Chapter Three

4.2K 93 0
                                    


"LIEUTENANTcolonel Mick Jarret Dela Guerra." bulong ni Maki sa sarili habang pinapasadahan ng tingin ang mataas na building ng kilalang condominiumna iyon sa Ayala. Batambatangcommissioned officerng AFP o Philippine Militarysi Jarret, ayon sa nabasa niyang impormasyon tungkol dito. Graduate ng PMA. "So, dito ka pala naglulungga, Jarret."

Iyon ang nakalagay na address sa folder kung saan nakatira si Jarret. Malapit na raw ikasal ito sa longtime girlfriend nito,ang sabi ni Rafi.Kaya naka-leave ito ngayon kung saan ay naka-assign ito Basilan. Sa darating na Linggo ang stag party nito na gaganapin mismo sa condominium na iyon. To come up withher Plan A, kailangan ay malaman muna niya ang kuta ng kalaban. So, she could proceed to her Plan B.

Tumalikod siya nang may kotseng dumaan sa harapan niya at nag-park sa isang bakanteng slot na malapit sa kaniya sa malawak na parking lot. Bumaba ang pamilyar na parehang sakay niyon. Naka-shade siya at nakapandong ng scurf kaya hindi agad siya makikilala ni Jarret. Ang kasama nito ay ang babae pa ring nahuli niyang kasama ni Jarret noon sa sinehan.Tumutugma ang hitsura nito at pangalan sa picture na nasa folder. Amaya Legarda. Ito ang babaeng pakakasalan nito apat na arawmagmula ngayon. Bigla ang paghaplit ng pamilyar na kirot sa dibdib niya na nadama niya noon.

Six years had passed and she thought she was almost over him. Na naka-move onna siya sa sinapit niyang kabiguan sa mga kamay nito. Hindi pala dahil lalo lang umantak ang sugat na hindi pinaghilom ng panahon. Mahal na mahal pala nito ang babaeng ihaharap nito sa altar na siyang ipinalit nito sa kaniya. Pagkakita sa dalawa ay hindi niya maiwasang hindi alalahanin ang nakaraan.

Nagpatuloy ang relasyon nila ni Jarret hanggang sa tumuntong sila kapwa sa kolehiyo kahit malayo sila sa isa't-isa. Pumapasok na kasi ito saPhilippine Military Academy o PMA sa Baguio Benguet kaya nagkikita lang sila every two weeks. Siya naman ay sa Maynila at second year na sa kursong HRM.

As usual, nagkita silang muli ni Jarret at masaya silang nag-uusap sa isang coffee shop pagkauwi nito galing Baguio. Nagpaalam itong pupunta sa comfort room ng nasabing establismiyento. Iniinom niya ang kaniyang Cappucino nang mag-ring ang pag-aaring cellphone nito na iniwan nito sa mesa.

Nabasa niya sa screen ang pangalang Amaya na caller nito. Dala ng kagandahang asal ay hindi niya pinakialaman iyon. Nakita niya si Jarret na parating at nang marinig nito ang ringtone ay mabilis nitong sinagot iyon habang sinesenyasan siyang lalabas muna ito ng coffee shop.

Bakit kailangan pa nitong lumayo para kausapin ang tumatawag kung karaniwang bagay lang ang pag-uusapan ng mga ito? May itinatago ba ito sa kaniya? Sino ang Amaya na iyon?

"Sweetie, I'm sorry but I have to go. Kakausapin daw ako ng Mama. Bukas uli tayo magkita bago ako bumalik ng Baguio." paalam nito nang magbalik sa mesa nila. Nagmamadali pa nitong sinamsam ang mga gamit nito. "Tatawag na lang ako sa iyo. Bye!" Bago tuluyang umalis ay hinalikan pa muna siya nito. Hindi na niya nagawa pang makapagtanong.

Napabuntung-hininga na lang siya sa kawalan at kagyat ding natigilan. Hindi Amaya ang pangalan ng Mama ni Jarret kundi Romina! Nagsimula na siyang magduda dahil sa tuwing tumatawag ang Amaya na iyon tuwing nagkikita sila ay bigla itong nagpapaalam at kung anu-anong dahilan ang sinasabi nito sa kaniya.Lalo pang nadagdagan ang pagdududa niya nang may makakita rito na isang classmate niya na nakakakilala rito. Nakita raw nito si Jarret na may kasamang babae sa isang shopping mall.Nang araw na sinabi iyon ng classmate niya ay tumawag si Jarret na hindi raw ito makakauwi ng Maynila dahil exam nito.Hindi na siya napanatag magmula noon. Hanggang sa siya mismo ang nakatuklas ng kataksilan nito sa kaniya.

Nagkayayaan silang manood ng sine ng dalawang kaklase niyang babae nang magkaroon sila ng mahabang vacant period. Ililibre daw siya ng mga ito.Gusto niyang malibang. Halos isang buwan na niyang hindi nakikita si Jarret. Hindi na naman ito nakauwi the next two weeks.

The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon