Chapter ten

4.2K 79 7
                                    

.
.
ANG KALIGAYAHANG tinatamasa ni Maki ay agad na pinutol ng isang pangyayaring nagpaguho sa natitirang pag-asa niya. Isang hapon ay ginambala ng pagtunog ng cellphone ng asawa ang pag-idlip nila ni Jarret. Dumukwang siya sa bedside table upang silipin kung sino ang caller. She stiffened the moment she saw the name shown on the screen.
.
It was Amaya!
.
Alam niyang maaalimpungatan na si Jarret kaya mabilis siyang nagtulug-tulugan. Naramdaman niya ang pagkilos ng asawa at ang paglundo ng kama nang tumindig ito. Sumunod ang pagbubukas ng pinto na nangangahulugan ng paglabas nito ng kuwarto. Bumangon siya at sinilip ang bedside table na pinaglapagan niya ng cell phone nito. Wala na iyon.
.
Kinakain ng panibugho ang puso niya. Alam niyang nag-uusap na ang dalawa. Ano ang sasabihin ni Amaya sa asawa niya?
.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok si Jarret na parang nababahala at bahagya pang nagulantang nang makita siyang gising na. Guilt was obviously shown on his face. Halatang may itinatago ito. Then, his eyes turned away from her.  
.
“Sweetie, may pupuntahan lang ako. Gusto raw akong makausap ng Mama.” paalam ng asawang hindi makatingin ng diretso sa kaniya.
.
Ang mama mo o si Amaya? Malungkot na tumango siya.
.
Kung anu-ano na lang ang hinablot nitong mga damit sa closet, halatang nagmamadali. Mukhang natataranta si Jarret. Hindi pa naitugma ng tama ang kulay ng polo-shirt sa jeans nito. Paspasang nagbihis ito. Ni hindi nakapagsuklay. Muli siyang nilingon nito nang nasa pintuan na.
.
“I’ll be back…. later.” Hindi nito nagawang halikan muna siya bago umalis gaya ng nakasanayan nito.
.
He shut the door behind him.
Tears welled up from her eyes. Sa kabila ng lahat ng pagsisikap niyang mabaling sa kaniya ang pagmamahal nito ay nabigo pa rin siya. Si Amaya talaga ang mas matimbang dito. Ang babae pa rin ang mas nakahihigit sa kaniya sa puso ni Jarret.
.

NAIHILAMOS ni Jarret ang mga palad sa mukha. Nakita niya ang kalungkutan sa mga mata ni Maki at nakaramdam siya ng awa. Ayaw man niyang iwan ang asawa pero hindi niya maaaring ipagwalangbahala ang kalagayan ngayon ni Amaya.
Hindi si Amaya ang tumawag sa kaniya kundi ang mommy nito gamit ang cellphone ng ex-fiancee. Nawawala raw si Amaya at parang siya ang sinisisi ni Tita Celia sa pagkawala ng anak.
.
Nang araw na hindi natuloy ang pag-iisang-dibdib nila, 'courtesy'of Maki ay si Amaya agad ang naisip niya. Baka mag-suicide na naman ito sa isiping tinakasan niya ang kasal niya rito. Kaya kinalas niya ang pagkakatali ni Maki sa kaniya. Ang cellphone niyang nasa bulsa ng jacket niya ang hinagilap niya. Tinawagan niya si Amaya. Nabunutan siya ng tinik nang makausap ito at nalamang ligtas ito, bagay na ipinagtaka niya.
.
Inihanda na kasi niya ang sarili sa mainitang pagtatalo nila. But it didn’t happen. He was used to what kind of attitude Amaya have had. Masyado itong demanding, too emotional and self-centered. Ang gusto nito ay narito lagi ang atensiyon niya. Pero kakaibang Amaya ang nakausap niya sa phone. Isang matatag na babae at open-minded ang nahimigan niya sa boses nito. She said, okey lang daw dito ang nangyari at hindi raw masama ang loob nito kahit alam niyang napahiya ito sa harap ng maraming bisita na dumalo sa simbahan. Bahala na raw itong magpaliwanag sa mga magulang nito.
.
Nahihiya siya kay Tita Celia. Kaya minabuti niyang saka na lang ito kausapin at humingi ng dispensa kapag malamig na ang issue.
Sa pag-a-assure sa kaniya ni Amaya na balewala na rito ang nangyari, hindi muna siya nagpakita sa mga magulang niya. Pihadong sasakit lang ang ulo niya dahil nang tawagan din niya ang mama niya ay katakut-takot na sermon ang napala niya. But he reassured them that he was in a safe condition.
.
Sa kaguluhang nangyari sa buhay niya ay iisa ang 'culprit'—si Maki, ang babaeng totoong mahal niya at pinakamamahal. Eversince, hindi ito nabura sa puso at isipan niya kahit si Amaya ang kasama. At minsan pa ay nag-i-imagine siya, wishing na si Maki ang kapiling niya instead of Amaya. Kaya malungkot na malungkot siya nang magyaya ng kasal si Amaya. Bagama’t hindi niya magagawang takasan ang dating fiancée dahil hindi kakayanin ng konsiyensiya niya kapag may nangyaring hindi maganda uli rito ay nagpatangay na lang siya sa agos ng tadhana.
.
Pero hindi pala si Amaya ang nakatakda sa kaniya kundi si Maki. And only God knows how much happy he was when they got married, how lucky he was when fate intervened in their lives. Maki was his destiny indeed. Natupad ang pangarap niyang ito ang mapangasawa at maging ina ng mga anak niya in the near future. Naisip pa ni Jarret, siguro ay blessing in disguise na ang driver niya ang nakabundol kay Bitoy. Kung hindi dahil doon ay hindi siya ha-hunting-in ni Maki at hindi muling magsasanga ang mga landas nila. Ang tadhana ang gumawa ng paraan para magkabalikan sila.
.
Ang problema ngayon ay si Amaya. Bakit ito umalis at hindi pa umuuwi? Bitter pa rin ba ito sa nangyari sa kanila? Nag-aalala siya na baka kung anong gawin nitong masama sa sarili. Pero tiniyak naman nito sa kaniya nang huling mag-usap sila sa cellphone na hindi na nito gagawin iyon. But he had to see her in order to make sure that she was all right and also to sort out things between them.
.
He had to confess to her about Maki. Hindi alam ni Amaya na nag-asawa na siya. He knew she might be shocked if she learned about it. But she must be informed. Wala siyang balak itago rito ang buong katotohanan. Alam niyang malalaman at malalaman din nito iyon sa bandang huli. And it would hurt her more if she heard it from someone else. Mas magandang sa kaniya mismo manggaling.
.
Hindi niya dinala ang van ni Rafi. Naki-hitchhike na lang siya sa sasakyan ng isang kapitbahay na nagkataong patungo ng bayan. He rode the first provincial bus he saw back to Manila.
.
Saan siya magsisimulang hanapin si Amaya? Inisa-isa niya ang bahay ng mga malalapit na kaibigan ng dating fiancée. Wala ito roon. Hindi siya tumigil hangga’t hindi niya nakikita ang babae. Inabot siya ng dalawang araw sa paghahanap. Ni anino nito ay hindi niya nakita. Sa bahay ng mga magulang siya natutulog na panay ang tanong kung natagpuan na ba niya si Amaya. Iling lang ang isinagot niya.
.
Sunod na pinuntahan ni Jarret ang bahay ng mga magulang ni Amaya. Hindi ngumingiti si Tita Celia nang harapin siya sa malawak na living room ng mga Legarda.
.
“Hindi ko alam kung ano ang naisipan ni Amaya at naglayas siya. Nang hindi mo siya siputin sa kasal, ang akala ko ay mag-su-suicide na naman ang anak ko kaya beinty-kuwatro oras kaming nagbantay sa labas ng silid niya. The next morning, kinakitaan namin siya ng kasiglahan. Hawak niya ang cellphone niya. Akala namin ay ikaw ang ka-text niya.” Bunsong anak ni Tita Celia si Amaya. Matagal na itong biyuda at tatlo ang anak na puro babae.
.
“Kaya nang magpaalam si Amaya na may pupuntahan at kakatagpuin siya ay pinayagan namin siya. Inakala naming ikaw iyon. At mula noon ay hindi pa siya bumabalik.” mahabang kuwento ng mommy ni Amaya.
.
“Humihingi ako ng tawad sa kahihiyang ibinigay ko sa pamilya ninyo at kay Amaya, Tita Celia. Hindi ko ginustong hindi siya siputin sa kasal namin.”
.
“Anuman ang dahilan mo, Jarret ay hindi ko na itatanong pa. Hindi naman ininda ni Amaya ang pangyayari. She told us, yong hindi mo pagsipot sa araw ng kasal n'yo, was bound to happen. Although, I wonder why she had said that, knowing Amaya is head over heels in-love with you.”
.
Nasorpresa si Jarret sa ikinuwento ni Tita Celia. Bakit nasabi iyon ng dating fiancée? Nalaman ba nito ang tungkol kay Maki?” Gayun pa man ay kailangan pa rin niyang magpaliwanag kay Amaya. Although, hindi niya alam kung ano ang magiging resulta ng pagtatapat niya kay Amaya ay handa na siya. Pero iba ang naaamoy niya ayon sa mga ipinahayag ng mommy nito. So, he had to find her as soon as possible.
.
Nagpaalam na siya kay Tita Celia.

The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon