NASA kusina si Maki at magluluto. Marami-rami pa namang stocks sa refrigerator. Kaya hindi na niya problema ang kakainin nila ni Jarret. Natirang supply daw iyon nina Rafi nang magbakasyon ang mga ito roon noong nakaraang linggolang. At kaysa mabulok ay pakinabangan na lang daw nila.
May nakita siyang chickendrumsticks. Iniisip niya kung ipa-fried na lang iyon o gagawingTinola para makahigop ng sabaw si Jarret. Tama na kaya ang isang putahe sa binata? O dadagdagan niya ng isa pang vegetables?Magustuhan kaya nito ang chopseuy? Napamaang siya sa mga iniisip. Why she was trying so hard to please her enemy?Lagyan kaya niya ng lason ang Tinola?O budburan ng sandamakmak na vetsin ang chopseuy?
But in the end, she realized it wasn't worth fighting with Jarret. Kailangan niya ito ngayon para kay Bitoy. Kaya dapat siyang maging mabait dito. Magbabait-baitan lang siya pero pagkatapos niyang makuha ang kailangan dito ay matitikman uli nito ang bagsik ni Makibaka Tamayo.
Niluluto na niya ang Tinola nang tawagin siya ni Jarret. Sumugod siya sa kuwarto nito. "Bakit?"
"I have to use the comfort room."
"Wi-wee-wee ka?"
"Take a bath. Nanlalagkit na ako."
Paano ito makakaligo kung hindi niya ito palalayain? Nagtagumpay na naman siya sa kaniyang Plan A. So, she had to make a deal with him as part of her plan B. Nilapitan niya ito. "Okey, makikipag-compromise ako sa iyo, Jarret. Palalayain kita pero sa isang kondisyon."
"Kondisyong ano?"
"Hindi ka tatakas at hindi ka aalis sa bahay na ito."
"Iyon lang ba? Shoot! Wala na rin lang akong mukhang maihaharap kay Amaya at sa pamilya ko kaya dito muna ako."
"Are you sure? O baka pinasasakay mo lang ako? Tapos kapag nakatiyempo ka ay babush na ang drama mo?"
"Wala ka talagang tiwala sa akin?"
Umiling siya. "Sinira mo na ang tiwala ko sa iyo noon pa man, Jarret."
Lumungkot ang expression nito. "Maki, kaya ko lang naman—"
She cut him short. "Huwag na nating pag-usapan ang nakaraan na." Kinalas niya sa pagkakatali ang mga kamay at paa nito. "Ngayon, ipakita mo sa akin kung karapat-dapat ka ngang pagkatiwalaan."
Ilang sandaling nakatitig lamang ito sa kaniya. Pagkatapos ay nagkibit-balikat at pumasok sa bahagyang nakaawang na pinto. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Kaya bumalik siya ng kusina.
Luto na ang Tinola. Isinunod naman niya ang pagluluto ng chopseuy. Naghihiwa siya ng repolyo nang marinig na naman niya ang tinig ni Jarret na tumatawag sa kaniya. Nang pasukin niya ito sa kuwarto ay muntik na siyang mapaurong. Tumutulo pa ang tubig sa katawan nito at nakatapis lang ng tuwalya ang ibabangkatawan nito.Darn! He wasone hot Adonis on his birthday suit, dahil nakikini-kinita niya ang kahubaran nito sa ilalim ng tuwalya. Na-imagineniya kung ano ang hitsura ngitinatago nito ngayong wala itongbrief.Naipilig niya ang ulo. Kung anu-anong kalokohang tumatakbo sa kukote niya.
"Anong problema?" aniya matapos mahimasmasan.
"Wala akong damit na maisusuot at wala akong brief."
Iyon ang isang hindi napaghandaan ni Maki dahil siguro labu-labu na ang isip niya. Gamit lang niya ang naalala niyang dalhin. "Mayroonako dito pero puro pambabae. Keri mong magsuot niyon?"
"Woman's dress? No way!"
Dinampot nito ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa roon at may tinawagan.
BINABASA MO ANG
The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)
RandomNaniniwala ba kayo sa sumpa? Basahin ang nakakatawa at nakakakilig na kuwento ng anim na dalagang naisumpa ng matanda nang guluhin nila ang kasal ng may kasal. At ang paghahanap nila ng mapapangasawa bago sumapit ang Supermoon para pangontra sa sum...