Chapter 36: The King And Queen

576 7 3
                                    

Chapter 36: The King And Queen

Hinawakan ni Louie ang kamay ko at hinalikan. “Tama na sa pag-aalala, Mira.” Sabi niya sakin habang nakasakay kami sa karwahe. Kanina pa niya siguro ako nahahalatang balisa mula nang umalis kami sa mansyon. Hindi ko naman kasi maiwasan.

“Baka kasi magulat sila..”

“Talagang magugulat sila pero siguradong matutuwa silang makita ka.”

“E si Leon? Paano kung malaman niyang nandito ako..”

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. “Hindi niya malalaman. At di ko hahayaang makita ka niya. Ipapakilala kita sa lahat sa oras na nakakulong na siya, Mira. Pangako. At papakasalan kita ulit sa harap ng lahat.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Wala akong nasabi agad.

Nag-alala ang itsura ni Louie. “Ayaw mo ba? Kung ayaw mo ayos-”

Pinigilan ko siya sa pagsasalita. Ngumiti ako. “Anong ayaw. Syempre gusto ko.”

Napabuntung-hininga siya. “Akala ko ayaw mo. Kinabahan ako dun ah.”

Natawa na ko kahit kanina nababalisa ako. “Basta pag ayos na ang lahat.” Humilig ako sa balikat niya. “I love you.” And then he kissed the top of my head. “Mas mahal kita, prinsesa.”

**

Pababa pa lang kami ng karwahe, talagang nangangatog na ang mga tuhod ko. Iniisip ko pa rin kung anong magiging reaksyon ng mahal na hari at reyna. Malapit naman ako sa kanila noon, pero di ko maisip kung paano nila ko matatanggap ngayon. Lalo pa pag nalaman nilang ako ang may kagagawan kung bakit hindi natuloy ang kasal ni Louie at Elise.

Hawak ni Louie ang kamay ko nang pumasok kami sa pintuan ng palasyo. Nagyukuan sa kanya ang mga kawal, samantalang hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makatingin ng diretso sa dinadaanan. Kamay lang ni Louie ang ginawa kong suporta. Buti na lang mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Ramdam ko din ang tinginan ng mga alagad ng palasyo sa aming dalawa, at lalo na sa akin.

“Louie?”

Alam ko kung kanino galing ang boses. Sa mahal na hari. Hindi ko na naiwasang tumingin sa harapan. Patuloy kaming naglalakad ni Louie. Nakatingin sakin ng diretso ang hari. Lalong nangatog ang mga tuhod ko hanggang sa makalapit kami sa kanya.

“Ama.”

“Si P-Prinsesa.. Tama nga ba ako?” Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nagtitinginan kami. “Ikaw nga ba si Prinsesa Mira?”

Tumango ako at yumuko. “Mahal na hari.”

Nagulat na lang ako nang may yumakap sakin. “Hindi ako makapaniwala.. Prinsesa.. Nandito ka ngang talaga!” Hinarap ako ng hari sa kanya. Nakita ko ang kasiyahan sa mga mata niya, na halos mangilid ang luha ko, dahil malapit ang loob ko noon sa hari dahil ipinaramdam niya sakin noon na anak niya ko mula nang mamatay ang ama ko.

“Prinsesa?”

Napatingin ako sa tumawag sakin. Tumulo na ang luha ko sa saya. Walang iba kundi ang mahal na reyna.

“Ikaw nga..” Lumapit siya sakin at niyakap din ako. “Diyos ko. Salamat po..” Tiningnan niya ko at hinalikan ang mga pisngi ko. “Prinsesa Mira..”

“Mahal na reyna..”

“Hindi ako makapaniwalang nandito ka..” Tumingin siya kay Louie. “P-paanong-”

Ngumiti si Louie. “Mamaya na ang kwentuhan, ina. Baka nagugutom na si Mira.”

Natawa ang mahal na hari. Inilahad ni Louie ang kamay niya sakin at walang tanung-tanong namang inabot ko ang kamay ko sa kanya.

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon