Chapter 17

755 8 0
                                    

A/N:

Hindi ko alam kung anong meron sa Wattpad at kahit sangkatutak na paragraph spaces ang gawin ko, pag napost eh walang spaces. Kaya yung iba nilagyan ko na lang ng asterisk para ibig sabihin ibang scene. 

Salamat po sa pagbabasa :)

Chapter 17

Day 90

“Where are you going?”

Napangiti ako bigla sa tanong niya. Saktong lalabas na ko ng pinto humabol pa ang prinsipe.

Nilingon ko siya. “To the market. Why?” Eto ang kalokohan naming araw-araw.

Nakita kong napaisip siya sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya na parang nag-iisip. “W-Why.. Why. Hmm.”

Natawa na ko sa kanya. “Why, ibig sabihin bakit.”

Napangisi siya. “Ahh! Alam ko kaya. Inunahan mo lang ako. Tingnan mo ngang nag-iisip pa eh.”

“Hay Louie.” Nilapitan ko siya at hinalikan ang pisngi niya. Napangiti naman siya, kaya napangiti din ako. “Good morning.”

“Good morning.” Nasasanay na talaga siya mag-English. Ikaw ba naman ang araw-araw kung magbasa ng dictionary? Tapos ang tali-talino pa nitong si Louie kaya mabilis lang makapagmemorize at pati nga grammar napipick-up niya agad.

Ang tagal na din ng lumipas na mga araw na kasama ko siya. Sa sobrang saya ko sa piling ni Louie, hindi ko na namamalayan na malapit na malapit na ang araw na.. Ugh. Wag mong isipin Mira. Wag.

Yumakap ako sa baywang niya habang nakaharap sa kanya. “Dito ka lang ha? Mamimili lang ako sa palengke.”

“Bakit di mo ko ginising? Para masamahan kita.”

“E hindi na. Ang himbing ng tulog mo eh. Saka kaya ko na naman. Kaunti lang naman bibilin ko. Mabilis na mabilis lang.”

“Basta mag-ingat ka.”

“Opo, kamahalan.” Ngiti ko sa kanya at hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. “Love you.” Napangiti siya sa sinabi ko at saka ako tumalikod para umalis na sana, pero nagulat ako nang hinila niya ko pabalik sa kanya. Hinalikan niya ko ulit. Hindi naman ako nakapalag dahil kinulong niya ko ng yakap. (Gusto mo naman, Mira.)

Bumitaw ako pagkatapos ng ilang segundo at hinarap ko siya. Nakatingin siya ng malalim sa mga mata ko na halos matunaw ako sa titig niya. “Louie..”

Niyakap niya ko bigla. “Mahal na mahal kita Mira.”

“Louie..” Pilit kong kumakawala sa yakap niya para maharap ko siya pero ayaw niya kong bitawan. “Uy Louie..” Hanggang sa sumuko na ko sa paglaban sa yakap niya. Niyakap ko na lang siya at hinimas-himas ang likod niya. “May problema ba?”

Naramdaman kong umiling siya. “W-Wala naman. Gusto ko lang sulitin yung mga ganitong panahon na nayayakap pa kita.”

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Pinilit kong magpakatatag nitong mga nakaraang araw pero kapag naman ganitong siya na ang magsisimula ng usapan, paanong hindi ako maapektuhan?

Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos noon. Niyakap ko na lang siya, and tried my best…not to cry.

Naisipan kong bumaba na lang sa grocery store at doon mamili. Naalala ko kasing wala pala sa palengke yung isang bibilin ko. At saka mabuti na rin dahil mas malapit to sa bahay. Habang namimili ako, ang isip ko wala doon. Parang naiwan ko yung kaluluwa ko sa bahay. Pakiramdam ko tuloy nagsisisi ako na hindi ko isinama si Louie.

Pagkatapos ko mamili, naisipan ko ding bumili ng siomai. Syempre paborito yun ng mahal na prinsipe. Hindi pwedeng hindi ako bumili. Dinamihan ko nga yung siomai pero sure akong kulang pa sa kanya yun. Kaya nga kahit gusto ko kumain di na ko humahati eh. Binibigay ko pa sa kanya. Nakakatuwa naman kasi siyang pagmasdang kumain.

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon