Chapter 23

4.8K 70 3
                                    

Nakauwi na nga kami ng manila. Bibisitahin ko nalang sila mama at papa sa off ko. Pagkatapos ng nangyari sa hotel na narinig ko ay di ko na halos mahagilap si Jerome kahit P.A nya ko. Gea's blackmailing him Pupunta ako sa opisina nya I really want to talk to him.

"Uhmm. Maam Fiora ayaw po kasi ni Sir na may umistorbo sa kanya ngayon"
Sagot ng secretary nya.

"Pero please sandali lang talaga to"
Pagmamakaawa ko pero pilit nya padin akong pinagbawalan pumasok sa opisina ni Jerome kaya wala akong nagawa kundi ang umupo nalang sa gilid at maghintay na lumabas na sya sana. Halos tatlong oras na at kalahati akong naghihintay sa labas ay laking pasasalamat ko ng lumabas siya pero.. kasama niya si Gea at nakasukbit pa ang kamay nito. Magalang na bumati sa kanila ang secretarya nito. Kaya di pala nag-papastorbo si Jerome dahil nandoon si Gea sa luob kasama niya. Huminto sila sa harap ko.

"Hi bes!"
At nagbeso-beso sakin pero nanatiling walang ekspresyon si Jerome. Naguguluhan ako. Akala ko ba mahal nya ko? Ano to? Iiwasan nya na ko ganun?
Ngiti lang ang naging sagot ko kay Gea.

"You and Marcus are not in a really good shape isn't it? Simula ng nasa bora tayo ay di ka niya pinapansin? Kwento mo naman sakin oh kong anong nangyari?"
Napasulyap lang ako kay jerome.  Pero kahit ngiti o naiirita ay wala syang ginawa nagulat nalang ako ng nagsalita sya.

"C'mon hon. Malelate na tayo sa meeting tsaka yong sweldo mo pala mamaya ko na irerelease."
Sabi nya. Nagpaalam na sakin si Gea para umalis ay tumango lang ako ni kahit letra ay di ko masambit. Gusto ko ngayong lamunin nalang ako ng lupang kinatatayuan ko. Fvck is that it?! Nagmumuka nanaman ba akong tanga? Ang sakit-sakit na ah! Pinapaasa nya nanaman ba ako? Ngayong nalaman ko na talaga ang totoo? Ano ba jerome?! Magsalita ka naman! Tumakbo ako papuntang comfort room. I just want to drain all my tears. Nakakainis na kasi kong kelan na ipaglalaban ko na siya, siya naman itong lalayo pa.

Jerome's Pov

Naipit lang talaga ako sa sitwasyon at alam ko ang ginagawa ko. Ito nalang ang nakikita kong paraan para mapadali ang pagbawi namin sa kompanya. I need to set aside Fiora for a while. Alam kong marami nading banta si Gea sakin about Fiora I can't even imagine to lose her ngayong araw ang pagbawi ko kay Gea humingi ako ng sorry at sinurprise siya next month ay honeymoon namin pinaurong ko dahil sa totoo ay ayukong may mangyari samin. Naintindihan naman ni Gea dahil marami talaga akong dapat tapusin sa opisina ko. pina-cancel ko ang ibang meeting ko at appointments ngayong umaga naintindihan naman nila dahil bagong kasal kami. Sinadya ko talagang di kami magkita ni Fiora ng ilang araw ayukong makulong sa mga titig nya baka di ko na matuloy ang plano ko. I really love her that I can risk everything to be with her but not now alam kong mahirap tong desisyong ginawa ko but its for her own good. Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan ko. Kailangan ko talagang mabilog ang ulo ni Gea para mabawi ko agad ang shares at sasabihin ko na kay Fiora ang totoo at ipapa-anul namin ang kasal and that's my plan I really need this company ngayong may sakit si daddy.

"Hon.. mabuti naman at nagbago ang isip mo. Madali lang naman akong mahalin eh hindi ka mahihirapan.."
Sabay hilot nya ng mga balikat ko.

"Yeah. I know napag-isip-isip ko din na bigyan ng chance ang relasyon natin ngayong mag-asawa na tayo"
At ngumiti ako sa kanya agad nyang idinampi ang labi nya.

"Mukhang tuta si Fiora kanina did you look at her innocent face? Nakakaawa"
At tumawa siya. Napatiim-bagang ako pero di ko pinakita sa kanya.

"By the way aalis na muna ako may aasikasuhin din ako sa office"
Sambit nya. At tumango lang ako .
Pag-alis nya ay sinuntok ko agad ang table ko. Agad na kinausap ko ang secretary ko.

"Did you see Fiora?"
Tanong ko.

"Uhm ang huli ko po siyang nakita nung nasa cr sya umiiyak po yata tsaka tinanong ko pa nga kong ok ba sya tumango lang siya nagpaalam na lang ho siyang umuwi. Umalis na ho kasi ako pagkatapos"
Di na ko nakaimik pa kaya agad akong umalis ng office.

Fiora's pov

Umuwi ako sa bahay. Babalik naman ako mamaya-maya parang sumama kasi ang pakiramdam ko bigla kasing sumakit ang ulo ko. Humiga lang ako habang yakap-yakap ang unan ko. Para kasing ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ipinikit ko ang mata ko at pinabayaang atakihin ako ng antok .
-------

"Is she okay? She looks so pale nakainom ba sya ng gamot kanina tita bering?"

"Hindi eh. Di kasi yan sanay uminom ng gamot iho"
Napamuklat ako ng mata pero di ko kasi maklaro ang mga mukha nila.

"J-jerome"
Sambit ko.

"Si marcus yan anak."
Napabangon ako at sinapo ang ulo ko masakit padin e.

"Just rest. Ano pang masakit sayo?"
Pag-aalala nya sakin.

"Wala yong ulo ko lang"
Sabi ko.

"Sure? Uminom ka kaya ng gamot."
Alok nya pero umiling lang ako.

"Inom ka nalang ng tubig"
At inalalayan nya akong uminom ng tubig. At humiga parang gusto ko pa uli matulog.

"Magpahinga kana lang iha wag kana sigurong pumasok sa trabaho mo, magluluto muna ako ng pagkain"
Paalam naman ni Nay bering.

Naiwan kaming dalawa sa kwarto ko.

"Sorry"

"Sorry"
Sabay naming sambit. Kaya napangiti nalang ako.

"Im really sorry If I act like a lunatic boyfriend even its not. I know Im the one ask you to be my friend I think I overreacted"
And he laught bitterly.

"But I used to it. To be alone, I really get attached to a person na nakakatagal sakin kaya sorry talaga kong nasakal kana sakin"
Awa ang nakikita ko kay Marcus maybe he didnt mean it.

"Im really sorry Marcus about what I said. Sorry talaga naging mabuti kang kaibigan sakin and Im really thankful for that."
At hinawakan ko ang kamay nya napatingin din siya sakin ngumiti lang ako pero nagulat ako ng hinawakan nya ang mukha ko at inilapit sa kanya nagdampi ang labi namin.

Pero ang mas nakakatakot ay nakita ni Jerome ang pangyayari habang sumusunod sa kanya si Nay bering. May hawak pa itong mga bulaklak at chocolates halos maputol ang hininga kong tiningnan sya pero namumutawi sa mga mata nya ang bagsik ng galit.

--------------
Oh ha! Hahaha. Nakakainis! Nano tana akon nga mego ah! Addict man sa wattpad! Hahaha.
(Boyfriend kong addict din sa wattpad xD P.S I love you bebeh :* )

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon