Chapter 31

4.4K 91 2
                                    

Napagdesisyonan naming mag-malling dahil namimilit talaga siyang bumili kami kahit kakaunting gamit ng baby. Exited din ako kaso masasayang yong bibilhin namin kong hindi naman talaga lalaki yong baby pano kong babae? Nandito kami ngayon sa isang baby shop. Kong saan maraming mga gamit ng baby ang mabibili dito. Naglakad-lakad kami at tumingin-tingin ng mga damit.

"I want to buy this. See? It's really cute"
Tukoy niya sa isang t-shirt na panda ang cute nga. Ngumiti nalang ako sa kanya at nilagay niya sa cart namin. Kumuha siya ng mga napakacolorful naman na pwedi din kong maging babae man ang baby ko medyas, onesies, mittens at newborn hats. Napahinto ako sa isang baby jumpsuit na plain white at ang nakalagay ay 'I love dad He's my Hero' ng akmang kukunin ko yon ay may humablot din nun kaya agad akong napatingin sa kanya at di ko akalaing magkikita kami dito, sa isang baby shop pa talaga napadako ang mata ko sa umbok ng tyan niya. She's also pregnant at halos matumba ako sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba.

"Let's go. Nabayaran ko na ang la--"
Napahinto din si Marcus sa pagsasalita at umakbay sakin halos mabiyak ang puso ko ng dumating ang di ko inaasahang makita.

"Oh Hi"
Sambit ni Gea. Nakakatakot ang aurang nakabalot kay Jerome kaya mas lalo akong dumikit kay Marcus. Naputol ang titigan namin ng dumating samin ang isang sales lady.

"Ma'am ano pong problema?"
Nakahawak pa pala kami sa mumunting damit na yon.

"May another stock pa ba kayo nito? Yung kulay pink?"
Tanong ni Gea sa sales lady.

"Wala na po ma'am limited stock lang po kasi yan kaya yan nalang po ang natira"
Magalang na sambit ng sales lady. Napairap si Gea sakin at di pinapahalatang inuunti-unti niyang hinihila ang kapiraso ng damit na yon pero di ko padin binitawan nagsukatan kami ng tingin.

"A-ah e-eh ma'am.. may meron pa po kaming mga magaganda dun na Jumpsuit"
Sambit ng sales lady na damang-dama siguro ang namumuong tensyon saming apat.

"But I want this!"
Singhal ni Gea.

"But Im the one who first see it!"
Hila ko naman.

"A-ah e-eh ma'am ano ho kasi baka mapunit po yong d-damit."
Awat naman ng sales lady.

"Oh. Sayong-sayo na yan! Isaksak mo sa baga mo! Alam ko naman kasi ang ugali mo mahilig kang mang-agaw hindi ba? Ako kasi yong taong mapagbigay at kahit saang lugar di ka nababagay!"
Binitawan ko ang damit na yon at muntikan na syang matumba pero inalalayan siya ni Jerome gaganti pa sana siya pero itinago ako ni Marcus sa likod niya at tiningnan kami ni Jerome ng masama. Wow ha? Magsama sila. Hinila na ako ni Marcus papalayo sa shop na yon at lumipat kami ng ibang mall. Napabuga ako ng hangin sana wag namang pumangit ang anak ko. I can't stop frowning. How dare she! How dare silang dalawa! Bwesit! Di ko matatanggap na maging kapatid ng anak ko ang anak ng babaeng yon! Di pweding mangyari yon! Hindi! Ang kapal talaga ng mukha ni Jerome! Hindi lang ako ang binuntis niya pati pa talaga si Gea?! Fvck him! Magsama sila!

"Hey.. stop frowning. Papangit ang baby gusto mo ba yon?"
Sabi niya habang nagmamaneho. Nag- Inhale and exhale ako para maalis ang pagkakunot ng noo ko.

"I just can't believe it!"
Singhal ko.

"Even me. Posible naman talaga kasing mangyari yon dahil sa.. mag-asawa sila"
Sagot ni Marcus. Napasimangot ako sa naisip posible nga naman talaga masaya sila at mukang mahal niya si Gea. He even look at me with his darkest look na parang kakainin niya ko ng buhay dahil muntikan ng matumba ang asawa niya and yes, Im his fvcking mistress pero dati yon. Pinagsisihan ko na ang lahat ng mga nangyari samin kong sana di ko siya pinatawad , kong sana di ko siya hinayaang makuha ang gusto niya. Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya! Im hoping na ipagtatanggol niya din ako laban sa demonyita niyang asawa pero hindi eh! Naimpluwensyahan na nga talaga siya ng babaeng yon! Hindi na nga talaga siya ang Jerome na nakilala ko.

"You're still beautiful even you seems so pissed off"
At napatawa ako sa sinabi niya ang lakas niya talagang mambola.

"Let's forget about them shall we?"
Tanong nya at tahimik akong tumango. Nagpatuloy padin kami sa pagbili ng mga kakailanganin sa nursery room ng baby ang crib at mga pintura pati mga designs. Kaya mga dapit hapon na kami natapos.

"Are you tired?"
Tanong niya habang naglalakad kami palabas ng mall.

"Hindi naman masyado"
Sagot ko.

"Come here"
At niyakap niya ako mula sa likod habang naglalakad kami palabas ng mall. Hinayaan ko lang siya he rested his head on my shoulder at hinawakan ang tyan ko. He's really sweet na kahit ano gagawin niya. Alam niya kong paano ako papatawahin at alam nya kong hanggang saan lang siya.

"Bakit nyo pinag-agawan ni Gea kanina yong damit? Yong may nakalagay na 'I love dad He's my Hero' you really want to buy it?"
Tanong niya. Namula ang mukha ko ang cute kasi nun eh tsaka dahil talaga sa kanya kaya natipuhan ko yon. May iniabot siyang paperbag sakin kaya agad ko namang binuksan yon laking gulat ko ng yong jumpsuit na yon ang naroon kaso kulay itim na sya.

"San mo to nabili??"
Manghang tanong ko.

"I have my sources. My dear Queen"
And he kissed my forehead.

Jerome's pov

Nilaklak ko ang bote ng whisky at nagsisigaw sa rooftop. Like I wanna jump instead pero naisip kong may anak nga pala ako. Im not that selfish to end my life na may rason pa ko para mabuhay. I groan in frustration what I have done? I want to give up I want to fvcking move on with her! But everytime I try I just can't. Napahawak ako sa ulo ko at itinapon ang boteng yon. Marcus is so damn lucky with her. Magkakaanak nadin sila di ko matatangging naiinggit ako at naiinis ako at the same time. The way Marcus hold her, the way Marcus look at her nagngingit-ngit ako sa galit. Im the one who hold and touch her like that Im the one who treat her that way. But I know I have no rights how many times did she forgive me? How many times did I hurt her? How many times I neglect her? I lost count and it's fvcking hits me back.

Fiora's pov

Nagising ako sa mumunting ingay sa kabilang kwarto at nakita kong bakante ang higaan kong saan natutulog si Marcus. Kinuha ko ang robe kong nakasabit sa likod ng pintuan at sinundan ang mumunting ingay na yon napahinto ako sa kwarto na kong saan sabi ni Marcus ay gagawin niyang nursery room ng baby ko. Napasandal ako sa pinto ng nakita ko siya doon. Wala siyang pang-itaas na damit pero nakapantalon siyang prenteng nakaupo sa crib at tila may inaayos duon pawis na pawis na ang buong katawan niya napagala ang mata ko sa kabuuan ng kwartong yon malaki din pala ito at kulay brown ang pintura ng mga pader at marami pang mga desenyo isa lang ang masasabi ko ang ganda ng pagkakaayos niya ng mga gamit dito.

"Did I wake you up?"
Tanong niya habang nagpunas siya ng pawis.

"Sorry. I just can't sleep kaya ginawa ko nalang to paunti-unti"
Sambit niya. Pumasok ako sa luob para tingnan ang ginawa niya ang ganda na ng crib. Ang ganda talaga ng kinalabasan.

"Wow. Ang ganda Marcus.."
Bulalas ko habang sinuyod ko ng tingin ang kwarto.

"Thank you talaga. Super thank you"
Pasasalamat ko sa kanya. Abot tenga ang ngiti kong humarap sa kanya. He cupped my face and planted his lips to mine.

--------

Yey. Ok na ko kahit nakaabot lang siya ng 900 readers. Hahahaha. Thank you talaga ng madame. 😂😍

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon