Chapter 8

228 4 0
                                    

Chapter 8:

**Yale's Pov**

Kanina pa tapos yung conversation namin ni Jellaine– what I mean is ni Ms Sta. Maria.

Napangiti ako dahil bigla kong naalala yung itsura niya kanina. Gulat na gulat siya e, actually I felt the same. I didn't expect na magkikita kami ulit. Mind you, partners pa kami..

At speaking of partners, nasabi ko na sa kanya ang plano ko. She already gave her approval kaya sa Sabado sisimulan na namin ang pag-eensayo.

About naman sa practice, puwede sigurong dito ko na lang siya sa bahay dalhin. Ako lang naman saka ang mga katulong lang ang narito ngayon. Ang magulang ko? Well, sabihin na lang natin na matagal na akong walang pakialam sa kanila.

Matagal ko nang natutunan na wag dumepende sa kanila lalo na kay mommy. Afterall, sila naman ang dahilan kung bakit hindi naging kasing-saya tulad ng iba ang childhood days ko...

"Señorito, handa na po ang merienda. Dito ko na lamang ba dadalhin o nais mong sa kumedor na lang?"

"Doon na lang ho."

"Sige po. Sumunod na lang kayo pagkatapos ng limang minuto, ipapaayos ko lang ang kumedor."

Hindi ako lumingon pero alam kong nagpaalam na siya at iniwan ulit ako. Napatingin naman ako sa paligid...

The scenery was beautiful..

Parang palasyo..

Isang paraiso...

But somehow, for a certain reason, habang pinagmamasdan ko ito ng matagal lalo akong nakakaramdam ng lungkot...

Hindi lang halata dahil nasanay na akong itago ang tunay na ako. Sanay balewalain ang opinyon ng iba, sanay magtago ng tunay na emosyon...

Marami ang humahanga sa akin pero bukas rin ang mata ko sa katotohanang lahat sila ay paimbabaw lang ang ipinapakita. Na kapag nalaman nila kung sino talaga ako, pagtatawanan at kaaawaan lang nila ako that's why I made that front.

Mayamaya nang masigiro kong may limang minuto na ang nakalipas, lumabas na ako at nagpunta sa kumedor.

Pagkakita naman ng mga katulong sa akin, agad silang nagbigay galang, tapos ipinaghila pa ako ng upuan.

"Salamat but next time wag mo ng gagawin ulit ang ipaghila ako ng upuan dahil kaya ko."

"O-opo señorito, pasensya na."

"Okay lang, sige na puwede n'yo na akong iwan dito."

Yumukod naman sila bago isa-isa akong iniwanan. Nung masiguro kong ako na lamang mag-isa ang naroon, saka ako nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

I am really tired feeling like this...

Gusto ko namang magreach out pero nahihirapan akong ibigay ang buong tiwala ko...

My parents made me like this. Isang taong walang pakialam sa kung ano ang tingin sa kanya ng iba. Minsan may time na nakakalungkot pa rin but I'm already used to it. Sanay na sanay na ako...

Hindi naman ako nagtagal sa kumedor. Mabilis lang kasi akong natapos kumain. Paglabas ko napansin ko na napatingin sa akin yung ilan sa katulong pero di ko na binigyang pansin.

Narinig ko pa yung bulungan nila nang mapadaan ako...

"Hindi ko maintindihan kung bakit napakasungit niyan ni señorito."

Best friend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon