Chapter 39

4.4K 81 2
                                    

Umuwi kami sa bahay. Para nadin makapagpahinga at nagpaiwan nalang muna si Kuya Jiro sa Hospital.
Agad kong maigi na inilapag sa kama ko si Jedrick na nakatulog na sa byahe at agad akong nagbihis at nagkape sa shop umupo sa harap ko si Mama. Nasa likod lang kasi ang bahay namin sa shop.

"So ano ng plano mo?"
Sambit ni mama at napabuntong hininga ako.

"Ma kinakabahan ako"
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Pero kailangan mong maging matapang. Dahil kahit di mo man gustuhin dadating at dadating ang panahong yon"
Sambit niya at hinaplos-haplos ang kamay ko.

"Ma, Di pa ako handa.. di ko alam kong pano ko sa kanya sasabihin lalo na't masyadong magulo ang mga nangyari sa amin at siguro di niya na pag-aaksayahin pang makilala ang anak niya ngayong may iba na siyang pamilya at may anak din sila sino ba naman ako di ba?"
Sambit ko at uminom ng kape ko. I gulp the lump forming inside my throat. Sa mga ilang taong nagkahiwalay kami I really want to see him happy with his family but the way I feel for him is still here wala pading pinagbago pero alam kong kahit kailan hindi na kami magkakasama pang uli. Ayuko ng sirain pa uli ang buhay niya kontento na ko sa buhay na meron kami ngayon ng anak ko.

Jerome's pov

Im on my office. Playing my pen in my hand thinking about that little kid. Parang ang lakas kasi ng pakiramdam ko sa kanya like something Im really close. Napaayos ako ng upo sa swivel chair na inuupuan ko , am I overthinking things? Pero may chansa talagang umuwi siya dito sa pilipinas and maybe the child she's carrying a years ago is mine?  arrrggh! Pero nagsama sila ni Marcus ng ilang buwan and I don't even know what happen to her now. Hinanap ko siya kahit saan pero napagod ako at nawalan ng pag-asang mahahanap ko pa siya. Is this a sign? I choose to dialled my phone and called someone.

"Yes sir?"

Sambit nito sa kabilang linya.

"Tanungin mo nga kong may Fiora jane Estorca sa list ng mga pasahero ng mga eroplano pauwi ng pilipinas and call me as soon as possible okay? It's really urgent"

"Right away sir"

Sagot naman nito at naputol na ang linya. I leave a deep sigh as I close my eyes resting my mind for a bit it was really freaking me out hahanapin ko siya kahit ano man ang mangyari. I will accept her child whatever it takes even if there is a possibility that she had my child or not. Gusto kong makabawi sa kanya gusto ko siyang mahalin hangga't kaya ko at masisigurado ko sa kanya na buo ng pagmamahal kong maibibigay sa kanya at ng anak niya. For How many years na nagkatagpo man kami at naghiwalay uli Im really hoping that this is the end of this complicated relationship we had for a long time. And I will make sure she can't go away or leave me again for the last time .

Someone's pov

Agad na iniabot sakin ng tauhan ko ang isang envelope na naglalaman ng DNA test results.  Napangiti ako ng nakita kong POSITIVE ang nakalagay doon at humarap ako sa tauhan ko bago ko sa kanya iniabot ang isang envelope ng pera laking tuwa niya namang kinuha ito.

"Maraming salamat ho talaga sir! Laking tulong na ito sa pamilya ko"

Bulalas niya.

"Sinigurado mo bang walang nakakaalam ng deal nating ito?"

Tanong ko sa kanya at galak naman siyang tumango.

"Opo sir. Wala pong nakakaalam niyan kahit si Ma'am ho"

Sambit nito. At tumango naman ako.

"Good. Salamat maari ka nang lumabas"

Sambit ko at lumabas naman siya ng opisina ko at nakita ko namang pumasok ang asawa ko habang sinusundan ng tingin ang driver namin.

"Anong ginagawa ni Erik dito? May sira nanaman ba ang sasakyan?"

Tanong niya agad ko namang patago na inilagay sa drawer ko ang envelope. At ngumiti sa kanya.

"No honey. Pinatawag ko lang siya dahil sabi ko ay tataasan ko ang sahod niya dahil ilang taon nadin siyang naging driver natin dito at halos dito na siya tumanda kaya parang kaibigan ko nadin ang taong yon"

Sambit ko naman at agad ko siyang inakbayan.

"Iniinom mo ba ang mga gamot mo sa tamang oras?"

Tanong niya sakin na nag-aalala.

"Oo naman. Hindi ko talaga kinakalimutang uminom ng gamot ko dahil gusto ko pang makita ang apo natin"

Sambit ko sa kanya at kumunot ang noo niyang tumingin sakin.

"Sino nanaman ba ang nabuntis ng mga anak mo? Na magkaka-apo na tayo? ni hindi na nga natin mahagilap ang isa mong anak at ang isa naman ay walang kinahuhumalingang babae simula ng naghiwalay sila ng naging asawa niya at hindi naman sa kanya ang batang dinadala ng babaeng yon"

Sabat niya naman kaya bumuntong hininga ako.

"Malalaman mo din kong sino yon at sigurado akong malapit na ang araw na yon"

Sambit ko sa kanya at tumingin naman siya sakin na mukang binabasa ang iniisip ko pero hinawakan ko lang ang bewang niya.

"Hay nako gutom na ako hon. Kain naman tayo sa Restaurant natin at magpapaluto ako ng pagkaing good for the heart para sa date nating dalawa"

At napatawa naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw talaga kahit matanda na tayo. You didn't fail to amuse me you still that charming man with that lovable words na may malakas na effect para makapagpakilig ng babae sa simpleng pagkakasabi mo"

Sabi niya.

"Syempre. Yan yata ang namana ng anak mo sakin"

Humalakhak siya at lumabas na kami ng opisina.


--------------------------------------

What a long day! Wala kasi akong internet for the past 2 days kaya sorry! Bawe ako. :D

Vote and comment!

Im The Mistress Of My Bestfriend husband [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon