Chapter Six

3.9K 75 1
                                    

TINULUNGAN ni Jarret si Maki sa paglilinis ng buong bahay. After that, maghapon na silang nanood ng TV. Kakatapos lang nilang kumain ng masarap na gabihan. Nagluto siya ng adobong baboy at ginisang repolyo. At tulad ng napagkasunduan nila ay naghugas ng pinagkainan si Jarret.
.
Sinamantala niya ang pagkakataon para siya ang mauna sa kama. Pinagpag niya ang mga pillows at inilatag ang bedsheet sa ibabaw ng king-size bed. Mahihiga na siya nang maalala ang kaniyang seremonyas bago matulog. Dala ang toiletries at padyama ay itinuloy na lang niya sa paliligo ang paglilinis lang sana ng katawan. Nanlalagkit ang pakiramdam niya sa pamamasyal nila ni Jarret.
Kinukuskos niya ng tuwalya ang mahabang buhok nang mabungaran sa kama si Jarret. Prenteng-prente sa pagkakahiga ang loko.
.
"Hoy! Ako ang nauna sa iyo diyan!" Niyugyog niya ang balikat ng binata. Alam niyang nagtutulug-tulugan na naman ito.
.
Lumingon ito sa kaniya. "Hindi mo ba nakikitang ako ang nakahiga rito? Kaya ako ang nauna."
.
"Kanina ko pa nilinis ang kama. Naligo lang akong saglit, nandiyan ka na agad?"
.
"Ayaw mo pa kasing magtabi tayo. Hindi naman kita re-reypin."
.
"Ayoko nga. Ano ka, hilo?" Wala siyang kalaban-laban dito kapag nagkataon. O talagang hindi siya lalaban dito kung magkakaroon nga ito ng pagkakataon? Sinaway niya ang sarili sa kabaliwang pumasok sa isip.
.
"Hindi ako malikot matulog. Halika na, sweetie. Tabi na tayo." Pabiglang hinatak siya ni Jarret. Kaya napasubsob siya sa maskuladong mga dibdib nito.
.
"Ayan ka na naman, eh!" Asar na tinukod niya ang mga kamay sa dibdib nito at bumangon para lang mapasubsob muli sa leeg nito nang yakapin siya nito.
.
Oh, Fafa! Amuy na amoy niya ang manly scent ni Jarret. Mabango pa rin ito kahit alam niyang hindi pa ito naliligo simula nang umalis sila kaninang umaga.
.
"Bitiwan mo nga ako!" Ang hilig nitong yakapin siya nang nakahiga ito.
.
"Hindi kita bibitiwan hangga't hindi ka pumapayag na magtabi tayo."
.
"Okey, okey!" sumusukong wika niya. "Basta maligo ka, ha?"
.
"Mabaho ba ako?" Sininghot nito ang sarili. "Hindi naman, ah."
.
"Basta maligo ka." Bluff lang niya iyon para umalis ito sandali. Kapag kadikit kasi niya ito ay parang ang sikip-sikip ng paligid kahit maluwang naman ang kuwartong iyon.
.
Sumunod naman ito. Nagsuklay siya sa salamin ng dresser. Nag-blower siya ng buhok at pinatuyo ang basang buhok saka siya nahiga. Bago iyon ay nilagyan muna niya ng unan ang pagitan nila ni Jarret.
.
Narinig niya ang pagkalampag ng nabuksang pinto ng kuwarto at ang pagsara niyon. Nanuot sa ilong niya ang pinaghalong sabong pampaligo at ang after-shave cologne nito. Nakatagilid siya at nakatalikod kaya hindi niya nakikita ito. Mariin siyang napapikit nang lumundo ang kama at naramdaman ang pagtabi nito sa kaniya. Nang alisin nito ang unan sa pagitan nila ay doon siya nagprotesta.
Makakatikim na naman ito ng katarayan niya! Pagharap niya ay singhap na lang ang lumabas sa bibig niya pagkakita sa hubad nitong katawan at sa boxer short na suot nito. Napalunok siya at bumaba't taas ang paningin sa kabuuan nito.
.
O, tukso! Layuan mo akooo!
.
Madalas niyang marinig na kinakanta ng kaniyang Lola Tinay ang linyang iyon.
.
"B-bakit tinanggal mo ang unan?" aniya. Alam niyang sumemplang ang tono sa tanong niya.
.
"Bakit naman kasi may unan pa?"
.
"Eh, kung rape-in mo ako?"
.
"Hindi kaya ikaw ang mang-rape sa akin? Para kasing hinuhubaran mo na ako sa mga tingin mo." Nanunudyo ang mga mata nito sa kaniya.
.
"In your dreams!" Asar na inirapan niya ito. Iyon ba ang nababasa nito sa mga mata niya? Syeet! Nakakahiya! "Baka ikaw 'tong may pagnanasa sa 'kin." balik-ganti niya.
.
Nang-aasar na tumawa ito. "Marami d'yan na mas maganda pa sa iyo, Maki." Hindi siya maganda para rito?
.
Napabangon siya at namaywang. "Hoy, Mick Jarret Dela Guerra! Anong akala mo sa sarili mo, saksakan ka ng guwapo? Ang dami kayang mas guwapo pa sa iyo na nagkakagusto sa akin at naghihintay na masungkit ang matamis kong 'oo'." Pamba-bluff pa rin niya iyon.
.
Ang totoo ay matagal na niyang binasted ang mga manliligaw niyang may sinasabi sa buhay. For the simple reason na hindi niya maramdaman sa mga iyon ang naramdaman niya kay Jarret noon. Kaya si Boy Pana na lang ang natirang makulit.
.
"Saka magbihis ka nga." utos niya. Sa tuwing nakikita niya ang maskuladong mga dibdib nito ay hindi siya makapag-concentrate ng maayos. Sumunod naman ang hombre, kumuha ng damit at pumuwesto uli sa hinigaan nito sa tabi niya kanina.
.
"Halika, higa na tayo. Inaantok na ako." Hinatak uli siya nito. Mistula siyang puno ng saging na natibag sa tabi nito.
.
Inilagay niya uli ang unan sa pagitan nila. "It's the borderline. Kapag lumampas ka, sa sahig ka matutulog bukas."
Nagkibit lang ito ng balikat. Hindi ito nagprotesta kaya natulog na rin siya.

The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon