Chapter 9

6.8K 104 1
                                    

Inihatid nya na ko sa kompanya nila Gea at sumama pa talaga sya sakin hanggang sa makaupo ako sa mumunting opisina ko.

"Now that I know your safe. I may now leave bye girlfriend love you"
At alanganin akong napangiti sa kanya.

"Hey. Gea! Take care of my baby okay? Tnx"
At yukong tumango si Gea bago mabilis na umalis. Nangyare don?

"Boyfriend mo na pala si sir Marcus??"
Osyoso sakin ng isang kasama ko na kapareho ko din na OJT si Eunice. Nag-aalangan akong humarap sa kanya kong tatango ba ko o lilinga ng biglang may sumingit samin.

"Ms. Eunice ano kaba si sir Marcus na nga nagsabi na sila na. Wag mong sabihing kontrabida ka sa lovelife ng dalawa? O di kaya may gusto ka din kay sir Marcus ano? Ayiieee. Kung sabagay halos lahat naman ng babae dito ay gustong makarelasyon ang dalawang magkapatid na yon ang ga-gwapo talaga kasi nasa lahi na"
Singit ni Karla na kasama din namin.

"Tumahimik kana nga. Isumbong kita kay maam Gea maya nyan eh"
Bawi naman ni Eunice at nagparolyo ito ng mata.

"Sabihin mo inggit kalang"
At sabay talikod din ni Karla sakin at bumalik sa mga table nila. Napailing nalang ako at nag-umpisa na sa mga gawain ko sa opisina.

Napasandal ako sa upuan ko at nag-unat tumingin ako sa relo ko sa kamay at maglu-lunch break nadin pala tamang-tama at tapos nadin ako sa pagtitipa. Tumayo na ko at kinuha ang bag ko akmang lalabas na sana ako ng tinawag ako ni Karla.

"Oy babae! Sandali lang hintayin mo kami patapos na to wait lang sabay na tayo maglunch"
Kaya umupo nalang ako uli sa upuan ko at nagbutinting ng cellphone ko.

From:09*********

Fiora sabay tayo maglunch?

Napakunot ako ng noo. Sino kaya to? Ah baka si Marcus.

To:09*********

Di pwedi eh. Kasama ko ang mga kaofficemates ko maglunch sorry.

Nagulat ako ng nagsalita si Karla sa likod ko.

"Aba, aba, aba humahaba na talaga hairlalet ng babaeng to. Akalain mo naglalandian din thru texting ikaw ha. Bigyan mo din kami ng mga tips para makabingwit din kami ng mga gwapong adonis na hulog ng langit sa sobra ding kamachohan"

"Ano ba hindi ah"
Depensa ko naman.

"Aynako. Yaan mo na yang si Karla patay na patay yan kay sir Jerome eh. Halika na Gutom nako e"
Sambit naman ni Eunice. At sabay na kaming lumabas ng office. Minsan nga nag-aalala na ako ky Gea di nya na ko masyadong pinapansin at kahit alokin ko sya ng lunch ay di na sya sumasama ewan baka busy. Ng makarating kami sa canteen ay parang may mga matang tumitingin saakin at nakakailang gumalaw kaya ng mapagpasyahan ko na umupo at magpabili nalang kanila Eunice at Karla ay sinuyod ko ng tingin ang nag-iilang table dito ng mahuli ng mata ko si Jerome. Nag-iisa syang kumakain sa Cafeteria at walang emosyong nakati-tig sakin lumunok ako ng laway at umiwas ng tingin. Pero teka asan si Gea?

"Oy babae! Eto na oh tama na yang kakalaro mo ng kamay na parang nababalisa gutom lang yan dali kain na ang sarap ng mga pinamili kong ulam ang pangit kasi ng taste ni Eunice hamakin mo puro ba naman gulay ang binili ngayon ko lang nalaman na may lahing kabayo pala yan"

"Che! Vegetarian ako eh! Angal ka? Tingnan mo nga mga pagkain mo puru lahat fried foods eh yuck."
Sa tuwing nagkakasama yata ang dalawang yan ay lagi silang nagbabangayan kinain ko nalang ang mga pagkain na binili ni Karla at pasulyap-sulyap din ako kay Jerome na ngayon ay may kausap sa telepono si Gea na siguro.

"Yieee. Wag mong sabihin na may pagnanasa ka din ky sir Jerome nako-nako wag na akin na yan si Sir Jerome eh may Marcus kana"
Sabi naman ni Karla na kahit kailan ay masyadong bungangera. Kaya napaiwas naman agad ako ng tingin ng nahuli naman ni Jerome na napasulyap ako sa kanya. Ano to pasulyap-sulyap lang?

"Nakakabigla ha. Ngayon lang yata naligaw yang si Sir Jerome sa Canteen na to tsaka mag-isa lang sya ha. Usap-usapan kasi yan na di daw talaga sya kumakain dito sa canteen kasi one time sumakit daw yong tyan nya at dalawang linggo yang naadmit sa hospital kasi pinipilit talaga siya ni maam gea na sabay silang kumain sa canteen eh nabigla siguro kaya yon ang yayaman talaga ano? Pati pagkain sensitive sila"
At napatango-tango ako. Ng muli sana akong susulyap ng wala na si Jerome doon sa table na kinakainan nya umalis na siguro.

Natapos nadin ako sa mga gawain ko at ipapasa ko na sana kay Gea ay maaga pa daw syang umalis kaya bumalik na ko sa table ko at ipinatong ang mga papeles. Nauna nading umuwi sina Eunice at Karla wala na masyadong tao sa opisina kinuha ko na ang bag ko ng paglabas ko palang sa silid ay may humablot sakin at dinala ako sa isang silid na puno ng mga walis at kong ano-ano pang panlinis nagtataka akong napatingin sa taong bigla-bigla nalang akong hinahablot ng humarap ito saakin.

"J-jerome??"
Yumuko ito at huminga ng malalim tumingala sya at ngumiti.

"Did you miss me babe?"
At agad nya kong hinalikan na parang gutom na gutom kaya agad akong nagpupumiglas at sinuntok-suntok sya sa dibdib ng naputol ang paghalik nya sakin ay agad ko siyang sinampal kaya napayuko siya at mabilis na nagsitulo ang mga luha ko sa sobrang galit at hinanakit.

"Paano mo nakakayang gawin sakin to?! Di kapa ba nakuntento?! Mahalin mo nalang ang bestfriend ko baka sakaling matuwa pa ako kong ginawa mo yon"
Singhal ko sa kanya at akmang bubuksan ko na ang pinto ng may sinabi siya na halos nagpabaliw pa lalo sa sistema ko.

"I don't love her Fiora. Im still into you and I-Im so s-sorry for being a jerk back then pero handa akong wag siyang pakasalan sabihin mo lang na mahal mo pa ko at iiwan ko siya"
Napailing ako habang nakatalikod padin sa kanya nawawala na siya sa sarili niya.

"G*guhin mo sarili mo Jerome. May boyfriend ako"
Halos pabulong ko ng sambit I have no choice but to do this.

"Boyfriend ko ang kapatid mo Jerome. Boyfriend ko na si Marcus don't you see? I love him. I love him very much that I can't bear to lose him just to be with you"
At agad akong lumabas sa silid na yon at nagmamadali akong bumaba ng building kahit natatabunan na ng mga luha ko ang mata ko alam kong nagsisinungaling ako sa sarili ko pero yon na yon eh. Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko kong ano ba talaga ang nararamdaman ko. Inis kong pinindot ang elevator at agad na pinahid ko ang mga luha ko .

*Tinggggggg!*
Senyas na ng elevator na andito na sa palapag na ito gulat akong napatayo ng nakita ko si Marcus sa loob ng elevator na may dalang bouquet ng bulaklak at nakangiti sakin.

----------
Haha. Ang ganda kasi ni Fiora eh! Kasing ganda ng pangalan nya oh diba?

Happy BERmonths!

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon