Chapter 38: The Choice

537 8 4
                                    

Chapter 38: The Choice

“Louie..”

Pinapatayo na ko ng mahal na reyna pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan si Louie. Alam kong hindi na siya magigising pa, pero parang akong tangang umaasa.. Na magsasalita ulit siya. Na tatawagin niya ang pangalan ko. Na ngingiti siya sakin, at pupunasan ang luha ko para sabihing huwag na kong umiyak.

“Tama na Mira..”

Dumating na ang mga kawal at kinukuha nila si Louie sa pagkakayakap ko pero hindi ko siya binibitawan. “Louie..”

“Mira..” Mahinang sinabi ng hari, pero alam kong umiiyak din siya.

At dahil ayaw kong bitawan si Louie, ilang saglit lang, kinuha na nila siya sakin nang sapilitan. “Louie!!” Nawalan ako ng lakas. Ang hina-hina ko sa oras na to. Hindi ako matigil sa pag-iyak, at puno ng dugo ang magandang damit na suot ko. Ramdam ko ang tinginan sakin ng mga tao sa palasyo.

“Prinsesa..” Dinig ko ang lungkot sa mga boses nila. Pero pakiramdam ko, ako ang pinakamalungkot na tao ngayon sa buong mundo, at hinding-hindi na ko sasaya kahit kailan. Not without Louie beside me. Not without my prince.

Hanggang sa bigat na bigat na ang loob ko at gusto kong lumayo sa lahat. Tumayo ako at tumakbo palabas ng palasyo. Tinawag ako ng mahal na reyna at hari pero hindi ako lumingon. Tuluy-tuloy ako sa pagtakbo palabas habang umiiyak. Wala akong pakialam sa mga tumawag sakin. Pakiramdam ko mag-isa ako.

At nang makarating ako sa hardin, napatigil na lang ako sa paglalakad dahil sa pagod. Hinihingal ako habang umiiyak. Sikip na sikip ang dibdib ko, na halos gusto kong mamatay dahil sa sakit.

Bakit Louie? Bakit mo ko iniwan? Sabi mo walang iwanan. Nangako tayo sa isa’t isa. Nangako kang tayo hanggang huli..

“Mahal na prinsesa.”

“Iwanan niyo ko.. Gusto kong mapag-isa..”  I cried and cried.

“Mahal na prinsesa.” He repeated.

Tumalikod na ko para harapin kung sino man siya. “Gusto kong mapag-isa!!”  I just don’t care anymore. Gusto kong sumigaw ng sumigaw hanggang mawala tong sakit na nararamdaman ko. Tinalikuran ko siya.

“Kaya kong buhayin ang prinsipe.”

Natigil ako sa pag-iyak at paulit-ulit kong narinig sa isip ko ang sinasabi niya. Unti-unti ko siyang hinarap. “A-anong-”

“Nabago ang nakasulat sa tadhana nang pinili mong sundan ang prinsipe mula sa mundo niyo.”

“H-ha.. P-paanong.. S-sino ka?”

“Ako ang mahikerong nilapitan ng hari at reyna upang dalin kayo ng iyong ina sa kabilang mundo. At ako din ang mahikerong hinilingan ng prinsipe upang sundan ka doon.”

Unti-unti akong lumapit sa kanya. “Anong sinabi mo kanina.. Kaya mong buhayin si Louie?”

Tumango siya. “O-oo.”

Lumawak ang ngiti ko. Lumapit ako agad sa kanya. “K-Kung ganun, b-buhayin mo na siya.. Nagmamakaawa ako.”

“Pero alam mo ang kapalit ng mahika, diba mahal na prinsesa?”

And I am desperate. Too desperate. “Kahit ano. Kahit ano para mabuhay si Louie.”

Nagbuntung-hininga ang mahikero bago magsalita. “Hindi nakasulat sa tadhana na darating ka sa mundong ito para sundan ang prinsipe. Ayon sa kasulatan, ikakasal siya kay Binibining Elise, at magiging hari at reyna sa hinaharap.”

Parang huminto ang puso ko sa sinabi niya. Pero hinayaan ko lang siya magsalita.

“Nagulo ang tadhana sa pagbabalik mo mahal na prinsesa. At para itama iyon, kailangang bumalik ka na sa mundong pinanggalingan mo.”

“At si Louie..”

“Mabubuhay siya. Ngunit kailangan mo nang bumalik. At hinding-hindi ka na maaaring tumuntong sa mundong ito. Hindi na pwedeng mabago ulit ang tadhana.” At kasabay noon, nagbukas ang lagusan. “Bibigyan kita ng pagkakataon na bumalik sa mundo niyo prinsesa. Kailangan mo nang magdesisyon.”

I know it’s the hardest decision I will make, but it was to save the life of the man I love. And I will do anything for him. Even if it will take away my happiness.

“Buhayin mo si Louie. ”

And then I went straight into the portal and never looked back.

Next thing I know, nakatayo ako sa hardin, at iyak ng iyak. “Louie..”

I sobbed, hanggang napaupo na ko sa damuhan..thinking that I would never see Louie again. And that my heart is not with me anymore. Parang tinutusok ng milyun-milyong karayom ang puso ko.

“Mira!!”

Napatingin ako sa tumawag sakin. “Mama..”

Lumapit siya agad sakin. “Anong nangyari? Si Louie? Nasaan si Louie? Bumalik na siya?”

“P-po?” Hindi ko siya maintindihan.

“Ngayon ang ika-isandaang araw niya hindi ba?”

My tears just fell. Hanggang hindi na ko tinanong ni Mama at niyakap na lang ako.

Tumigil ang oras sa mundong to habang nandoon ako sa kabilang mundo. Na parang walang nangyari.

And now..here I am, crying my heart out.

Because my heart and my whole world was taken away from me.

- to be continued -

May 27, 2014

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon