Chapter 19

685 6 0
                                    

Chapter 19

Pagmulat pa lang ng mga mata ko, si Louie na ang nakita ko. Nakayakap siya sa baywang ko at nakapatong ang noo niya sakin. Napangiti ako. Ang himbing ng tulog niya. Nagnakaw ako ng halik at saka siya niyakap.

He smells good, as always. I could hug him like this forever. Naramdaman kong niyakap niya pa ko lalo. Napangiti na naman ako. Nagising ko siya.

"Prinsesa."

Humarap ako sa kanya at ngumiti. Medyo parang inaantok pa ang itsura niya. "Sige na, matulog ka pa. Bababa na ko para ipagluto ka ng agahan."

Ngumiti siya ng bahagya at lalo akong nilapit sa kanya. "Magandang umaga."

"Magandang umaga din. Bababa na ko ha? Matulog ka pa. Antok ka pa eh." Biro ko sa kanya.

"Ayos lang ako. Isa pa, hindi pa naman ako nagugutom. Gusto mo ako na lang magluto para sayo.."

Umiling ako. "Ayoko ngang kumain ng sunog."

Natawa siya. "Wala ka talagang bilib sakin. Pero sige na nga."

Hinalikan niya ko ng mabilis sa labi. "Samahan kita."

"Hindi ka na talaga inaantok?"

"Hindi na.." He kissed me again. And this time, matagal. And as always, nawawala ako sa mga halik niya.. Pero humiwalay na din ako agad.

"Louie.. Anung oras na.." Natatawa ako sa kanya kahit papaano. Aba umaga na. Alam ko patutunguhan nito.

Pero ayaw magpapigil ng magaling kong asawa. He is still kissing me.. "Louie.."

Hinarap niya ko at ang lalim ng tingin niya. "Mira."

"Mamaya na lang ulit.." At feeling ko namula ako sa sinabi ko. Bakit kahit ilang beses nang nangyari, nahihiya pa rin ako sa kanya?

Napangiti siya. "Okay." Nagpipigil siya ng ngiti. "Sabi mo yan."

Tumango ako na namumula pa rin yata ang mga pisngi ko. Aah! Louie!!

***

"Saan ka ba nagpunta kahapon?" Tanong ko kay Louie habang kumakain kami. Hindi ako makakain masyado. Pinagmamasdan ko lang siya kumain. Muka siyang hindi kumain mula kagabi.

"Sinundan kita sa palengke, pero hindi naman kita makita dun."

"E kasi sa malapit na grocery store na lang ako pumunta.."

"Sa susunod Mira, sana-"

"Pangako. Hindi na mauulit."

"Paikut-ikot ako doon hanggang may biglang gulong nangyari. Meron daw babaeng nasagaan sa may gitna ng palengke. Kinabahan ako. Hindi ako nagdalawang-isip na pumunta dun pero di ko na nakita kung sino yung naaksidente. Isinakay na siya sa sasakyan. Hindi ako mapakali noon at kabang-kaba ako..na baka ikaw yun." Lumungkot ang mga mats niyang nakatingin sakin. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Pinagtanong ko kung saang ospital dadalin yung naaksidente, at pumunta ako dun agad. Naghintay ako sa labas ng kwarto kung saan siya inooperahan. Takot na takot ako Mira. Na baka ikaw ang babaeng yun. Hindi ako umalis. Gabing-gabi na nung nakapasok ako ng kwarto, at nalaman kong hindi siya ikaw. Nawala ang tinik sa dibdib ko. Nagmadali akong umuwi.."

Nginitian ko siya. "Naiintindihan ko na, Louie."

"Patawad, prinsesa. Hindi ko sinasadyang pag-alalahanin ka.."

Umiling ako. "Ano ka ba, wala ka namang ginawang masama sakin."

"Pero umiyak ka na naman dahil sakin."

"Louie."

"Mira, gusto ko ulit humiling sayo.."

"Kahit ano, Louie."

"Gusto kong sumama sayo.. Sa lahat ng pupuntahan mo. Ayoko nang nawawala ka sa paningin ko."

"Kahit sa CR, sasama ka?"

Napangiti siya sa biro ko. "Bakit? Gusto mo ba? Ayos lang din sakin kung gusto mo ko isabay sa paliligo."

"Louie!!" Pinalo ko siya ng marahan sa dibdib. "Ikaw talaga.." Natatawa ko na namumula sa mga sinasabi niya.

"Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Kumain na nga tayo." Ngising-ngisi pa rin siyang kumakain!

***

Day 99

"Mira, nakabihis ka na?" Kanina pa kumakatok sa pintuan si Louie.

"Bababa na ko. Sandali na lang."

"Osige. Hintayin kita ha?"

"O-oo."

Narinig kong pababa na ng hagdan si Louie. Napaupo na lang ako sa kama at natulala. Kanina pa ko namimili kung anong susuutin ko pero wala akong magustuhan. Wala kasi ako sa sarili mula pa kaninang umaga.

Paano namang hindi? Bukas na ang araw na kinatatakutan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Inaya ako ngayon ni Louie na lumabas kami para mamasyal sa nalalabing oras na magkasama kami, pero wala akong gana.. Parang lalo lang akong malulungkot. Sh*t. Iniisip ko pa lang nangingilid na luha ko. Pero pinilit ko na lang na ayusin ang sarili ko. Tumayo na ko at pumili na lang ng kahit ano.

***

Pagbaba ko sa sala, nakita kong tutok na tutok si Louie sa panunuod ng tv. Ni hindi niya napansin na nakababa na ko ng hagdan. "Louie."

Napatingin siya sakin. "Mira.." Ngumiti siya.

That smile..

No.. Not now, Mira. Hindi sa harap niya. Don't make this hard for the both of you.

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak. Lumapit ako kay Louie at tumabi sa kanya. Niyakap ko siya. Nabigla naman siya sa ginawa ko.

"P-prinsesa.."

"Louie.."

Niyakap niya din ako habang nakasandal kami sa sofa. "Anong problema?" Hinimas-himas niya ang buhok ko.

Umiling ako. "Pwede bang dito na lang tayo? Gusto lang kitang makasama.. Gusto kita yakapin magdamag."

"Mira.."

"Sige na naman oh. Ako naman ang hihiling sayo.."

Hinarap niya ko. Ang lungkot ng tingin niya sakin. Inipon ko ang lakas ko para lang wag tumulo ang luha ko. "Oo Mira. Ikaw ang bahala."

Tumango ako. Niyakap ko siya ulit. "Pano na lang pag di na kita mayayakap ulit ng ganito.."

Humigpit ang yakap niya sakin. Hinalikan niya ang buhok ko. "Wag ka nang mag-isip.."

"Louie.. Bukas na.."

"Ssh.."

"Natatakot ako. Sobra.."

"Ako din.. Pero Mira.. Ayokong ganito tayo.. Gusto kong magagandang alaala ang babaunin ko sa pagbalik ko. Gusto ko, ngiti mo ang huli kong makikita. Ayokong maging malungkot.. Mira.."

Niyakap ko pa siya lalo. At hindi ko na napigilan ang luha ko.

- to be continued -

March 19, 2014

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon