Chapter 7

978 9 0
                                    

Okay, bago ang lahat, gusto kong iexplain ang lenggwahe sa mundo nila Louie. Basta kahit Tagalog ang nakasulat isipin natin na ibang lenggwahe yun. Haha! Wag na nating pahirapan ang isa't isa. Salamat. Hahaha!

Labyu guys! Sino nakanuod ng M2WI? Kilig ano? Umpisa pa lang yan! :)





Chapter 7

 






May salu-salo sa mansyon dahil kaarawan ko. Pero nandito ako ngayon sa kwarto at maagang pinaakyat ni Louie dahil kakagaling ko lang sa sakit. Baka daw mabinat ako kapag napagod. Maaga akong nagpaalam sa mga bisita. Kanina pa ako kinukulit ni Ella, ang dama ko, ngunit kaibigan ko din mula pagkabata. Sabay kasi kaming lumaki. Nang namatay ang ina niya, siya na ang pumalit dito para maging dama ko.

>> (Dama - yaya)

"Mahal na prinsesa, matulog na po kayo." 

Natawa ako sa kanya. "Maaga pa kaya." 

"Mapapagalitan po ako ng mahal na prinsipe. Pinagbilin niya na siguraduhin kong natutulog na kayo. 

Napangiti ako sa sinabi niya. Si Louie talaga kahit kailan. "Wag kang mag-alala. Akong bahala sa kanya." 

"Mahal na prinsesa, kailangan niyo din pong matulog na. Inaaalala lang po kayo ng inyong ina at ng mahal na prinsipe. Kakagaling niyo lang po sa sakit." 

"Ayos na ko." 

"Pero baka po biglang pumasok ang prinsipe sa kwarto niyo at makitang gising pa kayo. Mapapagalitan po-" 

Tumayo ako sa kama at nilapitan siya. "Ikaw naman. Parang hindi naman tayo magkaibigan." 

"Mahal na prinsesa.." 

"Hmp." Inismiran ko siya. "Hindi na nga ako prinsesa, kaya Mira na lang dapat." 

"Pero po.." 

"Hay naku bahala ka nga. Sige matutulog na ko para di ka na mag-alala dyan." 

Ngumiti na din siya. "Salamat-"

Naantala ang sasabihin ni Ella nang biglang bumukas ang pinto ng malakas. Napatingin kami agad. Nagulat ako na may nakatayong lalaking balot na balot ng itim sa pintuan. Papalapit ito samin. 

Kinabahan ako. Naghawak kami ni Ella ng mga kamay at napaatras. Nanginginig kaming pareho dahil sa takot. Walang makapagsalita sa aming dalawa. 

"S-Sino ka?" 

Hindi siya nagsalita. Bigla siyang naglabas ng patalim. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "W-wag.." 

Unti-unti siyang lumapit samin. Humarang si Ella sa harap ko. "Wag mong sasaktan ang mahal na prinsesa!" 

"Ella!" Sigaw ko sa kanya. 

Mahina siyang nagsalita. "Wag po kayong aalis sa likod ko.." 

"Ella.." Nanginginig ako sa takot. Naluluha na din ako. Natatakot ako na may mangyaring masama sa aming dalawa. 

Palapit ng palapit ang lalaki at paatras naman kami ng paatras. "Natatakot ako.." Umiiyak ako habang kausap si Ella. 

"W-wag po kayong matakot. Hindi ko po hahayaang may mangyaring masama sa inyo.." Humawak ako sa mga braso ni Ella. Alam kong natatakot din siya pero mas pinili niyang maging matapang. Patuloy lang siya sa pagharang sa lalaki. 

"Tumabi ka!" 

Tinulak ng lalaki si Ella palayo sakin. "Ella!" Napasubsob siya sa sahig. 

Napatingin ulit ako sa lalaki na nasa harap ko. "Wag po.." Iyak ako ng iyak habang umaatras.  

"Paalam, mahal na prinsesa." 

Akma na siyang sasaksakin ako, kung kaya't napapikit na lang ako sa takot, hanggang naramdaman kong may yumakap sakin. Napamulat agad ang mga mata ko. Nanlalaki ang mga mata ng lalaki na nakatingin sakin. Saktong dumating ang mga kawal at nahuli nila ang lalaki. Nasa likod nila si Louie at nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. 

Pero mas tinuon ko ang atensyon ko sa taong nagligtas sa buhay ko. Lalong tumulo ang mga luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang kaibigan ko.. Ang matalik kong kaibigan.. "Ella.." 

Di ko na siya nakayanang alalayan kung kaya't napabagsak na lang kami pareho sa sahig. Punung-puno ng dugo si Ella. Iyak ako ng iyak. Inalalayan ko siya at puno na din ng dugo ang damit at mga kamay ko. "Ella.." 

Pero hindi na siya nagsasalita. Hindi na rin siya humihinga. Napahagulgol ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. 

"Mira.." Naramdaman ko ang pagtabi sakin ni Louie. 

"Ella.. Gumising ka.. Gumising ka Ella.." Hindi matigil ang luha ko. "Ella.." 

May mga lumapit na saming mga kawal at kinukuha na nila si Ella. Pero ayaw ko siyang ibigay. Ayaw ko siyang bitawan. 

"Ella!" 

Patuloy nila siyang kinukuha sa pagkakahawak ko pero mas lalo ko pa siyang niyakap. "Ella.." 

"Mira.." Tawag ni Louie sakin. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. 

Hanggang sa nawalan na ko ng lakas dahil sa pag-iyak. Nakuha na nila si Ella sa pagkakahawal ko. Inilabas na siya ng kwarto habang nakayuko akong nakaupo sa sahig at umiiyak. 

"Mira.." Niyakap ako ni Louie habang nakaupo ako. "Tama na.." 

Umiyak ako sa dibdib niya. "Si Ella.." 

"Prinsesa.." Lalo niya kong niyakap. "Shh.." Hinimas-himas niya ang buhok ko. Niyakap niya ko na parang di na niya ko bibitawan. At ayokong bumitaw. Dahil pakiramdam ko, babagsak ako pag hindi na niya ko yakap-yakap. Sobrang sakit. Parang akong mamamatay.. Sana namatay na lang ako.. Hindi si Ella.. Hindi siya..

***

"Mira..." 

Nagising ako dahil sa pagyugyog sa mga balikat ko. 

"Louie.." Prinsipe.. 

Memories flooded.. Sa isang iglap, naalala ko ang lahat. The good memories.. And the bad ones. Ang saya-saya. At ang sakit-sakit. 

Ngayon ko lang din napansin na tulo pala ng tulo ang luha ko.

But he's here. He's really here.. My prince. Naaalala ko na ang lahat.  

Alalang-alala ang itsura niya. "Mira.." 

Napaupo ako at tinitigan siya. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. At nasasaktan ako pag nakikita kong ganun siya. Na parang kahati niya ang puso ko. 

"Louie.." Niyakap ko siya agad. Sobrang higpit ng yakap ko sa kanya. And I don't wanna let go. 

Niyakap niya din ako. Aaah, ang gaan ng pakiramdam ko. Ayoko ng bumitaw sa yakap naming dalawa. Ang tagal naming nagkahiwalay. Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa mga panahong hindi ko siya kasama. "Prinsesa.. Anong nangyari?" 

Umiling ako. Niyakap ko pa siya lalo. "Shh.." Hindi din mapigil ang luha ko. Halu-halo ang emosyon ko na hindi mapaliwanag. Saya, sakit, pangungulila.. At ang gusto ko lang ngayon ay ang comfort na binibigay ng yakap sakin ni Louie.  

"Mira." 

Pero hindi ako nagsalita. 

Hinarap ako ni Louie at nag-aalala pa rin siya. Pinunasan niya ang mga luha ko pero walang tigil sa pag-agos. "Tahan na. Nandito na ko.." Hinalikan niya ng marahan ang labi ko at ipinatong ang noo niya sa noo ko. "Tahan na mahal ko. Tahan na.." At muli niya kong niyakap.

And yes. This is home.









- to be continued - 

January 8, 2013

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon