Chapter 24

601 7 2
                                    

Chapter 24

Sa wakas ay nakarating din kami sa bayan. At syempre, tulad ng inaasahan, maraming tao dahil nga sa patimpalak na magaganap, at dahil na rin sa pagdalo ng prinsipe. At alam ko namang walang makakakilala sakin dahil sa suot ko. At isa pa, hindi talaga ako masyadong pinapalabas noon ng palasyo para makihalubilo sa mga ordinaryong tao, kaya wala talagang kahit sinong makakaalam na ako ang dati nilang prinsesa, na nawalang parang bula.

Kinakabahan ako habang naglalakad kami. Sana talaga naaalala pa ko ni Louie.

"Mira."

Napatingin ako kay Nadia na alalang-alala sa tabi ko. Ngumiti siya sakin at kumapit sa braso ko. "Wag kang mag-alala. Magtiwala kang naaalala ka niya."

Pinilit kong ngumiti. "Sana nga."

***

Ilang sandali lang, naroon na kami sa lugar ng patimpalak. Nakita kong malawak ang stage, at mayroong dalawang magagandang upuan sa may dulong gitna. At sigurado akong nakalaan yun para kay Louie at sa kung sino mang kasama niya. Naisip kong ang reyna ang kasama niya, dahil malamang busy ang hari sa panahong to.

Halatang sabik na sabik na ang mga tao manuod. Maraming mga nagtsitsismisan at nagtatawanan, samantalang ako, tahimik lang at naghihintay sa paglabas niya.

Hindi nagtagal, may lumabas na lalaki mula sa likuran. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko.

Bumati ang lalaki sa lahat ng mga nanunuod. Ipinaliwanag niya ang mga tuntunin ng patimpalak at seryoso naman ang mga taong nakatingin sa kanya, samantalang ako, nabingi sa kung anong nangyayari sa oras na yun dahil pagdating ni Louie ang hinihintay ko.

Ang dami niyang sinabi at kabang-kaba na ko. Ang tagal..

"At ang pinakamagandang mangyayari sa araw na ito.. Isang masigabong palakpakan para sa ating mahal na prinsipe! Prinsipe Louie!!"

Ramdam kong napatingin sakin si Ella. Pero nakatingin lang ako sa stage..

Hanggang sa lumabas siya.

Pakiramdam ko tumalon ang puso ko sa saya. His face.. His nose.. His lips. Everything about him.. In that moment, gusto ko nang sumugod sa stage at yakapin siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Nakangiti siyang pumunta ng stage at humarap sa mga tao, pero alam kong may mali sa mga ngiting yun. Kilalang-kilala ko si Louie. Alam ko kung masaya o hindi ang mga ngiti niya. At alam kong hindi siya masaya sa oras nato.

"Louie.."

Nangilid ang luha ko. I've missed him so much..

Umupo na siya sa nakalaan na upuan para sa kanya at tahimik na nanuod sa mga nangyayari. May dalawang kawal na nakatabi sa kanya. Paminsan-minsan, napapangiti siya, at minsan namin makikita ko na lang na seryoso siya at malalim ang iniisip.

I want to touch his face.. To hold his hand.. Gusto kong umupo sa tabi niya, and lay my head on his shoulder, tulad ng nakasanayan ko. I want to wrap my arms around him..

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Kung pwede lang na sumigaw ako at tawagin ang pangalan niya para makita na niya ko, gagawin ko, kaso ayokong magsimula ng komosyon.

Wala sa patimpalak ang isipan ko, kundi kay Louie. Kaya nabigla ako nang biglang naghiyawan ang mga tao.

"At ngayon naman, salubungin natin ang babaeng pakakasalan ng ating mahal na prinsipe, at ang kikilalanin nating reyna sa hinaharap..."

I flinched. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin ako kay Louie at nanginginig ang mga tuhod ko.

"Mira.." Humawak sa braso ko si Nadia.

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon