Tumugtog na ang theme song sa Nuptial shots nila na nakalagay sa mumunting whiteboard ang ganda ng mga kuha and they were like a cute couple bagay sila yumuko ako. As we marched at the red carpet kasama ang mga partners namin and yes si Marcus ang kasama ko. Nakakainis man ay kinuha ko ang ilang na nararamdaman ko di padin niya ako pinapansin pero ok lang mas maganda nga kapag ganun. Jerome look at us with such annoying look. Oo tumuloy sya sa pagiging groom pinilit ko sya kakayanin ko nalang na maging ganito ang sitwasyon namin mahal ko siya at mahal nya din naman ako. Ngumiti ako kay jerome para wag na syang sumimangot. Tumayo ako sa hilera ng mga bridesmaid may meron kaming mga bulaklak na ginawang headband na nakapatong sa ulo at naka-messy bun ang buhok namin nililipad ng hangin ang mga kurtinang nakadesenyo sa mumunting isle at naghintay para sa paglakad ng bride. Unti-unti syang lumakad at pagsabay nadin ng pagkanta ng mga mang-aawit gamit lamang ang violin ang sarap pakinggan parang nakakagaan ng puso. Marami ang nag-iiyakan sa tuwa pero ako lang yata ang umiiyak dahil sa lungkot na nararamdaman lumakad na sya habang hawak ang bouquet ng mga rosas sumadsad sa buhangin ang maganda nyang bridal gown. Pero seryoso pading nakatingin si Jerome sa kanya maluha-luha pang nagpunas ng luha si Gea habang papalapit na sya sa taong mahal ko at sa taong mahal nya rin. Ang sakit pala na ganito other half of me nagsisisi dahil sa pagpilit ko kay jerome na ikasal sya sa bestfriend ko but the other side of my mind telling it was okay sayo padin naman sya pupunta to keep him company it badly hurts. Pero ang hirap palang makitang ganito umupo na ang dalawa sa harap ng pari habang kami umupo nadin sa mga upuan namin inabutan ako ng panyo ni Marcus dahil sa di pagtigil sa agos ng luha ko.
"Thank you"
Maikling sambit ko sa kanya.As the beach wedding ended ay bumalik uli kami sa hotel duon kasi ang reception. Bitbit ko ang sandals ko at nagpaa kasi madulas kapag naglalakad akong may mga buhangin ang sandals ko. Dinamdam ko ang mumunting buhangin na natatapakan ko.
"Hey!"
Napaangat ako ng tingin sila Greg pala at ang cute na kambal. Para silang barbie dolls sa suot na red cocktail dress na damit namin at gumwapo ang itsura ni Greg sa suot nitong tuxedo. Ngumiti akong lumapit sa kanila."Pasok tayo ate bilis! Pagkatapos kasi ng kainan ay maghahagis na si ate Gea ng bouquet! Sana ako ang makasalo nun!"
Sambit naman ni Helena."Che! Ako ang makakasalo nun!"
Sagot naman ni Aenina. Kaya inawat na sila ni Greg kasi mukang magsasabunutan na ang dalawa sa mumunting bouquet na yon."Alam nyo ang ba-bata nyo pa no para ikasal at mag-asawa pag-aaral muna atupagin nyong dalawa"
Panenermon ko sa kanila. Lumapit na uli sila sakin at tahimik kaming pumasok sa dining hall. Naabutan namin na nagpapatunog ng baso ang lahat at sumisigaw ng kiss. Napatingin agad sakin si Jerome pero hinila na sya ni Gea at hinalikan sya nito sa labi at nagsigawan ang lahat sa sobrang kilig. Pero hinila na ako ng kambal sa isang table at sumunod lang sa likod namin si Greg umupo na kami at para akong walang ganang napaupo sa upuan ko. Yeah this wedding is breaking me into pieces sana di nalang ako pumayag na dumalo sa kasal nila sana nagsabi manlang akong may sakit ako kaya di ako makakapunta sana gumawa nalang ako ng mga excuses. I want to cry but I stopped it. Hindi to pwedi."May I called Ms. Fiora Jane Estorca at sabi daw kasi ng Bride ay super bff daw kayo. Can you go on stage para sa message mo sa ating newly wedding couple?"
Kaba akong napatulala. Sh*t."Ate Fiora . Punta ka daw sa stage"
Sambit ni Helena. Halos di ako makagalaw."Ate? Hoy. Message ka daw po kanila ate Gea. Tayo na po bilis"
Hila naman sakin ni Aenina para akong ewan na nakatayo. At nakatingin ang lahat sakin. Unti-unti akong lumakad paakyat ng stage ng nakayuko. Fvck anong sasabihin ko? Di na ako makapag-isip ng matino sa sobrang cramming nadin. Umakyat na ko at inabot ng emcee sakin ang mic. Napatingin ako sa kanilang dalawa di ko talaga alam kong anong sasabihin. I cleared my throat at ngumiti sa kanila kahit mukang tense na tense ako."U-uhmm. Goodnoon po sa lahat I really know Gea for a long time we're very close to each other like sisters. Nagulat na nga lang ako na may Fiancé kana... kasi nung college kami wala naman akong nalalaman na boyfriend nya sa school at eto na nga nahanap nya nadin ang ka-road to forever nya. S-stay strong Congratulations and Im very happy for the both of you."
At nagpalakpakan silang lahat. Bumaba na ko ng stage at di ko na kinaya pang tumingin sa kanila. Im hurting! Ang sarap iuntog ang ulo ko sa pader. Pagdating ko sa table namin ay agad kong ininom ang wine na para sana ay kay Greg. Lutang na lutang ang isip ko pagkatapos nun. Nabigla nalang ako uli sa hila ng dalawang kambal ayaw talaga nila akong tantanan. T.T"Ate bilis na po. Maghahagis na ng bouquet si ate Gea."
Sabi ni Aenina na super kulit. Lumapit kami sa kumpulan ng mga kababaehan dun nakisiksik ang dalawa sa harap kaya naiwan ako sa likod ng mga babaeng halos nagtutulukan na akmang tumalikod na ako at aalis sana ay napunta pa ang bulaklak sa harapan ko nahulog sya sa sahig at halos natahimik ang lahat wala manlang umagaw kaya napilitan nalang akong pulutin yon."Hala ang swerte mo ate! Ikaw pa talaga nakakuha. Sayang.."
Sambit ni Helena. Kaya binigay ko nsa kanya di ko naman kasi trip ang ganito wala naman akong papakasalan."Sayo nalang kaya?"
Alok ko sa kanya pero umiling lang sya."Nakalista na ho kasi kayo dun. kong sino man makakakuha ng garter sa mga lalaki ay yon po magsusuot sa inyo kaya goodluck po ate!"
At patakbo silang pumunta sa table namin habang naghaharutan ng kambal niyang si Aenina. Nagsimula ng naglaro ang mga lalaki ng garter na yon si Marcus ang nakakuha nun kaya agad naghiyawan ang mga tao sa paligid at kinantyawan kaming dalawa. Pinaupo ako sa upuan sa gitna at yon nagsisigawan ang mga tao dahil isinuot ni Marcus sa hita ko ang garter. Kaya naiilang akong tumitig sa kanya pagtapos nun ay nagsiuwian na ang iba. Ang iba naman nanatili pa sa hotel at enenjoy pa ang pananatili sa bora. Nakasuot na ko ng two piece at nakasuot ng manipis na tela. Gusto ko munang mag night swimming umalis na sila Gea at Jerome. Dahil maguusap-usap pa sila ng pamilya nila parang family reunion yata ang magaganap at magbubukas ng regalo sabi nga ni Greg ay lilipad daw sila Gea nextweek papuntang Mexico para maghoneymoon.Nagtumpisaw ako sa dagat at lumangoy-langoy. Medyo malayo na ko sa dalampasigan at kitang-kita ko ang mga ilaw na nagkikinangan may merong mga batang bumibili ng mga ilaw na itinitapon parang laruan yata yon ewan pero ang ganda ng nagsawa ako sa tubig ay kinuha ko na ang mga gamit ko sa dalampasigan mabuti at meron akong twalyang dala para di ako masyadong ginawin. Sa bandang dulo ay may nagfa-fire dancing kaya napatigil ako duon at nanuod. Kumuha ng litrato, gumala-gala kahit saan kahit alam kong mag-isa lang akong nagsasaya sana nandito lang sila kuya sigurado akong buo ang araw ko.
Napagod ang mga paa kong bumalik sa hotel na tinutuluyan namin hanggang bukas nalang din naman kami dito kaya namili na ko ng mga souvenirs at mga damit. Napahinto ako sa kwarto kong saan ko naririnig ang mga kunting kalabog at sigawan na nangyari medyo nakaiwang ng kunti ang pinto noon kaya sumilip ako. Kwarto pala to nila Gea at Jerome.
"Ano ba Jerome! Ano ba talagang problema mo?!"
"You know that you're my problem! Can you stop this shits?! Ano kaya ang mararamdaman ni Fiora na ang bestfriend nya pala tong nangsulot ng lalaking dapat sa kanya talaga?! Ha?! Mahal ko sya Gea! You knew that from the start!"
Gigil na gigil na sambit ni Jerome kahit halos mabiyak na ang dibdib ko sa narinig ay hindi ako umalis sa lugar na yon at patuloy na nakinig sa iba pa nilang sasabihin."Oo si-net up lang kita! Inagaw kita sa babaeng mahal mo! Alam kong kayo noon! Pero mahal kita Jerome! You love her? That's stupid. We're married! Di kaba nahihiya sa mga pamilya natin ha?! I love you Jerome more than my life! At alam mong malulugmok ang kompanya nyo kapag tinuloy mo yang binabalak mo if else I will tell dad nalang about this"
Napatutop ako ng bibig. At tumakbo paakyat sa kwarto ko. How could she do that to me? She was my bestfriend siya talaga ang unang nang-agaw kahit alam nyang kami pa ni Jerome!? ngayon ako pa ba dapat ang makihati? Kukunin ko ang dapat na sakin.----------------
Revengeful Fiora is here! Parang Lol diba? Hahaha. Dun ko talaga nakuha name nya eh. Kaway-kaway sa mga LoL gamer dyan. 😂 Kaway-kaway sa mga bisaya dira ho! Haha.
BINABASA MO ANG
Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]
RomancePapaano kaya kong ang taong papakasalan ng bestfriend mo ay ang taong lumuko sayo. Pero sa lahat ng nun may natitira ka pading pagmamahal sa lalaking yon at ganun din siya? Pano kapag kasal na sya makakaya mo pa bang ipagpatuloy ang nararamdaman nyo...