Chapter Five

3.9K 81 1
                                    


KAHIT hatinggabi nang nakatulog si Maki ay maaga pa rin siya nagising. Bumangon agad siya para tingnan si Jarret sa sahig. Wala na ito sa pinagpuwestuhan nito kagabi. Dumako ang tingin niya sa banyo. Bukas iyon. Kung nasa loob si Jarret, malamang ay sarado ang pinto niyon.

Hinanap niya ito sa kabahayan pero ni anino nito ay hindi niya nakita. Tinakasan na kaya siya nito? Tinakbo niya ang laundry room kung saan niya isinampay ang nilabhan niyang mga damit nito. Sipit na lang ang natira sa sampayan. Nanlalambot na napaupo siya sa sofa. Iniwan na nga siya ni Jarret.

Naguluhan siya sa matinding kalungkutang bumalot sa kaniya, kung sa pagkawala ni Jarret dahil alam niyang kay Amaya babalik ito o para sa kapatid niyang nangangailangan ng tulong nito. Hindi kasi siya makahanap ng magandang tiyempo na masabi rito ang hinala niyang ito ang may kagagawan sa nangyari sa kapatid niya.

Nagtungosiya sa balcony at naupo sa garden set na naroon. Sa harapan ng bahay ay maraming nakatanim na mga ornamental plants. May mga rare flowers na hindi niya alam kung anu-ano ang mga pangalan. Roses lang ang kilala niya. Maliit na garden lamang iyon. Nakakaaliw pagmasdan pero hindi niya ma-appreciate ang ganda nang sandaling iyon sa sobrang lungkot na nadarama niya.

Mula roon ay tanaw niya ang bulundukin na nagsisilbing front view ng bahay-bakasyunan. Nasa mataas na lugar sila sa Batangas.Kakaunti lang at layu-layo ang mga bahay na nakatayo roon. Ang bahay na pinakamalapit sa kanila ay isang daang metro pa yata ang layo. Napakalayo niyon sa bayan ng Lipa. At ngayong nag-iisa na lang siya roon ay ramdam niya ang katahimikan ng lugar.

May natanaw siya sa di-kalayuan. Masyadong malayo ang imahe kaya hindi niya malaman kung ano iyon.Nalamanlang niyang tao iyon na tumatakbo sa kinaroroonan niya nang malapit-lapit na. Unti-unti niyang nakilalakung sino iyon. Si Jarret!

Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa. Hindi naman pala siya tinakasan nito.

"Hi! Good morning!" simpatikong bati nito nang nasa harapan na niya. Ang guwapu-guwapo pa rin ito kahit hinihingal ito.

Maki, alalahanin mong may atraso pa sa iyo ang lalaking iyan! kastigo ng isang bahagi ng isipan niya. Hindi naman niya nakakalimutan iyon.

"Saan ka galing?"

"Nag-jogging. Hindi ba obvious?"

Saka lang niya napansing tagaktak pala ang pawis nito sa noo at leeg. "Sandali lang, ikukuha kita ng face towel." Mabilis pa sa alas-kuwatrong tinungo niya ang silid at mabilis ding nakabalik. Nadatnan niyang nakaupo na ito sa rocking chair sa balkonahe. Bakit hindi pa rin niya matiis ito? O natuwa lang siya dahil hindi naman pala siya iniwan nito kaya inaasikaso niya ito ngayon?

"Bakit hindi ka nagpapaalam na mag-jo-jogging ka pala? Nag-alala tuloy ako. Akala ko—" Huli na bago niya naisip ang konsekwensiya ng nasabi.

He broadened his smile. "Mukhang mabait ka yata sa akin ngayon? Akala mo, umalis na ako at iniwan ka?"

"Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita." iwas niya. Tumalikod agad siya na hindi na hinintay ang pagtugon nito. Ayaw niyang isipin nito na nag-alala siya rito. Instant coffee mix three-in-one lang ang nasa kusina kaya iyon ang tinimpla niya. Dalawa ang ginawa niya.

Nasa garden set na ito nang labasin niya. Inilapag niya sa mesa ang dalawang tasa ng kape.

"I like it here. It's a beautiful place, isn't it? Parang isang paraiso." sabi nitong humahangang iginagala ang mga mata sa paligid. "Fresh ang hangin. Hindi tulad sa Maynila na polluted na dahil sa kabi-kabila ang usok ng mga sasakyan at usok ng mga pabrika."

"Gusto ko rin ang magagandang lugar dito." aniyang may ngiti sa mga labi. "Sayang nga lang at hindi ako makapamasyal. Hindi ako marunong mag-drive." Inginuso niya ang Starex van na pag-aari ni Rafi sa maliit na garahe. Natatakpan iyon ng car cover. Hindi na masasabing bago iyon dahil five years na ang tanda ng sasakyan. Iniwan iyon ng kaibigan just in case na kakailanganin niya o nila ni Jarret.

The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon