Chapter 32

4.4K 71 0
                                    

"Its a healthy baby boy as you can see there in the monitor  ayan yong sex organ niya at hindi kana din mahihirapan dahil nakaikot nadin ang baby sa right place para sa delivery"
Hinalikan ni Marcus ang likod ng palad ko. As I cry seeing my son in that little monitor. It is really a boy and I can't wait to see him,  to hug him tight , to kiss him I just can stop crying of joy.

"Shhhh.."
Pinunasan nya ang luha ko. At hinalikan ako sa noo. Parang wala akong mapaglagyan ng tuwa ko sa narinig.

Pagkatapos ng appointment ko sa OB ay dumiretso kami sa bahay. At syempre kinulit ko nanaman ang dalawang kuya ko. Pero something's wrong about kuya Aero. He's not even laughing with us kahit nagjojoke si Marcus o di kaya si kuya Jiro. Kaya lumapit ako sa kanya habang nagkwekwentuhan sa kusina sila Marcus , nay bering at Kuya Jiro. Napaupo din ako sa sala kung saan nanunuod siya ng TV.

"Oh. H-hi bunso"
Naiilang niyang bati sakin. At umiwas siya ng tingin.

"Hoy kuya? Ano bang problema mo? Parang wala ka ngayon sa sarili ah?"
Inilagay ko ang likod ng palad ko sa noo niya at leeg baka nilalagnat lang siya oh ano pero hindi naman eh.

"Hindi ka naman nilalagnat pero napano ka?"
Usisa ko padin sa kanya.

"May nabuntis kasi yang babae! Yan parang takot na takot. Halos di na nga yan lumalabas ng bahay at itinapon ba naman sa basurahan ang iPhone 6 niya. Baliw na nga siguro yan eh mabuti napulot ko pa"
Sigaw naman ni kuya Jiro. Kaya pala parang praning siyang nakatulala sa TV .

"Hoy lalaki ka! Sinong nabuntis mo ha??"
Tanong ko sa kanya.

"A-ah w-wala! w-wala!"
Lumapit nadin samin sila Kuya Jiro at Marcus na may dala-dalang chips. Hinila ko si Kuya Aero papunta naman sa taas.

"Hoy. Bunso! Hinay-hinay nga! nako aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo!"
Kinakabahan na sabi ni kuya Aero sakin.

"Dito tayo mag-uusap! Sige na kwento mo na kong bakit ganyan ka kahilakbot. Sino bang nabuntis mo ha?!"
Tanong ko sa kanya. Agad syang napakamot ng batok.

"Y-yong.. a-ano..eh"
Paputol-putol nya pang sambit.

"Sino nga??"
Kulit kong tanong sa kanya.

"Si Eleanor. Yong babaeng patay na patay sakin ng highschool hanggang ngayon, attorney nadin siya pero nakakainis na ang pagsunod nya sakin creepy na nga din, minsan tumatawag sa cellphone ko di ko nga alam kong saan nya nakuha number ko eh minsan magugulat nalang ako nasa harapan ko na siya. Then one night nalasing ako eh di ko alam na siya yong babaeng humila sakin at kong saan kaming kwarto napadpad at doon may nangyari samin di ko alam talaga bunso na siya yon alam mo naman na di ko gusto ang babaeng yon sa mga sexy at magaganda ako lumalapit no. Nangyari nalang na lumapit siya sakin at sinabi lahat ng nangyari tapos nagulat nalang ako ng sinabi niyang buntis siya. I can't never be the father of her child hindi pwedi! Sobra ng obsession nya sakin nakakatakot na nga eh "
Bulalas niya. Humarap ako sa kanya habang di kontento sa pinagsasabi niya.

"Are you sure kuya? Natatakot ka ba talaga kasi obsess siya sayo? O dahil natatakot kalang talaga sa responsibilidad mo? As far as I know naging kayo ng Highschool hindi ba? So it means minahal mo siya. So bakit ka ganyan ngayon? Bakit mo siya iniiwasan? Ba't mo tinataguan? Anak mo din yon ano ka ba?? Dugo't laman mo"
Sambit ko at napatahimik siya sa sinabi ko.

"I can't never be so sure na akin talaga ang batang yon. Malay mo sa ibang lalaki pala yon?? At dahil sa patay na patay sya sakin kaya ako yong tinuro nyang ama ng anak niya? Im a lawyer kaya kahit magsinungaling sya ay malalaman ko,  next time na magkikita kami she will undergo one on one investigation with me."
Taas noo niyang sabi kaya napailing nalang ako. Bitter din ang isang to ang sarap batukan.

"Thank you bunso! Swerte ko talaga sa pamangkin ko. Hi baby!"
At parang tanga syang patawa-tawa. Napailing nalang ako.

Gea's pov

"You seems stressed? And fat?"
Napairap nalang ako. How dare she call me fat.

"Im not fat! I hate this pregnant thingy kita mo? Lumaki ang ilong at hita ko umiitim nadin ang under-arm ko! Para akong wrestler! Kong di lang talaga kay Jerome ay ipapahulog ko tong bata na to"
Singhal ko.

"Yan! Sinabi ko naman kasi sayong ang pangit mabuntis masisira ang shape mo. Tingnan mo ako? Laging nadidiligan ng mga adonis na mga bigtime! Bakit di mo ba na take ang pills mo?"
Tanong niya.

"Nakalimutan ko eh. Wedding day na kasi namin nun kinabukasan"

"Ang ingot mo din pala. Tss. Yong red na nailpolish ilagay mo sa paa ko miss ha"
At tumango naman yong babae nasa parlor kami nagpapamanicure at pedicure.

"Kong pinahulog mo naman yong bata na yan edi sana ngayon humabol-habol pa yang yummy Jerome mo kay sino ba yon? Si Fiora hindi ba??"
At tumango ako.

"Pero alam mo buntis din siya. Nagkita kami sa isang baby shop sa mall at guess what? Kasama niya si Marcus"
Napa OMG naman sya sa sinabe ko.

"Nabuntis din siya ni Marcus?! So it means.. kapatid ng anak mo ang dinadala din ng babaeng kerida na yon? Oh gad. Ang ganda talaga ng story nyo! Pang world class!"
At pumalakpak siya na parang baliw. Napairap nalang uli ako. If Marcus get her pregnant maari ngang magkapatid sa ama ang anak namin. Eww nakakasuka.

"So anong naging reaksyon ni yummy Jerome?"
Dagdag niya.

"Nagalit sya ng tinulak ako ni Fiora. Oh diba? He really cares for me"
Sya naman ngayon ang napairap.

"Really? Maybe its the baby he really care's about? Huh?"
Sabay taas nya ng kilay niya.

"Shut up."

"Oh my dear, I just want to wake you to your crazy fairytales you've been dreaming about. We're different. We made sex not love. You can buy a guy whatever you want you can also buy love if you want to. You're rich! A one bigtime bitch millionaire! Tapos ngayon? Nanglilimos ka ng pagmamahal sa isang Jerome Heraldez? Oo gwapo, masarap siya. Don't down yourself tinutulungan na nga kita sa katangahan mo minsan but girl sayang ka you deserve better"
Sambit niya kaya napatahimik ako. Para akong natameme she's a slut a mistress or a prostitute kong minsan ay bansag siyang hindi matinong babae she always think about sex but she had a heart to her friend. Siya lang talaga ang maasahan ko.

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon