Chapter 3

11.4K 119 0
                                    

Nagmumukmuk ako sa kwarto ko buong araw di na ko kumain ng lunch iyak lang ako ng iyak. Nagkalat na nga ang mga tissue sa luob ng kwarto ko pinauwi ko na si Rianna gusto kong mapag.isa naalala ko yong regalo ko sana sa kanyang bag alam kong wala pa to sa kalingkingan ng yaman nila pero atleast pinaghirapan ko yong ipunin. Pero sa nakita ko wala na eh walang wala agad kong tinapon yon sa basurahan sa lahat ng oras na magkasama kami  puro kabutihan at pagmamahal ang pinakita niya sakin kong pano niya ko irespeto kaya di ko alam na makakaya nya pa akong lukohin dahil lang sa hiling nya na di ko maibigay ang alam ko di ako nagkulang at ginampanan ko naman ng maayos ang pagiging isang girlfriend niya 

Naglinis na ko ng mga kalat ko sa bahay at inayos ang mga gamit ko ngayon na kasi ang dating nila mama galing pampangga.

//BEEEP! BEEEEP!//

Andyan na nga sila at dali-dali kong binuksan ang gate.

"Ma!Pa!KUYAAAS! I miss you all!"
At nag-group hug kami ito na yon eh ito ang pamilyang pinanghuhugutan ko ng lakas ngayon.

"Kamusta ka dito anak?? Kumakain ka ba ng mabuti?? "
Tanong ni mama. At tumango-tango ako sa kanya.

" Baka may inuuwi ka na ditong lalaki at dito na tumitira o baka na--"
At Tinakpan ko agad ang bibig ni kuya Aero kabastusan laging lumalabas sa bibig neto.

"Ano ba kuya! Grabe ka ha! Di ako ganyan!"

"Pero may boyfriend kana ano? Sino ang lalaking yon ng makilatis namin"
Sabi naman ni Kuya Jiro. At pinakita pa nilang dalawa ang kanilang muscles at nag fist bump.

"Mamaya nyo na kulitin ang bunso natin baka mapikon pa yan pumasok na tayo ng bahay"
Sabi ni papa at pinagtawanan ako nila kuya. Kaya nakapout lang ako Nakakainis na nakakamiss yong dalawang bugok kong kuya na yon hay. At agad kong sinarado ang gate ng garahe at pumasok na nga ng bahay.

"Himala bunso nakaya mong mag-isa lang dito"
Komento ng kuya Jiro ko.

"Sasunud bunso dito nadin kami titira dito nalang din kami para may kasama ka. Tsaka baka pasukin ka dito ng mga magnanakaw at ng masasamang luob tas wala manlang machong gwapo ang sasagip sayo"

"Alam nyo mga kuya ko. Ang hahangin nyong dalawa"

"Ay nako nakalimutan ko. Kunin nyo nga ang mga pinamili kong mga ipang hahanda sa graduation ni bunso"
Sabi ni mama at bumalik naman ang mga kuya ko sa sasakyan at kinuha ang mga dala roon.

///
~ Graduation ~

"Congrats sayo ateng!!"

"Congrats din sayo Anna"
Sabay ngiti ko at nagyakapan kaming dalawa mamimiss ko ang babaeng to.

"Pano ba yan maiiwan ka dito sa pilipinas sa Australia kasi ako pinapag.aral ni mommy ng college"
Sabi niya at nagpout.

"Ok lang no! May facebook pa naman at skype. Kaya lang mamimiss talaga kita"
Mangiyak-ngiyak kong sabi. At nagyakapan uli kami ng mahagip ng mata ko ang lalaking niluko ako nakatoga din siya parehas namin. Kaya agad akong napakalas sa yakapan namin ni Rianna at nakatitig lang ako diretso sa lalaking yon. Lumapit sya sa pwesto namin kaya nagpaalam na si Rianna na pupunta lang muna siya sa iba naming kaklase.

"Hey sorry about yesterday I for--"
Naputol ang sinasabi nya ng sinampal ko siya ng malakas mabuti at di na masyadong matao ang gilid ng stage pero may mga estudyanteng nakasaksi sa ginawa ko. Hinawakan nya ang pisngi na tinamaan ng palad ko at gulat na napatingin sakin pero wala akong emosyon na nakatitig parin sa kanya.

"W-what?Why did you slap me?!"
Naguguluhan niyang tanong.

"Simple lang naman nakita ka lang namin na nakikipaghalikan sa tapat ng condo unit mo. Maganda siya at dinig ko ngang sikat sya sa eskwelahan kong saan siya nag.aaral akala ko nagbago kana Jerome? Hindi pala pareho kapa din ng dati. Masarap ba? Magaling ba siya sa kama? dahil lang di ko maibigay ang laman at dignidad ko naghanap ka kaagad ng iba masakit kasi pinaglaruan mo lang pala ang nararamdaman ko sayo nakaabot man tayo ng isang taon pero puro lang kasinungan yon. Pero ngayon bumuti nang pakiramdam ko naibsan ang sakit na nararamdaman ko, oh ngayon alam mo na ? sana maging masaya ka sa kanya"
At agad akong tumalikod at umalis sa lugar na yon di ko na sya tiningnan pang muli baka hatakin lang ako pabalik ng kanyang mga mata. Marami ng nakatingin sa akin at batid kong alam na nila ang ginawa ko kanina. Nasaktan lang din naman ako kaya ko yon nagawa tapos na kong umiyak nakakasawa na mabuti at di ako pumiyok sa pagkakasabi ko ng mga katagang yon dali-dali akong pumunta sa mga kuya ko at sa mga magulang ko na busy sa pakikipag.usap sa mga magulang ni Rianna at habang ang mga kuya ko naman ay nakikipag.usap sa mga babae na nagpapacute sa kanila totoo naman kasing mga gwapo ang kuya ko nasa lahi na talaga namin.

"Kuya Aero Kuya Jiro!"
Tawag ko sa kanilang dalawa at gulat na tumingin sa amin ang mga babaeng kausap nila.

"Kapatid mo sila??"
Takang tanong ng isang babae sakin.

"Oo"
Sagot ko at umakbay naman sakin ang dalawang kuya ko. At nagsitilian sila at hinila ako.

"Ang gwapo ng mga kuya mo Fiora reto mo naman kami oh"
Pilit akong ngumiti sa kanila kasi naman eh dinudumog na ko na dapat ang dalawa kong kuya ang dumugin nila sakin pa talaga magpapareto mabuti at mabilis naman akong hinila ni kuya Aero.

"Sige alis na kami mga ladies. Sa uulitin"
At kumindat pa talaga ang kambal kong kapatid sa kanila kaya ayon halos himatayin na sa sobrang kilig. Nag.uusap padin sila mama at tita Renelyn kaya nung lumapit kami ay nabaling samin ang kanilang atensyon.

"Ang gagwapo naman ng kambal mo mare"

"Salamat po"
Sabay naman na tugon nila kuya. At nabaling naman ang tingin sakin ni tita Renelyn.

"Eh Jane asan na si Rianna? Akala ko magkasama kayo? "

"Andun pa po sa iba naming classmates"

"Ah ganon ba"

"Sige na mareng renelyn mauuna na kami"
Paalam naman ni mama. At ngiting tumango si tita renelyn at umalis na nga kami.

*End of Flashback *

"Ma'am andito na ho tayo"
nabalik ako sa sarili kong isip sa sinabi ni manong tiningnan ko ang labas ng taxi at nandito pala ako sa harap ng park sa subdivision namin ang liwa-liwanag ng park dahil sa mga ilaw na nakapalibot dito. Di ko alam kong pano ko nasabi kay manong kong san ako ibababa litaw na litaw ang isip ko ngayon. Kaya nagbayad nalang ako sa kanya at umupo sa isa sa mga bench nun at sumandal tiningala ko ang langit at nagkikinangan ang mga bituin at maliwanag na maliwanag ang buwan. Pumikit ako sandali at iwinakli ko sa isip ang itsura ng lalaking nakita ko uli kanina. Bakit ngayon pa? Bakit siya pa? Napabuntong hininga ako at inimulat ang mga mata ko ng may mukhang lalapit sa mukha ko at nakapikit din siya at aakmang hahalikan ako ngunit dahil sa gulat ay tumayo ako sa inuupuan ko kaya nagbungguan ang ulo namin. Pareho kaming napasapo sa ulo namin.

"Sh/t aw!!"
Daing nya.

"S-sino kaba?! Ba't mo ko hahalikan kanina haa?!"
Sigaw ko sa kanya dahil nadin sa sobrang inis ko sa kanya kasi ang sakit talaga ng noo ko.

"Sorry miss. Nakita kasi kitang nakapikit ang ganda mong tingnan kaya ano-- eh ahm.."
Sabay kamot niya sa batok.

"Ano???"
Inis kong tanong sa kanya.

"Wala ang sarap mo sigurong halikan"

"Aba't ang bastos neto oh! Manyak!Baka rapist ka!"
Kinabahan naman ako dahil gabi na nga pero andito ako sa park at ni walang katao-tao. Asan kaya ang mga guard ngayon bakit parang walang nagbabantay? Napabalik ang tingin ko sa lalaking di ko kilala at mukang lalapit siya sa kinatatayuan ko kaya ako napaatras. Juiceko!

"W-wag kang l-lalapit kundi s-sisigaw ako!"
Huminto din siya sa paglapit sakin ng maaninag sya ng liwanag nakita ko ang mukha at kabuuan ng katawan niya may kakisigan at maayos naman ito manamit for short is gwapo siya. Pero di ko na yon pa pinag.aksayahan ng oras ng kinuha ko sa paa ang heels ko at itinaas ko konti ang mahaba kong damit para makatakbo ng hinabol nya din ako kaya nagsisigaw ako sa park sa gitna ng damuhan ay duon ako dumaan at tumakbo ng mabilis ng tumingin ako sa likod ay parang si flash sya makatakbo kaya napasigaw pa ako ng malakas habang humihingi ng tulong. Ngunit huli na ng nahuli niya ako at napagulong-gulong kami sa damuhan habang takip ng kamay nya ang bibig ko.
Ito na siguro ang katapusan ko.

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon