Nakailang beses na kong napatingin sa salamin. Ilang beses nadin akong nagayos ng make up. Nakakatense. Ang hirap talaga basta party ng mga mayayaman ang dadaluhan mo kailangan maganda at galante talaga ang suot mo. Maganda naman tong silver night gown na binili sakin ng bestfriend ko pati nadin ng heels na nababagay talaga sa damit na binili niya pero di ko talaga maiwasang di mainsecure baka ako ang magmukang pulubi na nasuot lang ng isang magarang damit. 'E pano kaya pag di nalang ako pumunta?' Hays baliw. Di talaga pwedi eh engagement party ng luka lukang bestfriend ko akalain mo biglaan lang may fiance na agad sya ni hindi ko nga nakilala o nakita manlang ang lalaking papakasalan niya eh. Baka ito nanaman ang nauusong fix marriage sa mga mayayaman o di kaya nabuntis siya ng isang bilyonaryong lalaki? Gad! Kung buntis yun bat di manlang sakin sinabi? Bestfriend kami diba? Naputol ang pag.iisip ko ng dumating na ang susundo sakin si manong edwin pala. Ang gara ng kotse! Porsche ha? Yong totoo? First time kong makasakay dito napatayo na ko sa hagdan na inuupuan ko at lumapit sa sasakyan manghang-mangha ako.
"Grabe talaga manong edwin!!"
Tili ko at napatawa nalang si manong."Hay nako ma'am. Bagong bago yan bigay yan ng mapapangasawa ni ma'am Gea sabi ni maam yan nalang ipangsundo ko sayo kasi favorite mo daw yung mga ganyang sasakyan"
Inusisa ko talaga ang sasakyan. Totoo yong sinabi niya I'm not really a fan of cars pero nung nakita ko to sa magazine ng parlor shop halus sya na ang favorite ko sa lahat ng sasakyan .naputol ang pagde-day dream ko ng tinawag ako ni manong."Gusto nyo po bang idrive yan?"
Napatingin agad ako kay manong edwin."Totoo????"
Exited kong tanong."Pwedi ho maam. Yan din naman sabi sakin ni ma'am Gea pwedi din kong gusto mo pong idrive to"
Naluluka na talaga ako! Ngayon abot kamay ko na ang paborito kong sasakyan tas idra-drive ko pa! Swerte talaga ako sa bestfriend kong yon O gash! Halos magmuka ng bituin ang mga mata ko sa sobrang mangha inalalayan ako ni manong edwin na makapasok sa sasakyan at kinuha nya ang dala kong purse para di na ako mahirapan. Sanay na ko magdrive ng kotse kasi may sasakyan naman ako kaso hindi kasing gara ng bestfriend ko ang yaman nya talaga! Halos ayoko ng bitawan ang manobela ang ganda pala sa luob. Gad! Akin nalang to! Huminga muna ako ng malalim bago ko pinaandar ang makina ng sasakyan. This is it! Di naman ako nahirapang magdrive halos nga magtitili ako sa pagmamaneho at kapit na kapit naman si manong sa upuan nya. The whole ride was so memorable it was the best scene that happen to me ang makadrive ng Porsche Gad. Halos yakapin ko na ang sasakyan at ayoko ng bumaba nakakatawa nga ang mga pinag.gagawa ko pero ok lang solb na solb na ko. Andito na ko sa venue kong saan ihe-held ang engagement party ng bestie ko kinuha ko na lahat ng gamit ko kay manong edwin."Manong! Salamat ha!"
Sigaw ko sa kanya. Habang pinapaandar nya na ang makina ng sasakyan."Wala yon ma'am"
At sabay na pinaharurut ang sasakyan. Huminga ako ng malalim bago pumusok sa hall bigtime talaga ang pamilya nya pati nadin ng mapapangasawa niya. Eh ako kaya kelan pa? Hays. Di naman kami masyado mayaman parang nakakaangat lang din naman sa buhay nakilala ko si Gea sa school pareho kasi kami ng kurso na kinuha. Kaya lagi nadin kami nagkakasama sama hanggang sa naging bestfriends na kaming dalawa. Kakagraduate nga lang namin last month at ngayon malalaman kong engage na sya gusto nya nga na doon na muna ako mag.ojt sa kompanya nila syempre tinanggap ko nalang kesa mahirapan pako maghanap. Kinuha ng lalaki ang invitation card ko bago pumasok namangha ako ang gaganda at ang gagwapo ng mga guest dito juicecolored! Dumiretso nalang ako at hinanap si Gea agad namang nakita ko siya grabe ang ganda-ganda niya."Hoy! Babae! Akala ko di kana pupunta!"
Mangiyak-ngiyak nyang sabi at niyakap ako."Gaga! Syempre minsan lang naman to tsaka sayang naman yong effort mo sa pagbili ng damit at pagsundo talaga sakin ng Porsche! "
Halos matili kong sabi sa tuwing naiisip ko yong sasakyang yon."Sabi na nga ba eh. So tinest drive mo ba?"
"Natural bestie! Gagi ka talaga sino kaya tatanggi na hindi idrive yon!"
"Baliw! Haha sandali lang ipapakilala ko sayo yong fiancé ko!sandali lang hahanapin ko lang gwapo yon best"
At umalis na sya para hanapin ang fiancé nyang yon. Kumuha lang ako ng isang baso ng wine sa mga waiter na nagseserve ng mga drinks at chocolate. Maya-maya pa ay dala-dala na nga ni Gea ang lalaking sinasabi nyang fiancé nya. Lumagok muna ako sa baso ko ng makita ko na talaga ng tuluyan ang itsura ng lalaki parang huminto ang paligid halos wala na kong naririnig na ingay at musika after 4 years ito at magkikita kaming muli, nahulog ko ang basong hawak ko na nakapagpabalik sa wisyo ko. Lahat ng tao ay halos nakatingin saamin."Sorry po"
Magalang na paumanhin ko sa mga tao. At nagsibalikan naman sila sa kani-kanilang ginagawa."Sandali lang best tatawag lang ako ng maglilinis niyan"
At umalis si Gea.Taranta naman akong pumulot sa mga bubog kaya nasugatan ang daliri ko."May sugat ka"
Sabi ng fiancé ni Gea nanginginig man ay di ko siya pinakinggan at pinatuloy ko padin ang ginagawa ko ng hinawakan nya ko sa kamay. Ayon nanaman ang kuryenteng dumadaloy sa tuwing nagkakadikit ang balat namin."Sabi ko may sugat ka"
At may kinuha siyang panyo sa bulsa at tinali sa daliri kong may sugat. Tinulungan nya kong tumayo at agad kong binawi ang kamay ko at yon naman ang pagdating ni Gea kasama ang lalaking maglilinis ng mga bubog"Nasaktan kaba best? Sabi sayo e na tatawag lang ako ng maglilinis niyan. Nasugatan ka tuloy sa daliri malalim ba ?"
"H-hindi no! Malayo to sa bituka"
At napatawa siya. Halos ako ang di makatawa ng maayos naiilang ako sa mga titig nyang mabibigat."Nainterupt tuloy ang pagpapakilala ko sayo ng fiancé ko . Hm. Jerome Heraldez meet my bestie best Fiora Jane Estorca"
Nag.abot sya sakin ng kamay at ngumiti. Naging mature na masyado ang itsura nya epekto din siguro ng sobra nyang babad sa trabaho at napakamasculine nya nadin."Hoy best!"
Naudlot ang paguusisa ko sa lalaking katabi niya ng winagayway nya ang kamay nya."A-ah. Ano yon?"
"Ano ba? May problema ka ba? Makikipagkamayan sana sayo si Jerome tas nakatitig kalang sa kawalan"
Napayuko ako at napahawak ako sa ulo ko. Ano ba naman kasing kagagahan to. Nakita ko lang ang EX kong si Jerome para akong tanga at kinakabahan. Ito ang hinihintay ko diba ang magkita kami at sasampalin ko sya ng malakas sa mukha pero ba't di ko magawa. Huminga ako ng malalim at ngumiti ky Gea I dont want her to worry for me. Engagement party nila to dapat masaya sya."Best! Asan comfort room dito?"
"Dun sa gilid sa hallway ok kalang ba talaga?"
"Oo sumakit lang bahagya ulo ko. Sandali lang babalik ako agad enjoy muna kayo"
Nagmadali akong pumunta sa comfort room at huminga ng malalim tiningnan kong maigi ang mukha ko sa salamin. Nasasaktan padin ako may kumawalang luha sa mga mata ko hanggang ngayon masakit padin eh. Sobra. paano ako magiging masaya sa kasal ng bestfriend ko kong ang makikita kong papakasalan nya ay ang taong naging parte nadin ng buhay ko at minahal ko ng sobra-sobra.--------
BINABASA MO ANG
Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]
RomancePapaano kaya kong ang taong papakasalan ng bestfriend mo ay ang taong lumuko sayo. Pero sa lahat ng nun may natitira ka pading pagmamahal sa lalaking yon at ganun din siya? Pano kapag kasal na sya makakaya mo pa bang ipagpatuloy ang nararamdaman nyo...