Chapter Seven

3.7K 74 2
                                    

.

NAALIMPUNGATAN si Maki sa isang bagay na nakadagan sa tiyan niya. Kamay pala iyon ni Jarret at yakap siya nito. Magkatabi na naman sila nito at hindi na niya inilagay ang unan sa pagitan nila. Tulug na tulog ang binata. She stared at his pretty face to memorize every details of his features like it was her very last time to do so. Now, she realized something. Kaya pala walang lalaking nakabihag sa mailap niyang puso sa loob ng halos anim na taon ay dahil hinahanap-hanap niya ang mga katangian nito sa mga lalaking nanliligaw sa kaniya. Ito pa rin ang lalaking pinag-aalayan niya ng kaniyang pag-ibig noon at ngayon.
.
Dumilat ito at nahuli siyang pinagmamasdan ito. They shared a long eye contact. Nag-uusap ang mga mata nila na tanging silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Sumusuko na siya rito. Hindi na niya kayang labanan pa ang nararamdaman para kay Jarret. She shut her eyes as he lowered his face. Dumampi ang mga labi nito sa mga labi niya, making slow and sensual strokes on her mouth. Inilingkis niya ang mga braso sa leeg nito. Ikinatang naman nito ang ulo niya upang igiya siya sa mas malalim na halik. Naglumikot ang dila nito sa loob ng bibig niya. And she thought she was lost by that time.
.
Ang sumunod na pangyayari ay hindi niya kayang kontrolin. Tinalo ng nag-aalab na damdamin ang sariling katinuan. Hindi na niya naisip ang magiging resulta ng maling pagpapasya. Naglakbay ang maiinit na halik ni Jarret sa leeg niya pababa sa malulusog niyang mga dibdib na natatakpan ng damit. She moaned aloud and gave up to sensation. Nang alisin nito ang pagkakabutones ng blusa niya at ang pagkaka-hook ng brassiere ay buong pusong isinusuko na niya rito ang pagkababae.

SUMILAY ang matamis na ngiti sa mga labi ni Maki nang makita si Jarret sa tabi niya. Tulog na tulog ito. Huwag sanang magagalit si Amaya sa kaniya kung pinag-interesan niya ang fiancé nito. Hihiramin lang niyang saglit ang magiging asawa nito. Pagbibigyan muna niya ang sarili na lumigaya kahit sa panandaliang panahon lamang.
Jarret was even more handsome in the morning with his messy hair. And the fact that he was lying beside her and they were naked under the bed sheet was too unbelievable. Parang isang panaginip na ito ang kasiping niya kagabi. But he was real. Katibayan ang punong katawan niya. It was still sore. At nasa tabi niya ang isang mistulang demi-god na naligaw sa kamang iyon na siyang may kagagawan niyon.
.
Hinawi niya ang buhok na naligaw sa noo ni Jarret, and planted tiny kisses on his temple. Hinalikan niya ang makakapal nitong mga kilay, ang talukap ng mga mata, ang pisngi, ang tungki ng ilong at ang panghuli ay ang maninipis nitong mga labi. Wala siyang hindi gagawin para sa lalaking ito. Dahil mahal na mahal pa rin niya ito. Nang magising ito ay mainit na tinugon nito ang halik niya. Muling nasindihan ang pakiramdam niya. Napuno ang silid ng kaniyang mga daing dahil buong kasabikang inangkin siyang muli ng binata at dinala sa dako pa roon. Nang matapos sa kanilang pagtatalik ay plastado ito sa kama. Babangon sana siya nang hapitin nito ang baywang niya.
.
"Saan ka pupunta, sweetie?"
.
Ayaw siya nitong paalisin. Pinalis niya ang kamay nito. Madikit lang ang balat nito sa katawan niya ay nag-iiba na ang pakiramdam niya. Kung maghapon na lang silang nasa kama ay magugutom sila. At marami pang gawaing-bahay na naghihintay sa kaniya. Nakakahiya kay Rafi.
.
"Kailangan ko na pong magluto ng almusal natin dahil umaga na."
.
"Dito ka muna sa tabi ko." Naglalambing na naman ito sa kaniya.
.
"Hindi puwede. Teka, mag-sa-shower na ako."
.
"Sabay tayo."
.
"Ayoko nga." tumatawang palatak niya. Hubo't hubad na tumayo siya at mabilis na hinablot ang tuwalyang nakasampay sa headboard ng kama.
.
Nahihiya pa rin siyang ibuyangyang dito ang buong katawan niya kahit nakita na naman nito iyon. Hindi pa siya sanay. Hindi na ito namilit.
Tinulak niya ang pinto ng banyo at naligo. Tulog na uli si Jarret nang magbihis siya. Inokupa niya ang kusina at nagluto. Naglinis siya sa sala. Sumagi sa isipan niya si Bitoy nang matanaw niya mula sa bintana ang batang nagbibisikleta sa di-kalayuan. Naalala niya ang pamilya. Maingat siyang pumasok sa kuwarto nila ni Jarret. Himbing na himbing pa rin ito. Dinampot niya ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table.
.
Nagtungo siya ng hardin at tinawagan ang ina. Loaded ang cellphone niya bago sila nagtungo sa bahay-bakasyunan na iyon.
.
"Wala nang gamot si Bitoy, Maki. Sa susunod na dalawang linggo ay i-di-dicharge na raw siya, ang sabi ng kaniyang doktor." Mayamaya ay winika ng nanay niya matapos ang kumustahan.
.
Magalang siyang nagpaalam dito. Nabalisa na siya. Saan sila kukuha ng malaking pera para mailabas si Bitoy? Isang oras yata siyang isip ng isip ng paraan nang lumabas ng kuwarto si Jarret. Nakaligo na ito.
.
"Hello, sweetie!" Hinalikan siya nito sa mga labi. "Ano'ng problema? Bakit nakatalungko ka diyan?"
.
"Wala." Umahon siya sa upuan.
.
Walang kibong naghanda siya ng pagkain. Ginanahan si Jarret nang makita ang tapa at bacon. Tahimik lang siyang kumain. Naisip niyang muli ang kaniyang kapatid. Panay ang sulyap ni Jarret sa kaniya habang kumakain ito. Nagkusa naman itong naghugas ng mga pinggan.
.
Siya naman ay tumuloy sa hardin at nagdilig ng mga halaman. Mag-iisang buwan na sila sa bahay na iyon pero hanggang ngayon ay hindi pa niya ma-open kay Jarret ang pakay niya.Wala pa siyang lakas ng loob. Hindi na kasi niya matiyak kung ito nga ang driver ng kotse. Malalim siyang napabuntung-hininga.
.
"Ang lalim na hugot n'yon, ah." Tinig ni Jarret iyon na pumukaw sa pagmumuni-muni niya. "Ano ba talagang problema? Kanina ka pa walang kibo diyan."
.
"Wala." Ipinagpatuloy niya ang pagdidilig.
.
"Anong wala? Kanina ko pa napupunang bigla kang nanahimik."
.
Nilingkis nito ang mga braso sa baywang niya mula sa kaniyang likuran. "Tama na iyan at mag-usap tayo." Whenever he embraced her, naglalaho ang mood swing niya. But not that time. Problemado kasi siya.
.
"Hindi pa ako tapos, Jarr."
.
Binaklas niya ang mga kamay nito. Ang ginawa ni Jarret ay inagaw sa kaniya ang hose na hawak niya at hinila siya sa balkonahe. Kinandong siya nito.
.
"Hindi ako naniniwalang wala kang problema. Bakit hindi ka magsabi? Baka makatulong ako."
.
Was it the time to open up to him about Bitoy? Sabagay, ito na mismo ang nagbukas ng topic. "Ang kapatid kong bunso. Nabangga ng kotse may isang buwan na ang nakakaraan at nasa ospital pa ngayon."
.
"Si Bitoy?" Bumakas ang genuine na pag-aalala sa mukha nito. "Paanong nangyari?" Madalas itong makipaglaro noon kay Bitoy na noon ay seven years old pa lamang. Magka-vibes na ang dalawa noon pa man.
.
"Tumatawid siya pauwi galing ng eskuwelahan nang sumulpot 'yong sasakyan."
.
Tumikom ang mga kamao nito. "Nakuha ba ang plate number no'ng sasakyan?"
.
"Oo."
.
"Nahuli 'yong driver?" Umiling siya. "Magbihis ka. Babalik tayo ng Maynila. Pupunta tayo sa police station. Kailangang managot ang driver na iyon. Marami akong koneksiyon. Ipahuhuli natin ang suspect."
.
Hinuli niya ang isang kamay ng binata. "Jarr, may sasabihin pa ako. Nalaman na namin kung sino ang may-ari ng sasakyan."
.
Kumunot ang noo nito. "Sino?"
.
"Ikaw." deklara niya.
.
Nalito ito. "Ako?" Itinuro pa nito ang sarili. "Wala akong natatandaang nakasagasa ako ng tao."
.
"Pero ikaw ang nakarehistrong may-ari ng sasakyan sa nakuhang impormasyon ni Rafi sa tanggapan ng LTO."
.
Nakarinig sila ng malakas na pagtawag. "Tao po! Tao po!"
.
Nabaling ang pansin nila sa taong nasa dulo ng bakuran. Sa likod ng lalaki ay nakahimpil ang abuhing sasakyan ni Jarret. Naka-uniform ito ng white polo at white rin na slacks na kadalasang suot ng mga cheuffeur. Hindi ito kataasan at medyo may katabaan. Matanda lang marahil ito ng limang taon kay Jarret.
.
"Sir Jarret, nandito na ako! Dala ko na ang mga gamit ninyo." Nakangiti pang itinaas ng lalaking hula niya ay personal driver nito ang bitbit na travelling bag.
.
"Danny, mag-usap tayo." sa maawtoridad na tinig na wika ni Jarret.

The Cursed Bride Series book 2; LOVE'S RANSOM (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon