Chapter Eleven

8.5K 150 14
                                    

.
MAKI was fed-up with the situation. Sa tatlong araw na paghihintay niya kay Jarret ay nagliwanag na ang kaniyang isipan. Kaya kahit kasing taas ng langit o kasing lalim ng dagat ang pagtingin niya kay Jarret ay palalayain niya ito. Isasauli na niya ito kay Amaya, sa babaeng tunay na nagmamay-ari dito. Ipapa-annul na lang nila ang kasal. Mayaman naman ang lalaki, so, kayang-kaya nito ang charges kahit gumastos pa ito ng milyones para sa kalayaan nito.
.
Dahil nagdudumilat ang katotohanang naglaho nang parang bula ang damdamin ni Jarret noon sa kaniya. Pinakasalan siya ng lalaki sa huwes dahil na rin sa pamimilit niya. Hindi nga ba't tinakot pa ito ng lolo niya? Kaya bakit pa niya ipagsisiksikan ang sarili sa lalaking hindi na siya mahal? Ginagawa lang niyang miserable ang buhay nito sa piling niya dahil hindi naman siya ang babaeng makapagpapaligaya rito. Kaya kahit mahal na mahal niya si Jarret ay pakakawalan na niya ito.
.
Nag-impake siya ng mga gami. Aalis na siya sa bahay-bakasyunan nina Rafi na nagkaroon ng sentimental value sa kaniya. Iginala niya ang tingin sa paligid. Lahat ng sulok ng kabahayan ay nagpapaalaala sa kaniya ng masasayang araw nila ni Jarret, lalo na ang kusina kung saan niya binubusog ito ng masasarap niyang lutuin.
.
Goodbye, Jarret. Tumulo ang kaniyang mga luha. Mabigat man sa loob niyang iwan ang asawa ay titiisin niya para sa ikaliligaya nito.
.
Hindi pa man napipihit ni Maki ang seradura ng pinto ay bumukas na iyon. Si Jarret ang iniluwa ng pinto. Naiwan sa ere ang ngiti nito nang mapagmasdan ang luhaan niyang mukha. Pagkatapos ay bumaba sa kamay niyang may bitbit na travelling bag ang mga mata nito.
.
"Aalis ka?" gulantang na tanong nito. "Bakit? Saan ka pupunta?"
.
"Sorry, but I have to go, Jarr." Pinahid niya ng kamay ang magkabilang pisngi na basa ng luha. "Isasauli na kita kay Amaya. Siya naman talaga ang mahal mo, di ba? Hiniram lang kita sa kaniya. Kaya ibabalik na kita."
.
Natawa si Jarret. "Ano bang pinagsasasabi mo?"
.
"Pinuntahan mo si Amaya, di ba? Tatlong araw kang nawala at siya ang kasama mo."
.
"Halika ka nga rito." Natatawa pa ring hinila siya ni Jarret sa sofa. Iniupo siya ng asawa sa kandungan nito. "Now, tell me. Ano uli 'yong narinig kong isasauli mo na ako kay Amaya? Are you sure?"
.
Gusto niyang pumalahaw ng iyak. Tinitiyak talaga nito na hindi siya nagbibiro lang. "Opo, kasi hindi mo naman ako mahal." Nanunulis ang nguso niya nang sabihin iyon. Umalingawngaw sa buong kabahayan ang malutong na halakhak ni Jarret.
.
Nainis si Maki. Kung makatawa kasi ito, wagas. Umalis siya sa pagkakaupo sa lap nito.
.
"Saan ka pupunta?"
.
"Lalayas na!"
.
"Hep!" Mabilis na hinigit nito ang baywang niya pabalik sa kandungan nito. "Sa tingin mo ba ay papayag akong iwan mo na lang basta, sweetie?"
.
Gagawin siya nitong kerida? Kabit? Mistress? Pero teka! Hindi ba't siya ang tunay na asawa? At si Amaya ang kabit? Pero hindi nga ikaw ang mahal niya, di ba? sita ng isang tinig sa sulok ng isipan niya. Nanlumo siya. Ang pag-ibig ang pinakamahalagang sangkap sa pagsasama ng mag-asawa. Kung wala iyon ay parang wala ring halaga ang pagsasama. Wala talaga siyang pag-asa.
.
"At ano'ng gusto mong mangyari? Buntisin ako, tapos kay Amaya ka uuwi dahil siya ang mahal mo?"
.
"Mahal ko nga si Amaya pero-"
.
"Kita mo na? Eh, di umamin ka rin." putol niya sa sasabihin nito. Sumama ang loob niya.
.
"Patapusin mo muna ako, sweetie." He fondly pinched her nose. Itinikom niya ang bibig. Nais rin naman niyang marinig ang side nito.
.
"Minahal ko si Amaya not in a way na gusto ko siyang maging girlfriend o asawa. Minahal ko si Amaya bilang nakababatang kapatid. She's like a dear sister to me." Napaunat si Maki sa narinig. "Siya kasi ang the best sa mga kaibigan ko noong maliliit pa kami. Kami ang laging partner. Malambing siya, mabait at maganda. Ako man ay malambing at mabait din sa kaniya. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Kaya komportable kami sa isa't-isa."
.
Sumimangot siya sa sinabi nitong maganda si Amaya. "Ako, hindi ba ako maganda? At ano naman ako sa iyo? Dear sister din?" Sumumpong na naman ang insecurities niya.
.
Lumapad ang ngiti nito. "To me, you're my Miss Universe that no one can beat. You're the nicest person I have ever known despite the fact that you almost imprisoned me for years. But I'm always your willing victim, Maki. Dahil nang kidnap-in mo ako ay tuluyan mo nang tinangay ang puso ko at hindi ko na iyon mabawi sa iyo. I love you, Maki. Dito nanggaling iyon." Tinuro nito ang tapat ng dibdib. "Dahil pangalan mo lang ang ibinubulong nito noon pa man."
.
Nag-hype yata sa tuwa ang puso niya nang marinig ang lahat. Pero may isa pang magulo sa mga nangyari. "Bakit ang pakilala sa akin ni Amaya sa iyo ay boyfriend ka niya nang makita ko kayo noon sa sinehan?"
.
"Yup. It's true. Hindi ko kayang tanggihan ang pakiusap ng mga magulang niya at ng magulang ko na paniwalain ko si Amaya na mahal ko siya. It was the darkest side of her. Before that, naalala mo noong nasa coffee shop tayo nang may tumawag sa akin? It wasn't my mother like I told you. Si Amaya 'yon. Nagbanta siyang magpapatiwakal uli kapag hindi kita hiniwalayan. Nataranta ako at agad na nagpaalam sa iyo. Minsan na niyang ginawa iyon, Maki at sobra-sobrang pang-uusig ng konsiyensiya ang inabot ko. Thank God, she survived the danger. Hindi pa kita magawang kalasan that time. Hindi ko kaya. Pero nang mahuli mo nga kami sa sinehan, that was the final straw. Balak man kitang suyuin uli ay hindi ko na nagawa pa."
.
"Anong nangyari?"
.
"Dahil kinagabihan niyon, nagtangka uli siyang mag-suicide at na-comatose for a month."
.
Naitakip ni Maki ang bibig sa pagkabigla. Ganoon ka-obssess si Amaya kay Jarret?
.
"Kaya nang hindi matuloy ang kasal namin ay siya agad ang unang kinontak ko. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong okey naman siya at hindi siya nag-attempt ng suicide. Nagtaka lang ako, knowing her to be very demanding and emotional. Ngayon ay alam ko na ang dahilan."
.
"Anong dahilan?"
.
"In love si Amaya sa ibang lalaki. Sa tatlong araw kong pagkawala ay hinanap ko siya dahil ang sabi ng mommy niya ay hindi pa raw umuuwi si Amaya simula nang umalis siya. I found her in Ilocos Norte with a cowboy named Bryle. Na-misinterpret lang ni Amaya ang nararamdaman niya sa akin. Pero ang totoo ay isa lang akong older brother sa kaniya o isang matalik na kaibigan na ayaw niyang mawala sa tabi niya at sa buhay niya."
.
Humugot siya ng malalim na hininga. Natagpuan din ni Amaya ang sarili nito at ang totoong pag-ibig nito.
.
"Until now, pinagseselosan mo pa rin pala si Amaya." amused na wika ni Jarret, pilit na itinatago ang pagngiti.
.
Humalukipkip siya. "Hindi lang ako nagseselos, higit pa ron."
.
"Bakit, Maki?"
.
"Anong bakit?"
.
"I mean, bakit ka nagseselos?"
.
"Hindi mo pa ba alam?" Umiling ito. "Nagseselos ako kasi mahal kita!"
.
"Kaya mo ba sinasabi iyan ay dahil sa suspetsa mong baka nabuntis na kita? Kaya pinuwersa mo akong pakasalan kita?"
.
"Of course not! Buntis man ako o hindi, kaya ko nagawa iyon ay dahil totoong mahal kita."
.
Hindi na niya dinetalye pa na bukod sa mga nabanggit niya ay kailangan na talaga niyang mag-asawa dahil natakot siya na magkatotoo ang sumpa. Pero hindi pala siya sa sumpa dapat matakot kundi sa posibleng pagkawala ni Jarret sa buhay niya. Magpapakatandang dalaga na talaga siya kung hindi rin lang ito ang makakatuluyan niya. May sumpa man o wala, si Jarret lang ang mahalaga.
.
Napangisi ito. "So, talagang mahal mo nga ako?"
.
Ipagkakaloob ba niya ang sarili rito kung hindi niya ito mahal? "Manhid ka! Sa dalawang buwan nating pagsasama sa iisang bubong, hindi mo pa nahalata naahal kita?"
.
"I thought na gumaganti ka lang sa akin sa pagtataksil ko sa iyo at sa nangyari kay Bitoy."
.
"Noong una, oo. Pero muli kong naramdaman ang pag-ibig ko sa iyo. Or maybe, noon pa man ay nananatili ka pa ring nakaukit sa puso ko sa itinagal ng panahon." Ganoon ba talaga ang mga umiibig? Nagiging corny? "Ikaw, mahal mo rin ako kahit si Amaya sana ang mapapangasawa mo?" Maganda si Amaya. Imposibleng hindi ito nagkaroon ng munti mang lugar sa puso nito para sa kababata.
.
Kaya napadasal siya ng wala sa oras. Magkamali lang ito ng isasagot ay lalayas siyang tangay ang kaniyang travelling bag at hindi na magpapakita pa rito hanggang sa katapusan ng mundo.
.
"Mahal. Mahal na mahal kita, Miss Makibaka Tamayo."
.
Napangiwi siya sa kabila ng sobrang kagalakan. "Please naman. Huwag mo nang bigkasin ng buo." Kung mayaman lang siya ay ipinabago na niya ang pangalan niya. Saan kaya napulot ng nanay niya ang pangalang Makibaka?
.
"Pero bakit noong magtungo tayo kay Mayor para ipakasal tayo ni Lolo Baste ay parang ang bigat-bigat sa loob mo na pakasalan ako?" Tanda pa niya ang expression ng mukha nito noon. Para itong bibitayin.
.
"Kasi hindi ko inaasahan na sa huwes lang magaganap ang first wedding natin. I want it to be a grand wedding. 'Yong sa simbahan tayo ikakasal at nakasuot ka ng wedding gown na nakita mo noon sa Mall. Ganoon ang pangarap kong kasal para sa iyo."
.
Naalala pa pala nito ang damit-pangkasal na iyon. It was the Serpentina wedding gown. "Totoo? Hindi drawing 'yan? Mahal mo pa rin ako as in hindi joke-joke lang?" Hindi kasi siya makapaniwala na tulad niya ay siya pa rin ang nasa puso nito.
.
"Bibigyan kita ng pruweba." Dumukot ito sa bulsa ng pantalon nito at ipinakita ang laman ng kahita. Dalawang singsing ang nasa loob niyon. Two wedding bands! Pa-dramatic effect na lumuhod pa ito sa harap niya. Sa pagmamadali nilang maikasal sa munisipyo ay nawala sa loob nilang bumili ng singsing o dahil sa wala na silang oras. "Pakakasalan mo ba uli ako, Makibaka...errr Maki Tamayo?"

"Yes! Yes! Yes! Kahit sa lahat ng simbahan, Jarr." sagot agad niya sa takot na baka magbago pa ang isip nito at hanggang civil wedding na lang sila. Pangarap yata niyang ikasal sa simbahan ng bonggang-bongga.
.
He kissed her gently and she saw the love reflecting on his eyes. Si Jarret lang ang nag-iisang lalaking mamahalin niya habang siya ay nabubuhay.
.
Naputol ang paghalik ni Jarret sa kaniya nang may sumingit na istorbo. Kumanta ang 'I Got A Boy' ringtone ng phone niya. Labag na labag sa kalooban niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Jarret.
.
Sheesh! Wrong timing si Rafi!
.
"Maki, may maganda akong balita sa iyo!" Halos mabingi siya sa lakas ng boses ni Rafi nang sagutin niya ito. Bakit kailangan pa nitong sumigaw kung masaya naman ito sa ibabalita sa kaniya?
.
"Tumama ka sa Lotto?"
.
"Bruha! Hindi iyon. Nahanap na ni Franz si Manang Mangkukulam!"
.
"'Yong matandang sumumpa sa atin? Saang kuweba niya nahagilap iyon?"
.
"Hindi sa kuweba, Maki. Sa Mental Instituion. Takas pala sa Mental si Manang."
.
"What? Baliw si Manang?"
.
"Oo. Wala ngang bukambibig kundi ang magsumpa ng magsumpa ng kung sinu-sinong taong makita niya."
.
Akalain niyang wala pala sa sariling katinuan ang matandang iyon? Ibig sabihin, hindi totoong isinumpa sila nito. Nagkataon lang na sabay-sabay dumapo sa kanilang magkakaibigan ang kamalasan matapos nilang maka-encounter ang matanda sa simbahan.
.
"Pero nagpapasalamat pa rin ako, Maki." patuloy ni Rafi. "Kung hindi dahil sa sumpa-sumpa na iyan ay hindi ko makikilala si Rodrigo." Bakas sa tinig ni Rafi ang labis na kaligayahan. Siguradong nabili na nito ang lalaking mahal.
.
Napalingon siya kay Jarret na masuyong nakatitig sa kaniya. Ganoon din naman siya. Kung hindi sa pagmamadali niyang mapangasawa ito sa pag-aakalang nauubusan na siya ng panahon dahil sa sumpa ay hindi siya gagawa ng hakbang na maikasal sila agad. Hindi niya maiisip na pikutin na lang ito bagama't sa pagkakaalam niya ay hindi na siya ang minamahal nito.
.
Nang magpaalaman sila ni Rafi ay naglaho ang parang mabigat na nakadagan sa dibdib niya. Hindi pa siya nakakabawi sa impact ng balita ay may tumawag uli sa kaniya. Ang nanay niya! May emergency kaya kay Bitoy?
.
"Nay, bakit kayo napatawag?" kinakabahang tanong niya.
.
"May magandang balita ako sa iyo, anak." Dinig niyang masayang-masaya ang boses ng nanay niya sa kabilang dulo ng linya.
.
Magandang balita uli? Hindi kaya atakihin na siya sa puso sa sunud-sunod na mga sorpresang dumarating sa kaniya? "Ano hong balita, Nay?"
.
Saglit nawala ang ina. Nang muling magsalita ito ay boses-lalaki ang narinig niya. "Maki, anak. Patawarin ninyo ako. Bumalik na ang tatay at hindi na niya kayo iiwan kahit kailan. Pangako."
Namasa ang mga pisngi niya nang mabosesan ang ama.
.
Napahagulhol siya. Anim na taon siyang umasam sa pagbabalik nito at ngayon ay natapos na rin ang paghihintay nila ng nanay niya at ng mga kapatid. Kailanman ay hindi sila nagtanim ng galit sa tatay nila. Isa pang pruweba iyon na hindi totoo ang sumpa. Dahil nasa piling na uli ng nanay niya ang tatay niya at habambuhay nang liligaya ang kaniyang ina.
.
Tinuyo ni Jarret ang mga luha niya at ngumiti sa kaniya. Narinig nito ang usapan nila ng ama dahil napindot niya ang loud speaker sa pagkataranta niya kanina na baka may nangyaring masama kay Bitoy.
.
"Tamang-tama. Sa kasal natin sa simbahan ay tatay mo ang maghahatid sa iyo patungo sa akin sa harap ng altar. Kumpleto na ang pamilya mo, sweetie."
.
Niyakap niya ng mahigpit si Jarret. Wala na siyang mahihiling pa. Nagwakas na ang paniniwala niya sa sumpa, pati ang mga kaibigan niya. Walang sumpa. Matapos ang palitan nila ng "I love you's" ay nasumpungan nila ang mga sarili sa ibabaw ng kama upang maipadama ang pag-ibig nila sa isa't-isa.

- wakas -

The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon