? On the way naman ang sa inyo e."

"Sure, tara na."

Lumabas na nga kami ng room tapos nagcommute na lang kami pauwi. Iniwan na muna ni Justin yung motor niya dahil kasabay nga namin si Russel.

Pagkauwi sa bahay, tamang-tama na nagluto si manang ng merienda. Pinakain ko muna si Justin, wala na si Russel dahil mas una naming nadaanan yung bahay niya.

"Kumusta ang first day of school? Marami ka na sigurong kakilala roon apo."

"Kayo po pala lola.." -me

"Kain po tayo." -Justin

Ngumiti lang si lola pero umupo rin. Sandaling tumayo si manang para asikasuhin si lola.

Kumain na nga kami, and as usual nauwi na naman kami sa kuwentuhan. Wala lang, nagtanong lang si lola ng kung anu-ano. Ito namang si panget, aba nagdaldal na ng husto! Tuloy naiilang ako...

Grabeng makatingin si lola. As if na tungkol sa lovelife ko yung ibinibida ni Justin.

Naputol ang pag-iisip ko nung marinig ko yung ringtone ng phone ko.

Unregistered number?

Hmm...

...

...

"Hello?"

-To be continued-

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon