Chapter 7

7.6K 112 1
                                    

Tama ba ang narinig ko? Mahal nya ang bestfriend ko? He wipe his tears and look at me.

"Pero malabo na yata"
At ngumiti sya sakin pero ang tagal magsink-in sakin ang sinasabi nya. Unti-unti syang lumapit sakin at hinalikan ako habang nakapikit ang mga mata niya kinakapos na yata ako sa paghinga dahil wala manlang akong reaksyon sa ginawa nya. I froze this time gulat na gulat ako sa mga narinig ko and now the kiss. Minuklat nya ang kanyang mata at lumayo sakin ng kaunti. Oo ang gwapo nya pero mali to eh I like him? Yes . But I love Jerome so much na hanggang ngayon malaki padin ang epekto nya sakin at kay Marcus? Di ko naman sya masisi oo ginamit nya ko na parang panakip butas pero pumayag ako maging pretend girlfriend nya. Tumayo na ko at inayos ang dala kong purse. All I think  now is to leave this place masisiraan na yata ako ng bait. Hahawakan ko na ang doorknob ng pintuan papasok sa hall ay hinablot nya ang kamay ko.

"Im really sorry Fi--"
Pero pinutol ko sya at nilagay ko ang hintuturo ko sa labi nya. Mukang maiiyak na ko kasi sa ginawa nyang paghalik parang mababaliw ako mas lalong gumulo ang lahat.

"Shhh. Tama na please? Let me leave"
At tinanggal ko na ang kamay ko.

"Sige. Iuuwi na kita"

"No. Marcus please"

"Fiora ihahatid kita mapapatay ako ng mga kuya mo kapag mag.isa kang umuwi"
Ay oo nga pala. Kaya tahimik nalang akong dumiretso uli papasok at nakasalubong namin ang mommy nila.

"Oh Iha? Ang ganda ng view sa garden namin hindi ba?"
Buong sigla akong ngumiti. Minsan lang ako makakakilala ng sobrang bait na bigtime di sila nakakatakot ang weird ko.

"Opo. Magpapaalam na sana ho kami kasi kailangan ko ng umuwi"

"Why so early?"
Parang nagtatampong tanong ng mommy nila Marcus.

"Mom kailangan na po nyang makauwi may emergency sa bahay nila"
Sagot naman ni Marcus.

"Oh is that so? Okay Go on iha. Ingatan mo sya Marcus ha?"

"Definitely Mom"
Sagot naman ni Marcus at niyakap ang Ina. Ang cute nilang tingnan.

"Ikaw talagang bata ka. O sya umalis na kayo baka ito namang girlfriend mo ang magselos"
Girlfriend? Haha nice. What I am thinking! Never!Never!

"Let's go?"

"Magpapaalam lang ako kanila Gea"
Paalam ko din sa kanya. At tumango lang sya sakin lumapit ako sa table nila at mukang nagtatampo itong bestfriend ko.

"Bes uwi na kami."

"Ay. Oo sige-sige ingat bestie best!"
At nagbeso-beso kaming dalawa. At lumakad na ko papalapit kay Marcus. Umuna na kong lumakad at sumunod lang sya sakin.

"Are you still mad at me? Because of the ki--"

"Shut up Marcus! Mapapatay talaga kita!"
I rolled my eyes. Kelangan ba talaga ipanglandakan yon?! Marami pang tao habang papalabas na kami ng restaurant.

"Okay-okay pero di ko sinasadya yon sana di ka mailang sakin"
At tumunog na ang sasakyan nya na ibig sabihin bukas na ang mga pinto neto kaya agad kong binuksan ang pintuan nito at umupo sa backseat tsaka ko sinarado pero binuksan nya uli ang pinto.

"Fiora please? Wag kana dito umupo dun ka sa harap ano pa ba dapat kong gawin?"
Pero di ko siya pinansin. At nagcross arm nalang ako feel kong magsungit eh pero di ko inaasahan na gagawin nyang lumuhod sa harapan ko at pinagtitinginan na sya ng mga taong dumadaan sa kalsada ano bang pautot to?!

"Tumayo ka nga. Oo na lilipat na ko"
At tumayo naman sya at inalalayan akong makapasok sa front seat tahimik lang kami habang bumabyahe pauwi samin. Huminto kami sa harapan ng bahay at binuksan ko na ang pinto di ko na sya hinintay na pagbuksan ako papasok na ko sa gate ng hinawakan nya ang kamay ko.

"Sorry kong naoffend kita. Please forgive me and still be friends with me? Kahit yon lang kahit friend nalang"
Tiningnan ko sya. Seryuso syang nakatingin din sakin kaya nga kahit friend nalang kaya tumango ako.

"So see you tomorrow?  Susunduin kita after your OJT at pwedi ba uling magfriendly date as peace offering?"
Ngumiti ako at tango nalang ang iginanti ko bago pumasok sa bahay.

"So how's your day with Marcus?"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si kuya Jiro at Kuya Aero na nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv.

"Fine, kuya"
Walang gana kong sagot.

"Pinaalam ka nya samin kapalit nun pinaglinis namin sya ng bahay pati ng sasakyan"
Sambit sakin ni kuya Jiro habang papunta na sana ako sa kwarto ko.

"Pati Cr ang linis linis nga eh. Ang galing nya palang maglinis no? Kahit mukang ang yaman-yaman nya"
Dagdag naman ni Kuya Aero. Huminto ako sa paglakad at bumalik uli sa sala.

"Ano?? Pinaglinis nyo sya??"
At sabay silang tumango na hindi manlang ako tinatapunan ng tingin at nakatitig lang sila sa tv na ang palabas ay finding dory mga abnormal talaga to e. Kaya napasapo ako sa ulo ko. Grabe palang pinagdaanan ng lalaking yon para lang mapaalam ako. Walanghiya talaga tong mga kuya ko as Ever!

"Eh hindi lang yon mukang mayaman. Ang yaman-yaman nun! Ano ba kayo mga kuya? Bat nyo yon ginawa??"
Bumuntong hininga si kuya Jiro.

"Kailangan nyang paghirapan kong gusto ka nya talagang makasama kahit mayaman pa yan o bilyonaryo pa"
Sa lahat ng seryuso si kuya Jiro talaga ang masasabi mong medyo pormal.  MEDYO lang ha? Capslock para intense.

"Kaya nga eh. Ganon talaga pagmahal ka ng isang tao kailangan paghirapan nyang makuha ka"
Eto namang kuya Aero ko ang pinakamonggoloid. Puro kalokohan lang yata ang nasa isip nyan.

"Ngayon nga lang kami talagang nagkakilala eh! Mahal na agad? Hindi ba pweding kaibigan ko lang ang tao at may party lang kaming dinaluhan??"
At napatingin sila sakin. Tumayo silang dalawa at tiningnan ako na parang alien na naligaw sa planeta nila umikot pa si kuya Aero sa likod ko at busisi naman akong tiningnan ni kuya Jiro. Like hello?? May masama ba sa itsura ko? O baka nagtransform akong si dory?

"Bunso ikaw bayan?"
Tanong ni kuya Aero.

"Oo naman! Kayo ngang dalawa tigilan nyo ko kuya ha! Di na ko natatawa!"

"Diba dapat pangit ka?"
At tinampal ko si kuya Aero sa batok mga g*go talaga to! Di ako panget ah!

"Hoy! Di ako panget! Libre lang naman sakin to ni Marcus pati yong damit, purse at sandals ko diba ang ganda?? Pinamake-over ako ni Marcus. Mas lalo akong gumanda ano?"

"Matulog kana nga duon bunso baka nananaginip kalang"
sagot naman sakin ni Kuya Aero at bumalik na sila sa sofa at pinatuloy uli nila ang panunuod. Mga topakens!
As ever! I rolled my eyes for the last time at umakyat na sa kwarto para matulog.

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon