Chapter 5

9.7K 106 0
                                    

Nagising ako sa silaw na nanggagaling sa bintana ko. Umaga na pala balik padin ako sa dating routine kong ano ginagawa ko kada umaga first day na ng OJT ko ngayon bahala na mamaya kong magtanong si Gea kong bakit ako umuwi ng di nagpapaalam sa kanya sinuot ko ang pang office attire ko pencil skirt na hanggang tuhod ko at isang hapit na longsleeve ang suot ko tinali ko ng mabuti ang brown at medyo kulot kong buhok at light make up lang na nababagay sakin kinuha ko na ang shoulder bag na regalo sakin ni mama ng birthday ko last year at inihanda ko nadin ang mga folders na mga kinakailangan ko. Pagkabukas ko ng kwarto ko para lumabas ng tumambad saakin ang dalawang kuya ko.

"Goodmorning bunso"
Sabay nilang bati.

"Goodmorning din mga Kuyss!"
At niyakap ko silang dalawa.

"Breakfast na tayo ihahatid ka nalang namin doon din kasi kami dadaan"
Ganyan ka bait ang dalawang kuya ko pero babaero padin ang dalawang yan feel na feel kasi nila na ang gwapo-gwapo nila na which is true naman kaya wala na akong maaangal pa. Puro lang naman laro yong mga relationship nila  sa mga babae kaya takot na takot din sila na baka lukohin lang din ako ng lalaking magiging boyfriend ko baka makarma kong baga kaya over protective sila sakin iniisip ko nga sana makahanap sila ng babaeng magpapatino sa kanilang dalawa. Tumango nalang ako at sumunod sa kanila pababa tapos ng magluto si Yaya Bering kaya sabay-sabay na kaming kumain kasi parang pamilya nadin namin si Yaya bering parang nanay na nga namin siya e. Namimiss ko na tuloy si mama tsaka si papa busy kasi sila sa pagpapatakbo ng mumunting bakery at cafe namin sa pampangga kaya eto kami-kami nalang ng kambal kong kuya ang namumuhay. Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming pumunta sa garahe at sumakay sa sasakyan. Si kuya Aero naman ngayon ang mag-mamaneho kaya umupo nalang ako sa back seat naunahan naman kasi ako ni Kuya Jiro sa Shotgun seat. Pagdating ko sa Building na pagmamay-ari ng mayaman kong bestfriend ay bumaba na ko sa sasakyan.

"Bye mga kuyaa! Mamaya nalang uli"

"Be a good girl!"
Sabi ni kuya Aero kaya napasimangot ako.

"Kuya Im not a child anymore"
Papadyak-padyak ko pang sabi.

"So don't act like one, bye bunso!"
Sagot naman ni kuya Jiro at pinaharurut na ni kuya Aero ang sasakyan. Ang kambal talagang to nakakainis lagi akong pinagtutulungan! Huminga na ko ng malalim at diretsong pumasok sa building.

"I have an appointment with Gea marie Bautista"

"I.D ma'am"
At agad kong binigay ang I.D ko.

"Wait ma'am titingnan ko lang po"
Magalang na sabi niya. At agad na ngumiti sakin.

"Hinihintay ka na ni ma'am Gea sa office niya 12th floor po"

"Thank you"
At sumakay na ko ng elevator di pa to masyadong puno ng bandang sasarado na ang elevator na may kamay na humarang dito at nakita ko uli ang mukha niya si Jerome..

"Ay! Hi sir"
Sabi ng isang babae at binigyan nila ng pwesto si Jerome at kilig na kilig kaya umurong nalang ako sa pinakacorner ng elevator sa likod ayukong makita niya ko ngunit mukang huli na ng umurong din sya papalikod kaya magkatabi kami at halos magkadikit na ang balat namin nawala yata ako sa sarili di na ko marunong kong pano huminga parang sasabog na ang puso ko kapag lumapit pa sya uli.

"Hi how are you? "
Sabi niya ng tumingala ako ay nag.iwas siya ng tingin mataas kasi siya sakin mga hanggang leeg niya lang ako.

"Im fine sir you?"
Pormal kong sagot.

"Same. Bakit ka biglang nawala sa party last night? Hinanap ka ni Gea nag.aalala siya sayo"

"Umm. K-ka--"
Sasagot na sana ako ng biglang tumunog yong elevator nasa 12th floor na pala kami kaya agad akong lumabas ng elevator. Pero nakasunod din siya sakin siguro pupuntahan nya ang fiancé nya. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok at ng sinalubong ako ng yakap ni Gea at nagtitili-tili siya.

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon