Chapter 17

8.3K 95 2
                                    

'I hate you, I love you , I hate that I love yo--'

"Hello?"
Sagot ni Eunice sa cellphone niya. At lumabas ng office namin.

"Hello? Down to earth fiora?Hey?"
Winagayway nya ang kamay sa harap ko at agad akong napaupo ng tuwid.

"H-ha?"

"Ay di nga talaga narinig"

"Bakit?"
Kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Sabi ko lilipat kana daw ng kompanya ah? Ewan mo na kami?"

"San mo naman narinig yan?"

"Kay ma'am Gea tsaka kay Sir Jerome"
Agad akong namutla sa narinig.

"Nagtatalo pa nga sila kaso pinalabas na ko ni ma'am Gea kasi nakita nyang andun pala ako sa luob sabi nya ba naman kasi sakin na 'stay there' daw edi nagstay ako dun yon pala si sir Jerome sinasabihan nya. antanga-tanga ko nga daw eh nakakainis"
At busangot na nakaharap sakin si Karla. Pero di ko manlang alam kong tatawa ako o kakabahan.

"Fiora Jane Estorca?"
At taranta akong tumayo sa table ko.

"Y-yes?"
Secretary pala ni Gea.

"You may now leave. Doon kana magtra-trabaho kay Sir Jerome pack your things. Hinihintay kana ni Sir Jade sa baba"
At agad naman syang umalis di ko alam kong anong gagawin ko. Nanginginig ako na ewan. Napaupo ako sa table ko parang nasa state of shock padin ako. Is it okay? Baka lagyan ng malisya ni Gea to.

"Hoy girl! Mamimiss ka namin!"
Sabay yakap sakin ni Karla.

"Ikaw ha. May marcus kana nga may Jerome pa. We will miss you dalawin mo naman kami dito minsan"
Sambit naman ni Eunice na may tonong pagtatampo nandito na pala sya. At yumakap din sakin pero wala akong naging reaksyon.

"May sakit kaba?"
Tanong sakin ni Eunice pero ngumiti lang ako sa kanya .

"Wala. Nagulat lang ako"
At tumango-tango sya.

"Ano kaya nakain ni sir kaya doon ka pinapatrabaho ano?"
Tanong naman ni Karla habang unti-unti ko ng pinapasok sa box ang mga gamit ko nakakahiya ng paghintayin si Sir Jade duon sa baba.

"D-di ko alam"
Iwas kong sagot at nagpatuloy sa pagliligpit.
Nagpaalam na ko sa lahat ng mga kasamahan ko sa office at lumabas na ng building na yon ni hindi ko naaninag kahit anino ni Gea ng opisina nya.

"Hi ma'am"
Ito na siguro si Sir Jade na sabi ng secretary ni Gea.

"Hello po sir"
Magalang na bati ko sa kanya.

"Don't call me Sir, papatayin ako ni Sir Jerome nyan ma'am"
Napatawa ako sa inasal nya. Kinuha nya ang dala-dala kong box at inilagay sa compartment ng kotse at agad nya kong pinagbuksan ng pinto.

"Is that necessary?"
Pangiti kong tanong sa kanya habang papasok ng back seat.

"Yes ma'am"
At ngumiti lang din ito at sumabay nadin syang pumasok sa sasakyan.

"Asan si Je- I mean si Sir Jerome?"

"Nauna na po siyang bumalik sa opisina nya"
Tumango-tango ako at tahimik lang kaming bumyahe hanggang makarating kami sa building kong saan pagmamay-ari nila Jerome. Napagala ako ng tingin sa building na yon. First time ko lang nakapunta dito. Iginala ako ni Jade sa luob ng building na yon nakasunod lang ako sa kanya pero napahinto ako ng naalala ko ang mga gamit ko sa compartment ng kotse.

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon