BINIBILANGni Maki ang pinagbentahan sa pagtitinda ng hot cakes. Kapag ganoong umalis na ang kanilang guro matapos ang subject nila ay parang mga ibong nakawala sa hawla ang mga kaklase niya. Tsikahan dito, tsikahan doon. Pero iba naman ang trip ng mga ito ngayon. Ang magbatuhan ng mga nilamukos na papel.
Dinampot niya ang nakabilot na papel na l-um-anding sa palda niya. Doon sana niya ibabalot ang mga perang papel nang mabasa niya ang nakasulat sa loob niyon. I love you Maki, ang nakalagay doon at may drawing pa na korteng puso sa tabi ng pangalan niya.
Sino ang nagsulat niyon? Lumipad ang paningin niya sa Class President nila. Nagsusuklay ito sa harap ng compact mirror na laging dala nito. Alangan namang si Franz iyon, eh bakla ito. Si Strike naman ang nilingon niya. Well, guwapo ang isang ito pero imposibleng magustuhan siya nito. Si Kwini nga na maganda rin naman at mas palaayos pa sa kaniya ay hindi pinapansin nito, siya pa kaya? And the rest of her male classmates were not good enough to like her that much. Ang iba kasi ay kaaway na niya dahil sa hindi pagbabayad sa mga inutang na hot cakes sa kaniya.
Nang pumasok si Jarret sa classroom ay natahimik ang lahat. Lahat ng mga kaklase niya ay ilag dito. Ito ang kanilang kilabot na sergeant at arms. Guardia Sibil ang bansag nila rito. Galit ito sa mga maiingay at ayaw nito ng mga pasaway.Pero bukod-tanging siya ang exempted sa mga kaistriktuhan nito. Sa kanilang lahat, siya lang ang hindi pa napapa-sit on the air nito.
Hindi kaya....
"Class, attention!" maawtoridad nitong utos sa mga kaklase niya. "Remain at your seat and be ready. Parating na si Gng. Canton." tukoy nito sa napakaboring nilang teacher sa History.
Nahuli pa niya angpagsulyap nito sa kaniya bago ito naupo sa unahan. Napaisip siya. Ito kaya? Pero nasa labas ito nang may bumato sa kaniya ng papel. Umayos na rin siya ng upo. Mayamaya nga ay dumating na ang teacher nila at nagsimula na ang klase.
HINDI makabili si Maki ng mga libro kaya sa library siya tumatambay kapag ganoong may preliminary test sila.Dahil lang sa kaniyang scholarship kaya nakapasok siya sa exclusive school na iyon na tanging mayayaman o may-kaya lang ang maaaring maka-afford.
"Maki, puwedeng pa-share sa table?"
Pag-angat niya ng ulo ay si Jarret ang nasalubong ng mga mata niya. Sa kabila ng kaguwapuhan nito ay nakabakas pa rin ang kaseryosohan sa mukha nito. Kay damotng ngiti sa mga labi nito. Iginala niya ang paningin sa paligid. Puno ng mga estudyante ang library. Natural na lumapit ito sa kaniya dahil bakante pa ang isang upuan sa tabi niya.
Nginitian niya ito. "Sure." Inusod niya ang upuan para magkaroon ito ngspace.
Sa buong section-Maliwanag aysiya lang ang pumapansin kay Jarret kahit kibuin-dili siya nito. Siya lang ang hindi nasisindak dito. Sadya lang na ma-awtoridad ang image nito o ang bukas ng mukha nito pero kung pakasusuriin ang ugali ni Jarret ay makikitang mabait ito sa kabila ng paminsan-minsan ay sobrang higpit nito.
Ngayong nasa tabi niya ang kaklase ay bakit hindi siya makapag-concentrate? Nalalanghap kasi niya ang man's cologne na gamit nito, dahilan upang hindi siya mapakali sa upuan bukod sa presensiya nitong nagpapabilis sa tibok ng puso niya. Sinilip niya ang librong binabasa nito.
"A-ano ang ni-re-review mo, Jarr?" Jeez! Bakit ba siya nag-stammer nang tanungin niya ito? Siya lang ang tumatawag ditosa petname na 'Jarr'. Others called him 'Mick' but he was famous in calling 'Jarret'.
Ni hindi siya nilingon nito nang matipid na sumagot. "History." at bumalik na uli sa pagbabasa.
Ouch! Sa lahat ng subjects, sa History siya inaantok. Pero hindi niya puwedeng ibagsak iyon para ma-i-maintain niya ang scholarship. Iyon na lang ang pag-asa niya para makapagpatuloypa sa kolehiyo.
BINABASA MO ANG
The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)
RandomNaniniwala ba kayo sa sumpa? Basahin ang nakakatawa at nakakakilig na kuwento ng anim na dalagang naisumpa ng matanda nang guluhin nila ang kasal ng may kasal. At ang paghahanap nila ng mapapangasawa bago sumapit ang Supermoon para pangontra sa sum...