Chapter 6

994 11 0
                                    

Chapter 6

"Nobyo?!" Gulat na gulat si Rachel sa sinabi ni Louie. 

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay Louie, at kita ko namang nagtaka siya kung bakit ganun na lang ako makatingin sa kanya. 

Nanlaki din ang mga mata niya at naisip kong baka narealize na niya kung bakit ganun na lang ako magreact. "Ah eh.." 

"Grabe! Nakakahiya! Naku sorry sorry.." Hinila naman ako pabalik ni Rachel sa shop. "Ano ka ba naman bakit di mo sinabi.. Nakakahiya sa boyfriend mo! Nakakahiya din sayo!" 

Hinihingal kami pareho. Wala na kong nagawa kundi tanggapin na nobyo- este boyfriend ko si Louie sa paningin ni Rachel. Haay ano ba tong pinasok ko! 

Pagpasok namin sa shop hindi na din ako nakapag-explain dahil pumunta na siya sa may kitchen at may nagbabayad na. Nagfocus na lang ulit ako sa trabaho at pilit na inalis sa isip ko ang nangyari kanina. Bahala na mamaya! 

* * * 

Unang umuuwi sakin si Rachel kaya naman bago siya umuwi, nagsorry na naman siya sakin. Sinabi ko na lang sa kanya na wala yun sakin at wala siyang kasalanan. Paninindigan ko na lang talaga, kesa lagi niyang itanong kung anong ginagawa ni Louie sa labas. Baka kasi ang mangyari, akalain niyang stalker ko si Louie kaya lagi siyang nasa labas at nagpanggap pa siyang boyfriend ko. Naawa naman din ako sa tao. 

*** 

Pagkatapos ng trabaho, lumabas na ako agad. Tulad kanina, nagbabasa pa din si Louie. Lumapit ako agad sa kanya. "Louie." Medyo naiilang pa din ako sa kanya dahil sa nangyari kanina. 

Napatingin naman siya agad sakin at sinara niya agad ang librong hawak niya. Napansin ko ding naiilang siya dahil hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. "M-Mira. Tungkol sa kanina.." 

"Ano ka ba, wala yun." Nagsimula na kaming maglakad. 

"Hindi. Kasalanan ko. Dapat hindi ko sinabi yun. Nabigla din kasi ako. At nasanay ako dati na iyun ang sinasabi ko sa mga nagtatanong satin kaya.. Ahh ehh.. Sa susunod sasabihin kong kaibigan mo ako. Wag kang mag-alala." 

Tiningnan ko ang reaksyon niya. Diretso siyang nakatingin sa nilalakaran namin at alam kong napilitan lang siya sa sinabi niya. Hindi na lang ako nagsalita pa. 

"Mira?" 

"Hmm?" 

"Sorry." 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napangiti ako bigla. "Naks naman Louie. English!" 

Napangiti siya at tumingin sakin. Natutuwa akong makita ang ngiti niya. "Pagkatapos nung nangyari, iyun agad ang hinanap ko sa dictionary na pinahiram mo sakin." 

Natawa ko. "Ayos nga eh. Nakakatuwa ka naman. Baka isang araw mas magaling ka pa sakin mag-English ha!" 

Natawa din siya. "Hmm.. Tingnan natin." 

"Aba! Ang yabang!" Pinalo ko siya ng marahan sa balikat. 

"Hindi ka pa rin nagbabago." 

"Ha?" 

"Ang sabi ko, hindi ka pa rin nagbabago. Lagi mo din akong sinasaktan noon." Natatawa niyang sabi. 

Napatigil ako sa paglalakad. "Talaga? Hindi naman kaya masakit." Pinalo ko ulit siya ng marahan sa balikat. "Masakit ba yan? Kainis to." 

Nagpipigil siya ng ngiti. Hinawakan niya bigla ang kamay kong pumalo sa balikat niya. Unti-unting naging seryoso ang itsura niya. Hindi niya binitawan ang kamay ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Tinitingnan ko lang siya habang hawak niya ang kamay ko. Bigla siyang ngumiti. "Ang lambot pa rin ng kamay mo." Tumingin siya sakin. 

Hinayaan ko lang na hawak niya ang kamay ko. Wala akong masabi. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko ang saya-saya ko. Na ayaw kong maghiwalay ang mga kamay namin. Na gusto ko wag na siyang aalis sa tabi ko. Na sana, tumigil ang oras para sa amin ni Louie.

At pakiramdam ko, bumabalik ang kung anong nararamdaman ko noon para sa kanya. Imposible to. Imposible.

"Louie.." 

Tumingin siya sa mga mata ko. "Mira." 

"Mahal.. Mahal mo pa rin ba ako?" 

"M-Mira.." 

Nag-init ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong idea kung anong nangyayari sakin.  

Hinawakan ni Louie ang mga braso ko. Nag-aalala siya. "Mira, anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?" 

Umiling ako. "H-Hindi ko alam.." 

"Naaalala mo na ako?" 

Umiling ulit ako. "H-Hindi.. Hindi ko alam.." Tumulo na ang luha ko. Anong nangyayari sakin? Bakit bigla akong nagkaganito? 

"Mira.." 

"Hindi.. Hindi ko..." Nahilo ako bigla. Hanggang sa unti-unting nagdilim ang paligid ko...

"Mira!!!"

- to be continued - 

January 8, 2013

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon