Chapter 10

200 4 0
                                    

  Chapter 10:

**Jellaine's Pov**

Ang saya ko lang kasi nanalo ang team na kinabibilangan ni Yale.

Magaling pala talaga siya kasi biruin n'yo, nahabol niya yung puntos ng kalaban. Nalagpasan pa nga e!

"Congrats, ang galing mo talaga Hontiveros."

Narinig ko yung papuri sa kanya nung coach nila pero di man lang siya umimik. Ni hindi rin nagpasalamat pero alam ko, masaya rin siya sa kinalabasan ng practice.

Ang totoo, gusto ko rin sanang lumapit para batiin siya..kaso nahihiya ako dahil bukod sa pag-uusap namin kanina, hindi naman talaga kami magkaibigan.

Hello, sa tingin mo lahat ng nakapaligid sa kanya at bumabati ngayon e kaibigan niya? Napakafriendly naman niya kung gayon..

Kahit na, parang nakakahiya pa rin.

Hay naku, bahala ka..magpakaarte ka lang at lalo kang nagmumukhang ewan!

Sabi ko nga lalapit na ako, e. Di ka naman mabiro...

Humarap na nga ako sa direksyon niya. Dun ko nalaman na lalo lang dumadami ang nakikipag-usap sa kanya. Parang di nauubos...

Nakatingin lang ako sa kanya. At mukhang totoo nga yung sinasabi ng karamihan na ramdam mo kapag may nakatingin sa iyo kahit na sa malayo pa. Iyon din siguro ang nararamdaman ni Yale ngayon dahil heto ako, nakatingin lang sa kanya.

O, tiningnan ka na rin sa wakas. Lapitan mo na para mabati mo na siya.

Lalapit na nga sana ako pero mukhang iyon na ang balak gawin ni Yale. Naglalakad na kasi siya papunta sa direksyon ko...

...

...

"Hey," -Yale

"H-hi. Congratulations nga pala." -me

"Thanks."

Pareho kaming natahimik. Wala akong maisip sabihin e. Para akong na-mental block. Kung di pa sumingit si Justin, mananatili lang kaming nakatingin ni Yale sa isa't isa.

"Congrats, ang galing mo kanina. Biruin mong nahabol at nalagpasan mo pa ang puntos ng kalaban n'yo." -Justin

"Salamat. Ah siya nga pala, may party sa bahay ko. Invited kayo, it was a victory party para sa buong team."

"Sure. Pupunta kami, right panget?" -me

Tiningnan ko pa si Justin. Nagkibit balikat lang naman siya so naisip ko na okay lang naman sa kanya.

"Well, dun na lang tayo magkita."

Nakangiti akong tumango sa kanya. Parang kami lang yung tao roon..yun yung pakiramdam ko. Ni hindi ko na nga alam na biglang nawala sa mood si panget. All I can feel is just happiness...

Parang nasa mataas akong lugar at lumulutang sa kawalan. Weird, I must say pero ang sarap at ang gaan sa pakiramdam. Parang yung nararamdaman ng heroine sa hero niya. Parang yung sa story na mga isinulat ko.

Could it be—nah, imposible. Napakaaga pa para doon. Maybe its just admiration for opposite sex.

Yeah, ganun na nga.

Nakangiti lang ako kay Yale hanggang sa magpaalam na siya sa amin. Noon ko naman kinausap si Justin.

"Okay din pala si Yale, noh?"

"Hmm.."

"Akala ko di ko siya makakasundo ever. Pero looks like na nagkamali na naman ako. Punta tayo ha?"

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon