The Prince And I

3.5K 27 3
                                    

Once, there was..

Cinderella.

Snow White.

Sleeping Beauty.

Each of them found their own prince and lived happily ever after.

Akala ni Mira na sa fairytale lang nangyayari ang ganoon, hanggang sa makilala niya si Louie.

"Isa nga akong prinsipe." Naiiritang sabi ni Louie sa kanya.

Tumawa ng malakas si Mira. "Hoy pwede ba no! Gahd you're so funny!" Napapahawak na siya sa tiyan niya kakatawa.

Kumunot ang noo ni Louie. "Ha? Hindi ko maintindihan ang huli mong sinabi. Anong lenggwahe yun?"

Nanlaki ang mga mata ni Mira. "Seryoso ka ba? Tigilan mo na nga ako ha. Kanina ka pa!"

"Ganoon ba dito sa mundo niyo? Dalawang lenggwahe ang alam niyong sambitin? Tagalog lang ang pinag-aralan ko dahil yun ang lenggwahe dito sa bansa na ito."

"You're not funny anymore." Napaayos na si Mira ng upo at tinitigan si Louie sa harap niya. "Sino ka ba talaga?"

"Sinabi ko na sayo. Isa akong prinsipe."

"Saan ka galing?"

"Sa malayong kaharian. Malayong malayo sa mundong ito."

Seryosong-seryoso si Louie at natahimik na lang si Mira. "You're joking right?"

Napakunot ang noo ni Louie. "Hindi kita naiintindihan Mira."

Lumapit si Mira lalo kay Louie at hinawakan ang pisngi nito. Gusto niyang sabihin kay Louie na tama na ang pagbibiro pero mukang totoo ang sinasabi nito. Alam niya tingnan sa mata ang taong nagsisinungaling at hindi. Pero hindi siya makuntento. Hindi siya makapaniwala.

"Prove it."

--------

Cast:

Erich Gonzales as Mira

Enchong Dee as Louie

First time eve kong magsulat ng fantasy-romance. Pagbigyan niyo ako. Bata pa lang ako nasa imahinasyon ko na to. Hahaha. 

Thank you sa lahat. :) Apat ang ongoing stories pero kakayanin naman. Naplot ko na lahat kaya pwedeng magsunud-sunod na update. Yun nga lang oras ang kalaban.

Salamat sa mga patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa Enrich. :)

- Leah :)

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon