Chapter 11

180 4 0
                                    

  Chapter 11:

**Jellaine's Pov**

3 months later...

Ilang buwan na rin mula noong magkamabutihan kami ni Yale. Dalawang buwan mula noong pormal ko siyang sagutin at maging boyfriend ko. Naalala ko na si Justin pa nga ang una kong pinagsabihan niyon...

(Flashback)

It was one hot afternoon at namasyal kami ni Justin. Actually, ako yung nagyaya na lumabas kami. Gusto ko na kasing sabihin sa kanya yung tungkol sa amin ni Yale.

"So, let's get this straight. Ano nga iyong sasabihin mo na good news?" -Justin

"Do you remember our deal, yung about sa kung sino ang unang maiinlove at magkakaroon ng dyowa?"

"Uhuh." Tumango pa siya tapos biglang nangunot yung noo. "What about it?"

"Di ba promise natin na tayo ang unang makakaalam if ever na magdesisyon na tayong pumasok sa relationship?"

"Kulit, diretsahin mo na lang ako. Ano bang—"

"Kami na ni Yale." Hindi ko na pinatapos si Justin at agad na kong sumingit.

"Paano? E wala ka namang nabanggit sa akin na nanliligaw na pala siya sa iyo."

"About that, I'm sorry. Nakalimutan ko na rin, e. Anyway, kaya nga bumabawi at sinabi ko na sayo ngayon. Bestfriend, wag ka nang magalit. Aren't you happy for me?"

Sinubukan kong magpaawa sa kanya. Iyong tipong nangungunsensya. If I know, hindi naman niya ako kayang tikisin.

"Of course I am happy for you. Alam mo namang kapag masaya ka e, masaya na rin ako." -Justin

"Oh, bestfriend. You're such a dear, kaya hindi ko alam ang gagawin ko sakaling wala ka..thank you."

"A-ako rin naman e, b-bestfriends tayo diba? I just wish that we're not in the same situation as to where we are now."

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon