Chapter 32: The Prince's Heart

542 9 0
                                    

Chapter 32

- Louie -

Balisang-balisa si Louie nang makabalik sa palasyo. Hindi niya lubos maisip na aabot sila sa puntong 'yon ni Mira. Alam niyang napagtaasan niya ito ng boses, at hanggang ngayon, pinagsisisihan niya ang ginawa niya. Hindi niya dapat pinagsalitaan si Mira ng ganoon. Hindi niya kailanman ginustong masaktan ang asawa.

Pagpasok niya sa tanggapan ng hari, nakatayo ang ama niya na nakatingin sa malaking bintana. Nakalingon ito sa kanya. "Ama." Tawag niya dito.

Lumingon naman ito agad. "Louie." Naglakad ito palapit sa kanya. "Nandito ka na pala. Nasa bayan ka raw kanina? Anong ginagawa mo roon?"

Nag-isip ng mabilis si Louie kung ano ang idadahilan niya dito. "A eh, naimbitahan po kasi ako sa isa na namang patimpalak doon. Hindi naman po ako makatanggi."

Tumango ang hari sa prinsipe. "Mabuti. Gusto ko yang ginagawa mo. Magandang nakikihalubilo ka sa mga mamamayan ng kaharian. Sigurado akong magiging magaling na hari ka sa hinaharap, anak." Ngumiti ang hari kay Louie. Wala namang nagawa si Louie kundi tumango na lamang at pilit na ngumiti sa ama kahit alam niyang puro kasinungalingan lang naman ang sinabi niya. Lumapit na ng tuluyan ang hari sa prinsipe.

"Pinapatawag niyo daw po ako."

"Oo. Gusto ko sanang pag-usapan na natin ang nalalapit niyong kasal ni Elise."

Nang binanggit pa lang ang salitang 'kasal' ay si Mira na ang pumasok sa isip niya. Naalala niya ang malungkot na itsura nito nang iniwan niya ito sa kusina na mag-isa. Ayaw na niyang makitang ganoon si Mira kahit kailan. Pinagsisisihan niya ang bawat salitang sinabi niya. Gusto na niyang itama ang lahat. Para kay Mira.

"Lumapit sakin kanina ang ama niya at may mga sinabi siyang magandang-"

"Patawad po, ama."

Natigilan ang hari. "Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Tumingin ng diretso si Louie sa hari. "Patawad po. Hindi ko na po itutuloy ang pagpapakasal kay Elise."

Kumunot ang noo ng hari. "A-ano?"

"Hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko mahal." 'Si Mira lang', sa isip ng prinsipe. Si Mira lang ang tanging babae sa buhay niya.

"Nababaliw ka na ba? Napag-usapan na natin to! Sa susunod na linggo na ang kasal niyo!" Malakas na sabi ng hari sa anak.

Yumuko si Louie sa harap ng kanyang ama. "Patawad, ama. Pero hindi ko kaya. Lalo ngayong.." Hindi niya matapos ang sasabihin. Hindi niya maaring sabihing nandito na ulit si Mira. Hindi pa sa ngayon. "Patawad." Tumalikod si Louie at lumabas ng kwarto na hindi nagpapaalam sa amang hari.

***

Malalim na ang gabi pero mas pinili ni Louie na bumalik sa mansyon kung saan naroon si Mira. Hihingi siya ng hihingi ng tawad dito. Doon siya magpapalipas ng gabi para matagal niya itong makasama.

"Mira!" Sigaw agad ni Louie pagpasok pa lamang ng pintuan.

Nabigla ang mga damang naroon sa sala. "Mahal na prinsipe.."

Hindi sila pinansin ni Louie. Umakyat agad ito sa kwarto ni Mira. Sinundan si Louie ng mga dama. Kumatok siya ng kumatok sa pintuan ng asawa. "Mira.."

Pero walang nagbukas ng pintuan. Bumigat ang dibdib ni Louie. Marahil nga ay galit sa kanya ito. Nanghina ang mga tuhod niya, pero hindi siya umalis sa pintuan.

"Patawarin mo ko. Nandito na ko, Mira.. Bumalik ako para sa'yo.. Patawarin mo ko, prinsesa.. Hindi ko sinasadya.. Mahal na mahal kita.." Parang maiiyak si Louie sa bigat ng dibdib niya. "Mahal na mahal.."

Nabigla ang matandang dama sa sinabi ng prinsipe. Gulat na gulat ito sa sinabi ni Louie.

"Mahal na prinsipe."

Ngunit tila walang naririnig si Louie. Patuloy siyang kumakatok sa pintuan ng asawa. "Mira, buksan mo na to.. Patawad.."

Lumapit na ang dama kay Louie. "Prinsipe.."

Nawalan na ng lakas si Louie. Nangingilid na ang luha niya. Napatingin na lamang siya sa dama. Wala siyang pakialam kung makita man nito ang mga mata niya.

"W-Wala na po siya.."

Hindi naintindihan ni Louie ang sinabi ng dama. "Ha?"

"Wala na po si Mira. Umalis na siya."

"A-ano?!" Napaayos ng tayo si Louie. Gulat na gulat siya sa nalaman. "P-paanong.."

"Dala niya ang mga gamit niya. Umalis na siya at hinding-hindi na siya babalik."

Hindi makapaniwala si Louie. Hindi maaari. "H-hindi.." Umiling-iling siya. Naninikip ang dibdib niya. Nahihirapan siyang huminga. "Hindi.. Hindi pwede.."

Nababalisang humarap sa pintuan si Louie at agad iyong binuksan. Pagpasok niya ay wala nga roon si Mira. Totoo nga ang sinabi ng dama.

"Prinsesa.."

Hinang-hina si Louie. Iniwan na siya ng asawa. Hindi niya matanggap ang nangyari. Pakiramdam niya, gumuho ang mundo niya. Napaupo na lamang siya sa kama ni Mira.

Napapikit siya dahil sa sakit na nararamdaman. This is not supposed to happen. Nangako silang dalawa na hinding-hindi na sila maghihiwalay kahit kailan, pero nangyari pa rin. He promised his wife that he would never hurt her..but he did. So she ran away.

He buried his face in his hands.

"Mira.. Patawad.."

..and then the prince cried his heart out.

- to be continued -

May 2, 2014

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon