.
.
"SAAN BA tayo pupunta, Jarr?" untag niya sa lalaking nagmamaneho sa tabi niya. Kanina ay sinabihan siya nito na gumayak. May pupuntahan daw sila.
"Sa Taal Volcano. Hindi ba't gusto mong makita 'yon?"
"Talaga? Mamamasyal tayo doon?"
"Yeah."
Jarret managed to drive the way to Talisay town proper. Sa Public Market ng nasabing bayan ito nag-park ng sasakyan. At sa palengke ring iyon ay naghilera ang mga rental boats para makarating mismo sa Taal Volcano. They rented a boat that worth one thousand and five hundred pesos. It was round trip. At least, solo nila ang bangka. Sulit naman ang ibinayad nila dahil magagandang tanawin sa paligid ng pamosong bulkan ang namalas nila.
.
Dumaong sila nang marating ang Island. They went to the booth to ask. May tourist fee palang binabayaran doon. Then, they rented again but now for a horse back riding to reach the Crater Lake or Taal Lake.
Puting pony ang pinili niya. Maamo naman daw ang mga kabayo, ang sabi ng staff na nag-assist sa kanila. Gusto talaga niyang matutong mangabayo dahil minsan man sa buhay niya ay hindi pa siya nakakaranas na sumakay doon. Nakasakay na sa itim na stallion si Jarret. Nagmistula itong magiting na kabalyero na madalas niyang mapanood sa mga Mexican TV drama. Ang lalaking tour guide nila ay hawak na ang renda ng pony. Before taking off, they were approached by local girls selling face mask for the road was so dusty. Bumili si Jarret ng dalawa. Tag-isa sila. Then, they began with their Taal Volcano Hiking.
Hirap siyang ibalanse ang katawan sa ibabaw ng kabayong dahan-dahan lang na naglalakad.
.
Sa kalikutan niya ay aksidenteng nasipa niya ang katawan ng kabayo at tumakbo iyon, Kumapit siya ng mabuti sa leeg niyon habang hinahabol siya ng tour guide. Napabilis din ang takbo ni Jarret pasunod sa kaniya. Naabutan siya ng tour guide at sinaway ang kabayo. Huminto naman ang sinasakyan niya.
Ibinaba siya ni Jarret na nakababa na sa stallion.
.
"Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
.
"Hindi naman. Ninerbiyos lang. Akala ko mahuhulog na ako kay Puti."
.
"Sa akin ka na sumakay."
.
Inakay siya ni Jarret sa naghihintay na kabayo nito at isinakay roon. At sa pagkakataong iyon ay hindi maiiwasang maghinang ang kanilang mga mata.
.
Peste talagang puso 'to. Ang lakas na naman ng kabog, daing niya nang halos mabingi na siya sa lakas ng tibok niyon nang madama ang paghawak nito sa baywang niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-overcome ang ganoong pakiramdam kung kaharap si Jarret. Para siyang teenager na nakita ang big crush.
.
Ito naman ang sumampa sa kabayo sa likuran niya. Kaya nakulong siya sa mga bisig nito nang kunin ang renda. Nasinghot na naman niya ang lalaking-lalaking amoy nito na hinaluan ng man's cologne na gamit nito. Gabi-gabi man siyang nakakasiping nito, hindi siya nagsasawa sa amoy nito. Nagdudulot pa rin iyon ng ibayong kilig at kiliti sa kaniya.
.
Nang patakbuhin nito ang sinasakyan nila ay humilig siya sa matitigas na mga dibdib nito. Tapos ay kinawit nito ang isang kamay sa katawan niya. Feeling niya ay safe na safe siya sa mga bisig nito. Naalala niya ang isang eksena sa binasang pocketbook. Ganoon na ganoon ang senaryo ng nabasa niya. Kung magagawa lang niyang itigil ang pag-ikot ng orasan upang hindi na matapos ang sandaling iyon ay ginawa na niya.
.
Hinalikan ni Jarret ang punong-tainga niya na nagbigay sa kaniya ng laksa-laksang kiliti. Sinamyo nito ang buhok niya at bumulong. "Hmm.... ang bango! Pag-uwi natin sa bahay, sabay tayong maligo, ha?"
.
Humagikhik siya. "Puro ka kalokohan." bulong din niya.
.
"Bakit? Gusto mo rin naman, di ba?" Dumampi ang bibig nito sa namumula na niyang pisngi at hinalikan. Nangingiting kinurot niya ang kamay nitong nasa tiyan niya. Sinulyapan niya ang tour guide na nasa ibabaw ni Puti sa pangambang naririnig sila ng mama. Ito ang sumakay sa kabayo niya.
.
"Huwag kang maingay." saway niya kay Jarret.
.
One hour yata silang naglalandian sa paglalakbay nang sapitin nila ang Crater Lake na kulay green ang tubig. Ibinaba siya ni Jarret sa kabayo. Namilog ang mga mata niya sa nakita. At last, nakita na niya ang Taal. It was a beautiful scenery indeed. Taal Volcano's unexplained shape and location. An island within a lake within an island, made it a unique geologic wonder.
.
Maaari raw mag-swimming doon, sabi ng tour guide. Sa tingin niya ay mas magandang tanawin at pagmasdan na lang ang lugar. Marami nang tao doon. Karaniwan ay mga turistang dayuhan.
.
Inakbayan siya ni Jarret. "Ang ganda, di ba?"
.
"Oo, napakaganda!" bulalas niya sa pagkamangha. Sulit ang pagod niya sa pag-akyat doon. Masuwerte sila at nagkataong makulimlim ang panahon kung hindi ay siguradong tagaktak ang pawis nila. "May dala kang cellphone? Kukunan ko lang ang view."
.
"Yeah. Alam mo namang boyscout ako." Kinuha nito ang knapsack na nasa likod nito. Kanina pa niya napansin iyon mula nang sumakay sila ng bangka.
.
"Anu-ano ang mga laman niyan?" Curious lang siya. Inusyoso niya ang bag. Hinugot niya ang face towel at ang extra niyang.... t-shirt? "Bakit may dala ka nito?"
.
"Ang towel, pamunas sa pawis natin. Ang t-shirt ay para isuot mo kung sakaling mabasa ng pawis ang damit mo." May kinuha ito sa loob. "Nauuhaw ka ba? Nagdala rin ako ng dalawang C2 Iced Tea Apple. Ito ang mga baon ko kapag nagpupunta ako dito noon. Nakalimutan ko ngang magdala ng eyeglasses. Mabuti at hindi na kailangan."
.
Natuwa siya sa sobrang concern nito. Nagawa pa nitong unahin ang sarili niya kaysa sa sarili nito. "Thank you!" Isang malutong na halik sa pisngi nito ang ibinigay niya rito. He made a face. "Bakit nakasimangot ka?" aniya.
.
"Bakit sa pisngi?" reklamo nito.
.
She smiled mischievously and granted him the kiss he was asking for. Habol nila kapwa ang hininga nang maghiwalay ang mga labi nila. "Satisfied?" He grinned.
.
Natatakpan sila ng malaking bato kaya hindi sila masyadong mapapansin. Digital camera pala ang dala ni Jarret. Photos had taken from the ground and the summit. Nakasunod ito sa kaniya habang kumukuha siya ng mga magagandang anggulo. Nakaalalay sa kaniya. Nagpakuha sila ng litratong magkasama sa isang babaeng pinakiusapan nila na ang background ay ang Crater Lake. Kinunan din siya ni Jarret ng video.
.
Mga magagandang alaala na babaunin niya sa paghihiwalay nila. Umuwi sila na kuntento at masaya sa hiking nila sa Taal Volcano.NAPABALIKWAS ng bangon si Maki sa pagtunog ng caller tone ng cellphone niya. Kumanta ang 'I Got A Boy' ng favorite girlband niya. Iyon ang unang beses na may tumawag sa kaniya simula nang matira siya roon.
.
Nang marinig ang kanta ay saka niya naisip ang palugit nilang magkakaibigan para makapaghanap ng lalaking pakakasalan. Isang buwan na lang ang nalalabi!
.
Si Rafi ang tumatawag.
"Maki, kumusta na kayo ni Jarret? May nangyari na ba?" anito na para bang may ibig ipakahulugan.
.
Nag-iinit ang mga pisnging tinapunan niya ng tingin ang natutulog na lalaki sa kama. Alam niyang sa ilalim ng kumot ay parang sanggol na nakahubad si Jarret. Kaya ba isang kuwarto lang ang ipinagamit sa kanila ni Rafi ay inaasahan nitong may mangyayari sa kanila ni Jarret? Tinutulungan siya nitong makahanap ng mapapakasalan!
.
"Wala pa." kaila niya.
.
"Aba! Bilis-bilisan mo naman. Gusto mong gumanti, di ba? Grab your chance. Pikutin mo na lang siya para maalis ka sa sumpa. Iyon ay kung may iba ka pang lalaking binabalak na pakasalan bukod kay Jarret."
.
Napangiwi siya nang maisip si Boy Pana. Tinataguan niya ang manliligaw dahil umaasa pa rin ito na sasagutin niya. Mas gugustuhin naman niyang mapunta na lang siya kay Jarret kaysa rito. Ang tanong; pumayag naman kaya ang ex-boyfriend na pakasal sa kaniya samantalang may ibang babae na nakatakdang pakakasalan ito?
.
"Si Salve ay malapit nang ikasal kay Justin, Maki." patuloy ni Rafi. "Si Kwini naman, kay Strike. Ganoon din sila Dani at Chari. Napag-iiwanan ka na. Baka habambuhay mong dalhin ang sumpa kung hindi ka agad makakapag-asawa."
.
"Eh, ikaw? Nabili mo ba 'yong lalaking nagugustuhan mo?"
.
"Oo naman." Nahimigan niya ang kaligayahan sa tinig ni Rafi. "At napakasaya ko, Maki. Invited ka sa kasal namin ni Rodrigo."
.
Masayang-masaya siya para sa kaibigan. Natagpuan rin nito ang lalaking makapagpapaligaya rito.
Wala na siyang choice kundi ang puwersahin si Jarret na pakasalan siya kahit hindi siya ang mahal nito. Tutol na tutol talaga ang kalooban niya na sa iba ito mapunta. Ngayong may nangyari na sa kanila ay ayaw na niyang mawalay pa rito. At ilang linggo na lang ba ang natitira sa taning niya? Ayaw niyang habambuhay na maging malungkot at mag-isa dahil wala siyang sariling pamilya.
.
Sorry, Amaya. Pero kailangan kong gawin ito.
.
Nagpaalam na si Rafi sa kaniya. Bumalik siya sa higaan nila ni Jarret. Unang beses niya iyon na magpapaligaya siya ng lalaki. Ibig niyang mabaliw si Jarret sa kaniya. Gagawin niya ang lahat ng makakaya maging kaniya lang ang lalaking iniibig niya kesehodang makasakit siya ng damdamin ng kabaro niya.
Ang mapupusok na mga halik niya ang nagpagising kay Jarret. Muling nabuhay ang pagnanasa nito. Bawat sandali ay kapanapanabik sa pagpapadama niya ng pagmamahal dito. Sa kaniya lang si Jarret. Hindi man siya ang may-ari ng puso nito ay siya naman ang nagmamay-ari sa katawan nito nang mga oras na iyon. Naging mainit ang gabing iyon, saksi ang apat na sulok ng silid.
BINABASA MO ANG
The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)
RandomNaniniwala ba kayo sa sumpa? Basahin ang nakakatawa at nakakakilig na kuwento ng anim na dalagang naisumpa ng matanda nang guluhin nila ang kasal ng may kasal. At ang paghahanap nila ng mapapangasawa bago sumapit ang Supermoon para pangontra sa sum...