Chapter Nine

3.8K 76 3
                                    

.
.
NGAYON susunduin ni Maki at Jarret si Bitoy sa ospital. Hindi natuloy ang pagkaka-discharge nito dahil hindi pa raw puwedeng alisin ang pagkaka-cast sa binti nito. Na-extend ng isang linggo pa ang pamamalagi doon ng kapatid niya. Si Jarret na ang nag-settled ng lahat. He shouldered all the accounts and the hospital bills for her younger brother. Hindi niya ito pinilit. Ito ang nagkusa. Ayon dito ay pananagutan nito iyon. In a way, involved raw ito sa nangyari kay Bitoy. Nagpasalamat na lang siya rito.
.
Bago nila iuwi sa bahay ang kapatid at ang ina ay dumaan muna sila sa isang classy restaurant. Hangang-hanga si Bitoy sa interior design niyon. Ngayon lang kasi ito nakapasok sa isang mamahaling restaurant. Lahat ay itinuturo nito nang may buong pagkamangha sa mga bagay na nakikita tulad na lang ng malaking chandellier na nakabitin sa itaas ng kisame, ang mga unipormadong waiter na nag-a-assist sa mga diners at sa magagandang flower vase sa ibabaw ng bawat mesa.
.
Binigyan sila ng waiter ng menu book. Lumayo na ito matapos makuha ang order nila.
.
"Kayo ba ni Maki ay wala pang balak na magpakasal, ha, Jarret?" Mayamaya ay tanong ng nanay niya sa katabi.
.
"'Nay naman, kailan lang ho kami nagkabalikan." kontra niya. Iyon kasi ang pagkakaalam nito. Nahihiya man sa inungkat ng ina ay nilingon niya si Jarret. Binabasa niya ang reaction nito.
.
"Hindi na kayo bumabata at nasa hustong gulang na rin naman kayo, Maki. Sabik na kasi akong makahawak ng apo."
.
Hinihintay niyang sumagot si Jarret. Nagpalipas muna ito ng ilang minuto bago ito nagsalita. "Malayo pa sa plano namin ang magpakasal, Nanay Minyang."
Bumagsak ang mga balikat ni Maki sa narinig.
.
"Hindi sa nakikialam ako sa personal na buhay ninyo. Bilang ina ni Maki ay isinasaalang-alang ko ang kapakanan ng anak ko. Babae ang sa akin, Jarret. May itatanong sana ako sa iyo kung hindi mo mamasamain."
.
"Ano ho iyon, Nanay Minyang?"
"May nangyari na ba sa inyo ng anak ko?" Pareho silang nabigla. Hindi makasagot si Jarret.
.
Nagpalipat-lipat ang mga mata ng ina sa kanila. "Alam ba ninyo mga anak kung bakit ko naitanong iyon?" Tahimik silang umiling ni Jarret. "May kutob akong nagsasama na kayong dalawa at hindi ka kay Rafi natutulog gaya ng sinasabi mo, Maki. Tama ba ako?" baling nito sa kaniya. Hindi siya makatingin ng diretso sa ina.
.
Napayuko siya bilang pag-amin.
"Buhay ninyo iyan. Kung ayaw pa ninyong magpakasal, anong magagawa ko? Pero hihintayin pa ba ninyong mabuntis ka, Maki bago kayo pakasal? Kung kailan malaki na ang tiyan mo?"
.
Nagkasalubong ang mga mata nila ni Jarret. "Pakakasalan ko ho si Maki, Nanay Minyang." anitong halatang napipilitan lang.
.
"Aasahan ko ang sinabi mong iyan, Jarret." pinal na salita ng ina.
.
Nahulog si Jarret sa malalim na pag-iisip hanggang sa dumating ang orders nila. Tamilmil itong kumain. Nagsisisi tuloy siya kung bakit hindi pa niya sinalungat ang tanong ng ina kanina kung maaari naman niyang ikaila na wala pang nangyayari sa kanila ni Jarret. Pero hindi siya sigurado kung magagawa pa niyang magsinungaling muli sa ina.
.
Inihatid nila si Bitoy at ang nanay niya sa bahay nila. Alam niyang sa likod ng mga ngiti ni Jarret ay naroon ang kalungkutan. Habang nag-da-drive ito pabalik sa Batangas ay hindi siya nakatiis na hindi ito kausapin.
.
"P-pakakasalan mo nga ba ako, Jarr?"
.
Ang lalim ng buntong-hininga nito bago siya sagutin. "Ang inaalala ko lang ay si Amaya."
.
Nagsikip ang dibdib niya sa narinig. Ang fiancée pa rin nito ang iniisip nito. Pero hindi na siya papayag na hindi sila maikasal nito. Maliban sa kailangan niyang makahanap ng lalaking mapapangasawa dahil sa sumpa, paano kung buntis na nga siya gaya ng sinabi ng nanay niya? Wala naman silang ginagamit na proteksiyon.
.
"Kahit sa Huwes lang, Jarret." aniya. Bahala na. Ang mahalaga ay mapapayag niya ito.
.
Hindi makapaniwalang nilingon siya nito. Naeskandalo. "Sa Huwes?" Nakita niya ang takot na bumahid sa mukha nito.
Kinagat niya ang ibabang labi. Kung pikot man iyon na matatawag ay pipikutin na talaga niya ito kahit hindi siya ang balak pakasalan nito. Ayaw niyang magdalang-tao na walang magigisnang ama ang magiging anak niya. At ayaw rin niyang mapunta ito kay Amaya. Ipaglalaban niya ang pag-ibig niya.
.
Nilakasan na niya ang loob. "May kilalang mayor ang lolo ko na magkakasal sa atin, Jarr. Sa probinsiya namin sa Pampanga."
.
"Maki!"
.
"Tutuloy tayo sa Pampanga ngayon, Jarr."
.
"Pero...." Tutol na tutol pa rin ang kalooban nito.
.
Nahabag si Maki sa sarili. Heto siya. Namamalimos ng pag-ibig sa laki ng pagmamahal niya rito. "Please?" Nagmamakaawa ang tinging ipinukol niya rito. Nagbanta ang luha sa kaniyang mga mata hanggang sa bumalong iyon.
.
Gumuho ang animosity na bumakas sa mukha ni Jarret kanina. Napalitan ng simpatiya. Itinabi nito ang van sa gilid ng kalsada. "Hush, sweetie! Hush!" Kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. "Oo, pakakasal tayo. Pakakasal tayo ngayon din." Tinuyo ng mga labi nito ang luha niya at hinalikan siya na parang wala nang bukas.
.
Magkadaop ang mga palad nila ni Jarret nang ipagpatuloy nito ang pagmamaneho. At sa bawat pagkambiyo nito ay muli na naman nitong hahawakan ang kamay niya. Binagtas nila ang kahabaan ng expressway. Makaraan ang mahabang oras ay pumapasok na sila sa bayan ng Arayat.
.
Mula sa national road ay namamalas niya ang bundok ng Arayat na pamilyar na sa kaniya. At sa ibaba ng bundok ay ang mahabang palayan at sakahan. Naaamoy niya ang natural na amoy ng pinipig. Kahit maraming beses na siyang nakarating doon ay hindi pa rin siya magsasawa sa magandang tanawing iyon.
.
Ang Poblacion ang unang baryong pinasok nila. Nandoon ang mga kamag-anakan niya sa mother's side. Sa likod ng simbahan nakatira ang lolo at lola niya. Pinasok nila ang daan patungo sa likod ng simbahan. Huminto sila sa isang mababa at katamtamang laki ng bahay na yari sa semento ang kalahati at tabla naman ang itaas na bahagi.
.
Kumatok sa pinto si Maki habang tumatawag. "Lolo Baste! Lola Tinay!" Si Luding ang nagbukas sa kanila ng pinto. Pinsan niya ito na nakapisan sa mga lolo niya para samahan ang mga matatanda. "Ang Lolo?" bungad agad niya.
.
Niluwangan ni Luding ang pinto. "Ikaw pala, Ate Maki. Nasa likod-bahay ang lolo." Napatingala ito kay Jarret. "Sino siya? Boyfriend mo?" Disi-otso anyos lang si Luding. Ang tatay nito at nanay niya ay magkapatid.
.
Hindi siya sumagot pero si Jarret ang sumalo sa tanong nito. "Hi, I'm Jarret, your Ate Maki's fiancée."
.
Napatanga si Luding sa kaniya. "Mag-aasawa ka na?" Tumango lang siya at saka ito nilagpasan.
.
Hapon na noon kaya alam niyang nagpapahangin ang lolo niya sa lilim ng puno ng mangga kung saan may nakakabit na duyan. Doon ang madalas na tambayan nito. Pumasok sila pero lumabas din sila sa kusina patungo sa likuran ng bahay kung nasaan ang puno. Nadatnan nilang nasa duyan si Lolo Baste habang nakapikit at nagsa-sound trip. May earphone na nakakabit sa magkabilang tainga nito mula sa cellphone nitong nasa ibabaw ng sikmura nito. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa late sixty's na ang edad ng lolo niya.
.
"Lo!" tawag niya. Nang hindi ito dumilat o tuminag ay nilakasan pa niya ang pagtawag. "Lolo Baste!" Wa epek pa rin.
.
Ang ginawa niya ay inalis niya ang isang earphone nito sa tainga at isinigaw doon ang pangalan nito. Nagulat ang lolo niya at nahulog sa duyan. Unang tumama ang pang-upo nito sa lupa.
.
"Diyaskeng bata ire! Aatakihin ako sa puso sa iyo, Maki!" atungal nito. Inalalayan nila ito ni Jarret. Sapo nito ang puwetan nang maitayo nila. Si Luding ay natatawa lang sa likuran nila.
.
"Eh, kasi, Lo...." napapakamot sa ulong untag niya. Nagmano siya rito.
.
"Naku, bata ka!" singhal ng lolo niya. "Nabalian na yata ako ng tadyang sa kalokohan mo!" Iniikot-ikot ng lolo niya ang balakang nang mapansin nito si Jarret. "Sino naman itong lalaking kasama mo?"
.
Inabot ni Jarret ang kamay nito at nagmano. "Mano po, Lolo Baste. Ako po si Jarret."
.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak." basbas nito na nalugod siguro kay Jarret o biglang nahiya dahil nag-mellow ang boses nito. "Ano ba ang ipinarito ninyo at bigla-bigla ay sumagsag kayo nang walang abiso? Hindi ka na lang nagtext, Maki." Saka nito naalala ang cellphone nito. Pinulot nito ang gadget na nahulog sa lupa. Touch screen iyon. "Saan na nga ba tayo?" Pero saglit na natigilan ito. "Aba'y bakit ba dito tayo sa labas nag-uusap? Pasok sa loob. Nasa kuwarto ang Lola Tinay mo."
.
Nagsipasok silang kasunod si Luding. Inutusan ito ng lolo niya na maghanda ng meryenda para sa kanila. Naupo silang tatlo sa sopang yari sa rattan.
.
"Ano ba ang atin?" Pagkaupung-pagkaupo ay tanong ni Lolo Baste. Napasulyap sila ni Jarret sa isa't-isa. "O, magtititigan na lang ba kayo riyan?"
.
"Eh, Lo. Hindi ba't inaanak ninyo si Mayor Kaluskos?" aniya. Kasalukuyang mayor ng Arayat ang tinutukoy niya. Malakas kasi sa munisipyo ang Lolo Baste niya.
.
"Oo. Bakit, apo?"
.
Siniko niya si Jarrret. Ito dapat ang magsalita dahil ito ang lalaki. Tumikhim ito at kinausap ang lolo niya. "Ahm... Lolo Baste..." Mukhang kinakabahan pa yata ito. "Gusto po sana namin ni Maki na... na...."
.
Naitirik niya ang mga mata. "Na maikasal kami, Lolo. Ngayon din po." dugtong niya. Siya na ang nagtuloy dahil parang nahihirapan itong magsabi.
.
"Bakit naman pabigla-bigla kayong mga bata kayo? Ayaw n'yo bang maikasal sa simbahan at sa huwes pa ninyo gusto? Mga dalawang buwan lang ang ipaghihintay ninyong preparasyon."
.
"Hindi po puwede, Lo." tanggi niya.
.
"At bakit naman, aber?"
.
Ano nga ba ang sasabihin niya? Hindi naman niya maaaring sabihin na dahil sa sumpa. Pihadong pagtatawanan lang siya ng abuelo. Hindi kasi ito naniniwala sa mga sumpa-sumpa. Kathang-isip lang daw iyon ng mga sinaunang tao. Kung sasabihin niyang dahil mahal niya si Jarret ay tatanungin ng kaniyang abuelo ang lalaki kung mahal ba siya nito at pumapayag ba itong pakasalan siya. She couldn't bear to see the rejection on Jarret's face.
.
May pumitik sa isip niya. "Lo, kasi..." Itinuro niya ang tiyan. "Two months na po."
.
Napamaang ito. "Buntis ka?" saka salubong ang mga kilay na lumipad ang mata kay Jarret. "May deposito ka na pala sa apo ko? Ikaw lalaki, hindi mo puwedeng takasan si Maki. Nang iwan sila ng hinayupak na tatay niyan, ako na ang tumayong ama nila!" Dinuro nito ang lalaki sa tabi niya. "Ngayon din ay pupunta tayo ng munisipyo para maikasal kayo!"
.
"Pakakasalan ko naman talaga si Maki, Lolo Baste." mahinahong paliwanag ni Jarret.
.
"Aba'y dapat! Hindi naman ako papayag na lumobo ang tiyan ng apo ko na walang asawa."
.
Yes! Yes! Yes!
.
Tumayo ang lolo niya. May kinuha itong gulok na nakasiksik sa dingding malapit sa kusina. Itinali nito iyon sa baywang. Pagsulyap niya kay Jarret ay tahimik lamang ito. Wala siyang mabasang anumang expression sa mga mata nito. May tinawagan si Lolo Baste sa cellphone. Sa labas ng bahay nito kinausap ang tinawagan.
.
"Halina kayo. Naghihintay na sa atin si Mayor." anunsiyo nito nang makabalik sa kanila.
.
"Lolo, eto na po ang meryenda." tawag ni Luding na nangggaling sa kusina.
.
"Ibalik mo na iyan sa kusina, apo. May lakad kami."
.
Eksaktong lumabas ng kuwarto ang Lola Tinay niya at nakita siya. "Maki?" Nakita rin nito si Jarret. "May bisita pala tayo. Saan ba ang tungo ninyo?" anang lola niya.
.
"Sumama ka na rin, Tinay. Kailangang maikasal itong apo natin ngayon."
.
Nagulat ang Lola Tinay niya. "Anong maikasal?"
.
"Mamaya ko na ipapaliwanag."
.
Ang van pa rin ni Rafi ang ginamit nilang apat patungong municipality hall ng Arayat. Habang daan ay nagpapaliwanag si Lolo Baste sa lola niya. Na-shock si Lola Tinay at pinagalitan siya. Katakut-takot na sermon ang napala niya rito. Pinagsabihan din nito si Jarret na hindi tama ang pagsisiping ng hindi pa kasal.
.
Si Lolo Baste ang nasa tabi ni Jarret sa driver's seat at ito ang nagtuturo ng daan.Sinesermunan pa rin siya ng lola niya nang iparada ni Jarret ang sasakyan sa malawak na parking lot ng munisipyo. Nagsibabaan silang lahat at pumasok sa loob. Umakyat sila ng hagdan. Sa lobby ng private room ng mayor ay sinalubong sila ng isang staff at iginiya sila sa loob ng opisina. Naitimbre na marahil ang pagdating nila. Nang magkita ang magninong ay umaatikabong kumustahan at balitaan ang nangyari. Tila nakalimutan na ng lolo niya ang sadya sa mayor.
Gusto na niyang maikasal sila ni Jarret. Pero tila sampung taon ang pinaghintay niya nang sa wakas ay natapos sa pag-uusap ang dalawa.
.
"Heto nga pala ang apo ko, Romy." Itinuro siya ng kaniyang lolo na nakaupo sa tapat nito. Romy ang pangalan ni Mayor Kaluskos. "Ipapakasal ko si Maki sa boyfriend niya." sabay turo rin nito kay Jarret na katabi naman niya. "Kung maaari sana, anak. Ngayon na."
.
"Dalaga na pala si Maki, Ninong. Nang huli ko siyang makita ay eighteen lang yata siya no'n." anang mayor na lumipat ang mga mata kay Jarret matapos siyang sulyapan. "Siya ba ang lalaking pakakasalan mo? Parang namumukhaan ko siya. Tandang-tanda ko ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita?" Napaisip pa ito. "Ano na nga ang pangalan niya?"
.
"Jarret po, Mayor." naiinip na sagot niya. Tila nadagdagan uli ng ten years ang ipaghihintay niya.
.
"Aha!" wika ni Mayor na parang nakaalala. "Ikaw si Jarret dela... dela Guardia!" Malilimutin na pala ito. Eh, ang bata-bata pa nito.
.
"Dela Guerra po, Mayor." pagtatama ni Jarret. "Mick Jarret Dela Guerra."
.
"Oo! ikaw nga si Lieutenant Colonel Mick Jarret Dela Guerra, na kaa-appoint lang ng ating Pangulo recently. Congratulations!" Tumayo si mayor at kinamayan si Jarret. Sumaludo pa rito na ginantihan ng fiancé ng kaparehong aktuwasyon.
.
Fiancé na nga niyang matatawag si Jarret. Parang isang panaginip na ilang minuto lang ay magiging asawa na niya ito, legally. Mabilis na naisagawa ang pamimikot este... ang kasalan sa sala ni Mayor Kaluskos. Ito ang nagkasal sa kanila. Nang i-announce ng mayor na mag-asawa na sila at maaari na siyang halikan ng asawa ay iniharap siya ni Jarret dito. Nasasalamin sa mga mata nito ang labis na kaligayahan sa buong pagtataka niya. Nang maghinang ang mga labi nila ay damang-dama niya ang pagsuyo at pagmamahal na nakapaloob doon. The passion and his reaction gave her new hopes, na may pag-asa pa siyang mahaling muli nito. Si Mayor Kaluskos ang tumayong ninong nila. Puwede pala iyon? At ang sekretarya nitong may edad na ang nagsilbing ninang. Marriage contract signing naman ang drama nila na naihanda na bago pa sila dumating. Malakas talaga ang lolo niya kay Mayor. Wala nang pilahan at seminar.
.
Nagpasalamat siya na hindi niya nakitaan ng pag-aalinlangan si Jarret nang pumirma ito.
Sa isang restaurant ginanap ang reception na pinaunlakan ng butihing Ama ng Arayat at ng sekretarya nito. Anim silang lahat na nag-celebrate sa hindi niya malilimutang bahaging iyon ng buhay niya kasama ang lalaking mahal niya, ang lolo at lola niya.
.
Kinausap siya ng kaniyang Lola Tinay. "Kumusta si Bitoy, Maki? Noong nakaraang linggo lang ay dinalaw namin siya sa ospital at ang text ng nanay mo kanina ay nakauwi na sila ng bahay."
.
"Okey na po si Bitoy, Lola. Kami ni Jarret ang naghatid sa kanila sa bahay bago kami dumiretso rito."
.
"Mabuti naman at hindi gaanong malubha ang pinsala ng apo ko. At ngayong mag-asawa na kayo, Maki, may bahay na ba kayong titirhan?"
.
Kay Jarret nalipat ang paningin niya.
.
"Opo, Lola Tinay." magalang na wika ng asawa. "Ako na ang bahala sa asawa ko."
.
Saan siya nito ititira? Baka may bahay na itong nakalaan na dapat ay si Amaya ang ititira nito. Napahawak siya sa dibdib sa pinong kurot na nadama niya. Second best na lang talaga siya.
.
Sumabat ang Lolo Baste niya. "May tiwala kami sa iyo, iho. Huwag mo sanang pababayaan ang aming apo."
.
"Asahan po ninyo, Lolo Baste, Lola Tinay. Pakamamahalin ko si Maki." May pagsuyong tumitig si Jarret sa kaniya. Nakita niya ang genuine na ngiti nito. Masayang-masaya ito!
.
After the small reception, nagcheck-in sila sa isang hotel-resort sa Angeles City for honeymoon. Tamang-tama papagabi na iyon. Dinala sila ng room boy sa isang de luxe room. Pagkaalis ng room boy ay isinara ni Jarret ang pinto. Sabik na sabik ito sa kaniya na pagkapasok nila ay dinaluhong siya ng maaalab na halik. They made love under the shower as the sprinkling water drop on them. Wala ng hihigit pa sa ligayang nalasap niya nang sandaling iyon.

The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon