Chapter 35: You And I Part 2

585 7 10
                                    

Chapter 35: You And I Part 2

Pagkatapos himatayin ni Louie, hindi ko na siya hinayaang lumabas ng kwarto niya hanggang maggabi.

"Dito ka na lang."

"Hindi pwede. Pag nandito ako hindi ka namamahinga. Kinukulit mo ko nang kinukulit. Mabibinat ka eh. Medyo may lagnat ka pa kaya.."

Lumungkot naman agad ang itsura ng prinsipe. Inabot niya ang kamay ko at idinampi sa pisngi niya. "Lalo akong mabibinat pag iiwan mo kong mag-isa dito."

"Hindi ka naman maiiwang mag-isa eh. May damang magbabantay sayo syempre."

"Ayoko sa kanila. Gusto ko asawa ko."

Napangiti ako sa pagmamakaawa ni Louie na parang bata. Ang hirap niya tiisin!

"Hmm..sige na nga. Basta mangako kang hindi ka na mangungulit. Matutulog ka na."

Napangiti siya ng malawak. "Sabi na nga ba hindi mo ko matitiis."

"Oo na, oo na." Pinisil ko ang ilong niya at lalo naman siyang napangiti sa ginawa ko. "Matulog ka na po mahal na prinsipe." Inayos ko na ang kumot niya. Naramdaman ko namang nakatitig lang siya sakin. Tiningnan ko siya at tama nga ang hinala ko. Seryoso siyang nakatitig. "Louie."

He smiled at me. And that smile is my favorite smile. I couldn't help but smile, too. Inabot niya ang pisngi ko. He caressed my cheek. "Masayang-masaya ako Mira."

"Ako din."

Ibinaba na niya ang kamay niya. "Patawarin mo ko sa inasal ko nung isang araw. Mira, kahit kailan hindi ko ginustong-"

"Louie, tama na. Tapos na yon. Nangyayari talaga yung mga ganung bagay. Saka..gusto ko din humingi ng sorry sayo." INapayuko na lang ako. I remembered what happened to him when I left. At hanggang ngayon, nanghihina pa rin ako pag naaalala ko. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit yon kay Louie.

"Yung tungkol sa kasal.."

Napatingin naman ako agad kay Louie.

"Sinabi ko na kay ama. Hindi ko na itutuloy ang kasal."

"Anong reaksyon niya?"

Iniwas niya ang tingin niya. At sa ginawa niyang 'yon, I knew the answer.

"Louie.."

Tumingin ulit siya sakin. "Kilala mo siya pag nagalit. Pero hayaan mo na."

"Alam ba sa palasyo na nandito ka?"

"O-Oo. Nagpapadala ng pagkain ang reyna, pero hindi pa siya pumupunta. Lalo na siguro ang hari. Malamang galit pa rin sakin yun hanggang ngayon. Pinapabalik nila ko pero hindi ako umaalis dito, kasi hinihintay kita."

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon