Chapter 1

6.5K 94 4
                                    


"You're still the kindest person I've ever known even though you almost imprison me for lifetime. But I'm always your willing victim, Maki. Dahil nang kidnap-in mo ako ay tuluyan mo nang tinangay ang puso ko at hindi ko na iyon mabawi sa iyo."



"NAY, kumusta na ho si Bitoy?" Niyugyog ni Maki ang ina na nakatulog sa pagbabantay sa kaniyang kapatid. "Nabili kona ho ang mga gamot na nireseta ng doktor. Kumain na kayo?"

"Hindi pa, anak." sagot ng pupungas-pungas pang ina.

"At saka bumili ako ng pansit, 'Nay. Kainin na ninyo habang mainit pa."

Two weeks na sila sa ospital.Two weeks narin siyang kung saan-saandumidilehensya ng pambili ng gamot. Kung hindi lang sana sila iniwan ng kaniyang ama at sumama sa ibang babae ayhindi siyamasyadong mahihirapan. Siya ang panganay kaya siya na ang tumayong padre de familia simula nang mangapitbahay ang magaling niyang ama at wala siyang alam kung saang lupalop ito naroroon ngayon.

Gustuhin man niyang ipagpatuloy ang second year sa kolehiyoay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. Kailangan niyang tumulong sa nanay niya. Paglalabada lang ang alamnitong pagkakakitaan para may maipakain sa dalawa pangnakababatang kapatid niya.

Okey na sana ang buhay nilangisang-kahig-isang-tuka kundi lang sumulpot angisang mabigat na problema. At ngayon nga ay hindi niya alam kung saan siya maghahagilap ng kadatungan.

Naalala niya ang salarin sa lahat ng iyon. Walang dapat sisihin sa nangyari kundi si Francisco MalilongJr. aka Franz, ang class president nilasa Akademya ng Bagong Sibol. Ang baklaang nagdala sa kanila ng sumpa! At hindi naman pala totoong ikinasal ito. Sinadyatalaga nitong i-prank silang lahat dahil lang sa trip nito.

Kaya kung hindi dahil dito ay hindi silasusugod sa simbahan para gantihan ito sa paraang guluhin ang kunong kasal nito na kung saan ay may pagala-gala palang matandang mangkukulamsa labas ng simbahan at sumumpa sa kanilang anim namagkakaibigan.

Totoo ang sumpa. Sa katunayan ay sinumpa ng kabit ng tatay niya na isang Bisaya ang nanay niya na magiging tigang sa habambuhay. Ayon sa ina, ang Bisayang iyon ang unang girlfriend ng ama at inakala nitong inagaw ng ina ang kasintahan, na wala namangkatotohanan. Ang hula niya ay ginayuma nito ang tatay niyaparamabaliw dito at iwan silang pamilya nito. Mahilig daw sumangguni ang babae sa mga albularyo at mangkukulam.

At idagdag pa ang pagsumpa sa kanila ni Diosa na kaklase nila noon sa high school. Nagkatotoo ang sumpa nito sa kaniyanang layasan sila ng ama at nagsimulanga silang maghirap. Nagkatotoo rin ang sumpa nito kina Salve, Kwini, Charry, Dani, Rafi at kay Franz.

Mas pinatunayan pa niyon na totoo ang sumpa nang tatlong araw matapos silang maisumpa ng matandaaynabundol ang kapatid niya. Hindi lang siya ang minalasng araw na iyon, pati ang mga kaibigan niya.

Si Salve ay natanggal sa trabaho. Si Kwininaman ay kinalasan ng boyfriend nito. Pero ayon sa isang manghuhulang kinonsulta nila, ang tanging paraandaw para maalis ang sumpa ay ang maikasal sila bago sumapit ang Supermoon.Second week ng August iyon, tatlong buwan magmula ngayon.

Tatlong buwan? Sinong Fafa ang hihilahin niya, eh wala naman siyang dyowa? Saka na muna niya iisipin ang paghahanap ng mapapangasawa. Si Bitoy ang mas importante. Malaking halaga ang kakailanganin nilang pambayad sa isinagawang operasyon dito at sa iba pang hospital bills nito.Ang sabi ng doktor, nilagyan ng bakal ang nabaling buto nito sa binti.

Nabundolkasi ng humaharurot na sasakyan ang kapatid niya habang papatawid ito galing sa eskuwela. Ang nakadisgrasyadito ang dapat sanang managot sa gastusinsa ospital. Pero walang nakakuha ng plate number ng sasakyan. Nang-hit and run ang walang pusong driver. Sa oras lang na makita niya ang driver ayipakukulam niya iyon sa pinakamabagsik na mambabarangsa Pilipinaspara hindi na makapamuwerwisyo pa.

The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon