Chapter 15

947 8 2
                                    

Author's Note:

Sorry if I wasn't able to update everyday. Gusto ko, maniwala kayo, pero busy lang talaga. And today, supposedly mag-aupdate ako tuluy-tuloy kanina. Yun talaga ang balak ko. Kaso may nangyaring di inaasahan dito samin kaya di ko natuloy.

Anyways... SALAMAT TALAGA SA INYONG LAHAT na nagbabasa ng stories ko dito. Sobrang salamat. Masayang-masaya ako pag may nakakaappreciate ng mga kabaliwan ko. Hehehe. ENRICH, thank you. I love you Erich and Enchong. Sobra. <3

Aayusin ko yung title kada chapters pag may time. Thanks!

Chapter 15

Nakakapagod na araw. Sulit na sulit ang 4th day ng honeymoon namin ni Louie dahil buong araw ang activities na sinalihan namin dito sa resort. Mula sa hiking kaninang madaling araw at hanggang ngayong kakatapos lang namin sa banana boat. Kahit ang sakit na ng katawan ko, worth it na worth it kasi ang sarap tingnan ni Louie na nakatawa at masaya. Parang siyang batang ngayon lang binigyan ng chance ng mga magulang na makalabas ng bahay para maglaro. Ang saya-saya kong makita siyang ganoon. Kung dati, nakikita ko siya bilang prinsipe - dahil sa manners niya and all, pero ngayon feeling ko normal siyang tao katulad ng iba.

When we got back to the hotel, bagsak kami pareho. Syempre kahit masaya, nakakapagod pa rin. Sa sobrang pagod ko nga, di na ko nakapagpalit at nakatulog na sa sofa. Paggising ko, may nakahanda nang juice at tinapay sa tabi ko. Napangiti ako. Pagtingin ko sa orasan, alas-otso na pala ng gabi. Tumayo na ko mula sa pagkakahiga at pumunta ng kusina to check if my husband's there, but he's not. Akala ko pa naman ipinagluluto niya ko.

"Louie?" Malakas kong tawag sa kanya pero walang sumasagot kahit ilang beses ko inulit. Napakunot na ang noo ko nang walang Louie na nagrerespond kaya naisipan ko nang puntahan siya sa kwarto para tingnan kung nandoon siya. Kumatok ako pero wala pa ring sumasagot kaya pinasok ko na.

And I was disappointed na hindi ko siya nakita doon. May kung ano na namang nanakit sa puso ko. Bakit siya umalis? Diba usapan namin walang aalis ng hindi nagpapaalam? He knows exactly how we both feel pag nawawala ang isa sa aming dalawa.

I was about to get out of the room when I heard something odd. Parang may sumusuka. And the sound came from the bathroom. Dali-dali akong dumiretso sa banyo. Kumatok agad ako sa pinto. "Louie?" Kung kaninang nairita ako nang inakala kong umalis siya ng hindi nagpapaalam, ngayon, halatang-halata sa boses ko ang pag-aalala. "Louie.."

Natigil ang pagsusuka kaya akala ko pagbubuksan na niya ko ng pinto pero nagulat ako nang sumuka siya ulit. My heart is beating fast. Ngayon ko lang siya naabutan na ganito sa tanang buhay ko.

"Louie.. Buksan mo yung pintuan. Anong nangyayari sayo?"

Tuloy pa din ang pagsusuka niya. Nagpapanic ako. "M-Mira?"

Finally. "Louie.." 

"S-Sandali lang." Narinig kong binuksan niya ang gripo. Nagmumog siguro. Nag-aalala na talaga ako para sa kanya. Binuksan na niya din ang pintuan di nagtagal. Mas lalo akong nag-alala nang nakita ko ang itsura ni Louie. Putlang-putla siya at ang lamlam ng mga mata niya. "Mira." Lumabas na siya ng CR at sinara ang pintuan, habang ako, nakatingin lang sa maputlang muka niya. Medyo parang nagtaka siya sa ikinilos ko, pero hindi na rin masyadong halata kasi ang putla niya talaga.

"Louie.." Hinawakan ko ang mga pisngi niya. Ang lamig-lamig. Nalungkot ako bigla. Hindi na din maipinta ang itsura ko. "Ang lamig mo.."

Umiling siya at pilit na ngumiti. "Wala to. Tara prinsesa, bumaba na tayo para kumain."

Hindi ko binitawan ang pagkakahawak sa pisngi niya. "Shh. Anong nararamdaman mo? Masakit ba ang tyan mo? Wag kang magsinungaling."

Halatang nag-isip si Louie sandali pero napabuntung-hininga na din. "Medyo. Pero wag mo na isipin. Baka kailangan ko lang kumain."

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon