Chapter 15

185 5 0
                                    

Chapter 15:

**Jellaine's Pov**

Diretso at tiyak ang mga hakbang na nagtungo ako sa katabing bahay. Kumatok ako at ang nanay ni Justin ang nagbukas ng pinto.

"O, ikaw pala Jellaine."

"Magandang gabi ho, puwede po bang makausap si Justin?"

"Oo naman. Teka, sandali at tatawagin ko. Maupo ka na muna diyan."

Tumango ako pero hindi ako umupo. Sa halip, lumapit ako doon sa may mesa na pinagpapatungan ng mga larawan ni Justin, ng mama niya at kahit yung mga times na magkasama pa kami at hindi nagkakaroon ng problema...

"What happened to us, hmm?" sabi ko na kinuha yung isang frame.

Picture namin iyon ni Justin. That photo was taken when I was 7 years old habang siya naman ay 8. Nakayakap ako sa baywang niya habang nakapulupot naman ang braso niya sa akin. We were both smiling at the camera. We were happy and contented. Minsan ko pang pinaraanan ng daliri ang larawan.

"What are you doing here?"

Napalingon ako dun sa nagsalita. Nakita ko siya at yung mama niya na mukhang nakahalata sa tensyon na namamagitan sa aming dalawa.

"Ah, sige mag-usap na kayo. Doon lang muna ako." sabi niya sa amin na itinuro pa yung daan papunta sa kusina.

Tumango lang ai Justin sa mama niya pero wala namang sinabi. Tinanguan ko lang rin si tita na minsan pang tumingin sa akin. Pagkaalis niya, doon na nagsalita si Justin.

"You shouldn't be here."

"Hindi ko maiwasang maisip yung nangyari. Yung sinabi mo kanina sa event—"

"What?"

"Is it really true? You love me?" sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Bakit? Hindi ba kapani-paniwala? Kung sabagay, hindi naman kita masisisi e. We should be bestfriends, nothing more, nothing less.."

"Hindi naman iyon ang ipinupunto ko, e. I was just...ano..bakit hindi mo sinabi agad?"

Natawa siyang pilit matapos marinig ang sinabi ko. Nagtaka naman ako dahil iba ang inaaasahan ko na magiging reaksyon niya, so nagtanong ako ulit.

"This is nonsense. Ang mabuti pa, umuwi ka na at kalimutang nangyari ang gabing ito." -Justin

"Sandali lang!" Di ko napigilang magtaas ng boses dahil tatalikuran niya sana ako. "Puwede bang tapusin na natin ito, once and for all?"

"Ano pa bang gusto mong malaman mula sa akin, Jellaine? Inamin ko na sa iyo kung ano ang totoo. Why can't you just let go? Ignorahin mo na lang ang narinig mo sa akin, kalimutan mo. Act as if wala akong sinabi.."

"How can you say that? Kalimutan ko na sinabi mong mahal mo ako higit sa pagtinging-kaibigan? Act as if nothing happened? Pagkatapos mong guluhin ang sistema ko? You're being impossible!" -me

Nakita kong bahagyang sumilip si tita sa amin. Gusto niyang sumingit at lapitan kami pero umiling lang ako. Ayoko siyang madamay. This problem that we're facing? Ako at si Justin lang ang dapat na umayos nito.

"Alam mo, Justin..kung lilituhin mo lang ako, sana hindi ka na lang nagsabi!"

"Iyon! Lumabas din ang totoo! Nalilito ka lang!"

"Wag mo akong sigawan!"

"Sisigaw ako hangga't gusto ko. Sisigaw ako dahil sobrang ang sakit na dito!" sabi niyang tinuro pa yung dibdib niya.

"I-I'm sorry. Kung alam ko lang sana ang nararamdaman mo—"

"At ano, iiwasan mo ako? Dahil pakiramdam mo nag-take advantage ako sa friendship natin? Sige nga, kung nagsabi ba ako sa'yo bago mo sagutin si Anderson, will it change everything?"

This time talagang sinisigawan na niya ako. Kitang-kita kung paanong naglabasan ang mga ugat niya sa leeg..meaning galit na galit talaga siya. Pero hindi lang naman siya ang halos sumabog ang emosyon dahil maging ako ay iyon na rin ang nararamdaman. At dahil nga sa galit ko bigla rin ang naging pagsigaw ko...

...

...

"Oo!"

Para naman siyang natuklaw ng ahas. Natahimik rin ako. Did I just say...

When I realize it all, bigla akong nakaramdam ng matinding panghihina..ng panghihinayang dahil bakit ngayon pa?

Bakit ngayon ko lang nalaman ang totoo?

Bakit ngayon lang ako nagkaroon ng kasagutan?

Bakit ngayon lang siya nagsabi ng nararamdaman niya?

Bakit ngayon pa?

Hindi ko na kinaya ang sitwasyon. Hilam sa luha ang mga matang tinalikuran ko na si Justin at humakbang na paalis. Hindi na niya ako nagawang pigilan dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin siya.

Nasa labas na ako ng bahay nila at bubuksan na sana iyong gate ng may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, naroon si tita at malungkot na ngumiti sa akin.

"T-tita..."

"Hindi ko na tatanungin kung ano bang nangyayari pero base sa narinig ko..."

"Sorry po. Hindi po dapat kami nag-away. Hindi ko po dapat siya sinaktan..sorry po—"

"Ssh. Wag kang mag-sorry, wala kang ginawang kasalanan. At saka naiintindihan kita, nagmahal ka lang e..halika, dun tayo sa inyo."

Sinamahan niya ako hanggang sa bahay. Nadatnan namin doon si lola at napansin kung nagkatinginan sila ni tita pero wala namang sinabi na kung ano. Iginiya lang nila akong pareho patungo sa sofa tapos naupo kami.

"H-hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin..bakit ba ito nangyayari sa amin?"

"Apo, alam mo kung ano ang iyong dapat gawin. Hindi mo lang ikinukonsidera dahil natatakot ka." -lola

"Tama ang lola mo. Pero normal lang naman na matakot, iha. Pero dapat mo ring malaman na kung hindi mo gagawin, paano mo malalaman ang resukta kung matatakot ka na lang palagi?"

"Paano po kung masaktan ko na naman ang isa sa kanila?"

"Hindi maiiwasan ang makasakit ka ng damdamin ng iba. Pero, hindi ba nasasaktan na rin naman kayo ngayon? At lalo pa kayong masasaktan kung hindi ka pa gagawa ng aksyon. Iha, kailangan mo nang mamili sa kanila." -tita

"Mahal ko po si Yale. I knew I love him."

"At si Justin?"

"Bestfriend ko po siya. I've been with him for a very long time. H-hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.." -me

Minsan pang bumuhos ang luha ko. Ang hirap mamili sa kanila dahil pareho silang importante sa akin.

"Sa tingin ko alam ko na kung sino ba talaga ang mahal mo but I will not tell you dahil kailangang ikaw mismo ang makaalam sa sarili mo. Don't worry, sooner or later mari-realize mo kung sino." Sa huli, iyon ang sinabi nila sa akin na binigyan pa ako ng ngiti. Mayamaya pa, nagpaalam na sa amin si tita. Kailangan naman daw niyang kumustahin si Justin...

Nagpaalam na rin ako kay lola na magpapahinga na. Tumango naman siya at niyakap pa ako. Sinabi niya sa aking magiging okay lang ang lahat and I just hope na tama siya...

-To be continued-

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon