Chapter 2

13.9K 134 1
                                    

Pagbalik ko sa hall nagsasalita na ang emcee sa stage at andun na nga ang dalawa masaya sila. Masayang masaya isinuot na ni Jerome ang engagement ring kay Gea at naghiyawan ang mga tao sa paligid. Habang ako tinitingnan sila sa malayo di ko na napigilan ang sarili ko sa pagiyak kaya agad akong umalis sa hall at mabilis akong pumara ng taxi mabuti at nakasakay agad ako. Bumalik lahat ng alaala ko nung araw na niluko nya ko.

(Mahabang flashback itey hehe peace guys)

* Flashback *

CRIIIIIINGG! CRINGGG!
Tunog yan ng alarm ko. Agad kong pinatay at tiningnan kong may message ba sya first anniversary namin ngayon. Umaasa akong pangalan niya ang makikita ko text lang pala ng bestfriend kong si  Rianna.

'Bes. Punta kana school bilis. Its urgent!"

Di na ko nagreply siguradong chismiss nanaman yang ibabalita niya agad akong naligo pagtapos ay nagbihis nilagay ko agad ang regalong ibibigay ko sa bag. Graduation na namin bukas at mamayang gabi darating na sila mama nag.ayos ako ng sarili at pumunta sa kusina at ininit ang ibang pagkain marami naman kasi ang niluto ko kagabi kasi akala ko pupunta sya at dito kakain gaya ng ginagawa niya. Siguro busy lang yon. May sariling bahay kasi kami dito sa manila nila mama eh kesa walang titira dito kaya napili ko nalang na dito mag.aral. Antagal ko bago nakatapos kumain sya ang lagi kong iniisip lagi ko nalang nilalakasan ang luob ko baka nagtatampo lang yon sakin kasi gusto nya na gawin na namin 'yon' pero hindi pa ako handa at hindi pwedi papatayin ako ng papa kapag may nangyari at mabuntis ako nag.iisang babae lang kasi ako at dalawang kambal na lalaki ang mga kapatid ko na nakakatanda sakin ang over protective pa naman ng mga yon. Simula lang ng pagtanggi ko naging malamig na sya sakin at halos di na ako pinapansin di ko na nga alam ang gagawin ko. Pagdating ko sa room namin ang ingay-ingay ng mga classmates ko wala naman kasi ang teacher namin busy na sa pagpreprepare at pagdedesign ng stage para sa graduation namin hinanap ko agad si Rianna pero wala siya sa classroom kaya umupo nalang ako at tinext ko siya na andito na ko sa classroom.

"Si Jerome natin may iba nanamang dinedate kawawa naman ang iba dyan A playboy is always a playboy. Tinikman lang nya siguro ang isa kaya ng nagsawa tumikim naman ng ibang putahe."
At nagsitawanan ang grupo nila Shaira sadyang nilakasan nila ang pagkakasabi para marinig ko.

"Ganyan talaga tumagal lang naman sila akala mo kong sino na. Our prince is now free!We can date him na he turn his relationship status into Single! Tingnan nyo"
Sabi naman nung Jassy at nagsitilian sila di ko na talaga makaya ang pinagsasabi nila kaya sinabunutan ko na siya.

"Hindi totoo yan! Mahal ako ni Jerome at kahit kelan di nya ginawa sakin yang pinagsasabi nyo!"
Lahat ng kaklase namin ay nakatingin saming dalawa habang sya ay pinipilit na kumalas sa hawak ko sa buhok niya hanggang may isang nagsalita na kasama niya sa kumpulan kanina.

"Let her go b*tch! E totoo naman eh! See for yourself!"
At itinapon sakin ni Shaira ang isang larawan. Binitawan ko ang buhok niya at pinulot ang picture. Tiningnan ko yon at nagulat nga ako si Jerome nga yon at may babae siyang kasama naghahalikan sila pero di ko makita ang itsura ng babae kasi nakatalikod siya sa picture habang si jerome lang ang nakaharap at sigurado akong si Jerome yon dahil suot nya ang jacket na binigay ko sa kanya ng monthsarry namin. Tumulo ang mga luha ko sa nakita di ko na kakayanin pa kaya tinapon ko ang litrato kinuha ko ang gamit ko at umalis sa classroom nakabangga ko pa si Rianna sa hallway.

"Hoy bes san ka pupunta?"
Di ko na siya pinansin at dumiretso sa paglalakad at bumuntot lang din siya sakin. Huminto ako sa destiny kong saan kami laging tumatambay mabuti at walang masyadong tao kasi busy ang lahat.

"Ay thank you nakaupo din! Alam mo bang kanina pa ko naglalakad tas ngayon yong muka mo parang may gyera kang dadaluhan ang bilis-bilis mo pang lumakad jusko! Kakapagod yong about kay Jerome? Kalat na kalat na sa campus eh"

"Sino ba naman kasi nagsabing bumuntot ka?alam mo naman pala pero di mo pa sakin sinabi"

"Eh ba't ang sungit mo? Kumalma ka nga muna! Hays! Yon nga yong tinext ko sayo kanina na may ibabalita ako eh mukang nalaman mo na sa mga bruha doon sa classroom"
Di ko siya sinagot. Galit na galit ako at di na ko nakakapag.isip ng matino di ko alam basta gusto ko nalang umiyak dahil sa galit o dahil sa sakit na nararamdaman ko ewan di ko na alam at humagulhol nalang ako.

"Hoy ano ba babae! Wag kang basta-basta umiiyak jan! Wala yang magagawa eh kung sugurin nalang natin yon san ba yon nakatira? Sikat daw yong babaeng bago ni Jerome sa ibang school daw yun di ko alam kong anong pangalan ng school nila"
Nakikinig lang ako sa pinagsasabi ni Rianna. I never expected na ganito ang gagawin niya oo playboy siya pero akala ko nagbago na sya ako ang pinakamatagal na naging girlfriend niya. Maganda naman ako eh hindi ako maarte di tulad ng mga babaeng parang linta kong makakapit sa kanya di ako masyadong sosyalin parang tama lang pero ano ba ang ayaw niya sakin? Dati ok naman kami ah? Hindi kaya edited lang yong pic? O di kaya naframe up lang si jerome?
I want to know the truth.

"Sige puntahan natin siya"

/ / ~ ~
"Grabe ka! Nilakad pa talaga natin ang sakit-sakit na ng paa ko! Sheteks talaga! Kong di lang talaga kita bestfriend eh! Di ako mapapasabak sa maala dora mong adventure! Nagmumukang boots na ko"
Di ko pinansin ang pagmamaktol niya at tumingala lang sa harapan ng mataas na building.

"Oh ano na doray? Tutunga-nga ka pa? Langya ha! Kakapagod natong ginagawa natin tas ang ending titigan mo lang pala tong building uwi na nga tayo muka kang baliw jan"

"Pupuntahan natin siya"
Tipid kong sabi sa kanya.

"Edi gora na bilis!"
At pumasok na nga kami sa luob ng building at sumakay ng elevator.

"Anong palapag yong condo unit niya?"
Tanong sakin ni Rianna.

"Pang sampung palapag"
At pinindot nya ang button sa elevator. Sa totoo takot na takot ako sana hindi totoo yon kong magpapaliwanag sya at papabulaanan niya ang lahat ay papaniwalaan ko siya. Tanga na kong tanga nagmamahal lang naman ako. Tumunog na ang elevator hudyat na nandito na kami sa 10th floor.

"Ano bes? Kaya mo pa ba? Kong ayaw mo wag nalang tayo tumuloy baka masaktan kalang lalo"
Sabi ni Rianna na may pag.aalala.
Pero hinawakan ko lang siya at patuloy kaming lumakad sa hall kong saan malapit na ang unit nya. Napahinto kami sa tapat ng isang pinto ito na yon eh. Akmang bubuksan ko na ang pintuan gamit ang duplicate key ko ay may aakmang bubukas din nun mula sa luob. Kaya napatago kami ni Rianna sa gilid ng mataas na tanim sa kabilang tapat ng katabing unit. Halos malaglag ang puso ko at parang dinurogdurog to ng nakita ko ang kahubog ng katawan at kulay ng buhok ng babae na nakita ko sa picture na pinatingin sakin ng mga bruha dun sa classroom di ko padin makita ang mukha nya dahil nakasideview siya at hindi tumitingin sa gawi namin ang ganda ganda niya di makakailang magustuhan siya ni Jerome mas lalong nadurog ang puso ko ng makita kong iniluwa din non si Jerome na nakaboxer lang nag.uusap sila sa tapat ng pinto at pagkatapos ang hindi ko inaasahan ng halikan ng babae si Jerome at hindi manlang gumalaw si Jerome para pigilan ang babae pagkatapos ay umalis ito.

Halos di ako makagalaw haplos-haplos lang ni Rianna ang likod ko. Nasasaktan ako dahil kahit ako mismo nakita ko. Nakita ko ang pagtataksil sakin ni Jerome. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako at napasandal sa pader. I know it's true and its fvckin' hurt!

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon