Chapter 19

5.2K 87 4
                                    

Inalalayan din ako ni Manong Oca na ilabas lahat ng dala ko. Marami din kasing pinamili si Gea na damit para sakin kahit di ko naman gusto. Binilhan nya din ako ng nighties kasi para pareho kaming dalawa color red ang akin at black ang kanya at kong ano-ano pa na di ko naman talaga magagamit may merong dress na halos hapit na hapit ang bewang ko at ang dibdib ko kaya pinaalis nya muna si Marcus habang namimili kami kanina.

"Salamat po manong ha"

"Walang anuman ma'am"
At sumakay na ito sasakyan at agad na umalis. Naiwan ako sa harap ng pintuan sa bahay. Nabigla ako sa biglaang pagbukas ng pintuan sa likuran ko.

"Ay Itlog ng kalabaw! Anong ginagawa mo dyan iha? Ba't di kapa pumasok??"
Gulat na tanong ni Nay bering. May dala syang supot ng basura.

"Sorry po nay. Hehe papasok na po ako"
At agad kong binitbit lahat ng dala ko. Salumpak kong itinapon ang mga dala ko sa kama. Agad naagaw ng pansin ko yong package na yon na pinadala ni Jerome sakin agad kong binuksan yun. Nanlakihan ang mata ko sa nakita kinuha ko ang dress na yon at isinukat sa katawan ko habang nakaharap sa salamin. Umikot-ikot ako . Sh*t ang ganda!! Niyakap ko pa ito ng mahigpit at humiga sa kama ko iniangat ko uli ang damit at tiningnan ang mahal siguro ng mga diamond na to kahit maliliit lang sila above the knee ang haba nito sakin at maninipis ang long sleeve nito na kita ang balat ko kapag isinuot ko kulay berde ang ganda ng tabas ng tela halatang mamahalin. Tumayo ako sa kama at nagtatatalon sa kama ko na parang teenager habang yakap ko padin ang damit na yon napahiga ako uli at humagapak ng tawa kahit napapalitan na ito ng kakaunting hikbi. Kelan pa ba sya magiging akin? Yong akin lang sya. Yong hindi ako makikihati sa iba? Ikakasal na sya bukas.. pero ito wala manlang akong nagawa hahayaan ko nalang ba? Mahal ko sya sabi nya mahal nya ko. Bakit ganun? Bakit sa bestfriend ko pa sya ikakasal? Ang lapad-lapad ng pilipinas pero bakit sila pang dalawa? Mahal ko ang taong mahal ng bestfriend ko. Napakabuti sakin ni Gea para sirain ko ang relasyon nila. Bumangon ako at pinunasan ang luha ko siguro pagkatapos ng kasal nila ay babalik ako sa pampangga at doon nalang magtra-trabaho. Mabuti ng ganito napalaki ng utang na luob ko kay Gea at di ko mapapatuloy ang ganitong sitwasyon yeah. I've been a slut, or a bitch either. Nakipagtalik na ko sa magiging asawa nya at nagtrabaho pa sa kompanya nila sobra-sobra na siguro to.

Agad kong inayos ang mga gamit ko at inilagay sa maleta. Gusto ko bukas ay makapag-unwind ako at makagala-gala sa boracay gusto kong makapagsurfing manlang. Pagkatapos ng kasalan ay didiretso na ako sa pampangga kinaumagahan.

"Hey bunso. Saan ba punta mo?"
Tanong sakin ni Kuya Aero na kakarating lang galing sa sariling opisina nya nakasuot pa ito ng polo at naka-necktie pa na nakasandal sa pintuan ko.

"Kasal na ni Gea sa isang araw kuya. Sa bora daw ihe-held ang kasal nila kaya dapat bukas ay nandoon na kami"

"Akala ko matagal pa yang kasalan nila? Ay oo nga pala pinapabigay to ni Nay bering sayo invitation nga ng kasal nila di ko na yan pinagkaabalahang buksan baka batukan mo lang ako"
Itinapon nya yon sa ibabaw ng kama ko kaya agad ko yong kinuha. Best man nga pala si Marcus! So it means? Partner ko sya sa entourage?!

Marcus Pov

I throw a big rock on my car. At agad na nasira ang windshield nito habang nag-aalarm pa nasa bahay ako mabuti at wala si mom nahintakutan na nga lahat ng mga maid namin dahil ayuko talagang magpapigil.  But Hell I care! agad kong nilaklak ang dala kong alak at nagpasuray-suray sa harapan ng sasakyan ko agad kong binato uli yon ng bato halos sunod-sunod nga at walang tigil ang alarm nito. Nadatnan kong may paparating na sasakyan pero lumaklak lang ako uli sa bote at ng naubus ay binato ko uli sa headlights nang sasakyan ko. Fvck this life. Lahat nalang ng tao ay lumalayo sakin I felt so invisible. Wala na yatang magmamahal sa isang katulad ko damn! Kailangan ko ding masaktan si Jerome para makabawi ako sa galit at sakit sa ginawa nyang pagkuha sa babaeng mahal ko! At sa pagkuha ng lahat-lahat sakin! Bakit palagi nalang ang gagong yon ang pinapansin nila! Lahat na ginawa ko para mapansin ako! Nagpatayo ako ng sariling business ko na di humihingi ng tulong sa mga magulang ko but why?! Lahat nalang ng taong nasa paligid ko gusto sya. Why not me?!
Narinig kong nagbukas ng pinto ng kotse ng kung sino man ang taong yon pero di ko siya nilingat sinuntok-suntok ko pa ang harapan ng sasakyan ko hanggang sa dumugo ang kamao ko napatigil nalang ako sa isang kamay na nagpigil sakin.

"Marcus! What are you doing?!"
Nakita ko si Gea na pilit pinipigilan ako pero naiwan lang akong nakatitig sa kanya. Ito yong babaeng lagi kong dinadasal na mapa'sakin bakit ang gago ko pang kapatid ang ginusto nyang mahalin? Hinaplos ko ang mukha nya pero agad nya tong iwinaksi.

"Stop it Marcus! Are you crazy?! Arrgh! Amoy alak ka! Ang baho!"
Masungit nyang singhal sakin. Pero naiwan lang akong  nakatitig sa kanya.

"A-alam mo ang g-ghanduh mo t-talaga"
Pautal-utal kong sambit sa kanya at umakbay sa kanya.

"Ano ba! Marcus! Andito ba si Jerome?"
At agad nyang kinuha ang kamay ko sa balikat nya.

"Buhkit mo sya dito hinahanap?? Since ng nagkaroon nah kayuh ng bahay di na syahh pinapayagan ni mommy umuwi dito"
At napahawak ako sa balikat nya dahil nahihilo na ko. Dahil nadin sa bigat ko natumba kaming dalawa.

"Ano ba Marcus ang bigat mo! Saan na ba mga katulong nyo dito?! Manang?! Help here!!"
Sigaw nya at agad na tarantang tumakbo palapit samin si Gina ang baguhan naming katulong. Pinagtulungan nila akong iakyat sa kwarto ko naramdaman kong sumalampak ako sa kama pero pikit kong kinuha agad ang t-shirt kong suot dahil ang init-init ng nararamdaman ko narinig ko syang napasinghap pero humiga lang ako uli.

Gea's pov

Napasinghap ako sa limpak-limpak na abs nyang nakabalandra sa harapan ko. May meron din nito si Jerome pero ngayon ko lang nakita ang kay Marcus humiga sya uli lumapit ako sa bandang uluhan nya pikit na ang dalawang mata nya at mahimbing na yata syang natutulog di naman siguro masama kong may kagagahan lang akong gagawin hindi ba? Tulog naman sya eh. Kinuha ko ang dalawang sapatos nya sa paa, pawis na pawis ang buong katawan at may sugat-sugat ang kamao nya. Matagal ko syang tinitigan.

"Ay maam. Eto na po yong bimpo"
Sinungitan ko sya ng tingin at agad kong kinuha ang bimpo at pinaalis sya. Pinunasan ko ang mumunting butil ng pawis sa noo nya hanggang ang dibdib nya. Napakagat lang ako ng labi habang nanginginig ang mga kamay kong kinalas ang belt nya umungol siya at gumalaw ng kaunti pero nag patuloy ako hanggang dahan-dahan ko na sanang binubuksan ang pants nya ng pinigilan nya ang kamay ko na nakahawak pa sa zipper nakaupo na sya sa harap ko at medyo antok pang nakatitig sakin. Nanginginig akong tumitig din sa kanya.

"What do you think you're doing?"
Kaba akong ngumiti finding the right words to say.

"A-ahh a-ano k-ka---"
Nanlakihan ang mata ko sa gulat ng lumapat na ang labi nya sa labi ko. I didnt do anything to stop him I just kissed him back and I dont know where this situation goes but it feels so damn good.

--------------
Success! Thank you for our ever loving major teacher! Soon we'll be like you also XOXO haha. Talumpati ✔

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon