Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Anu mang pangalan lugar o pangyayaring nahahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Genre: LOVE STORY, DRAMA, ROMANCE
wrtiter:GOLDENHAND04
PROLOGUE
Bakit may mga taong lumiligaya pag nakaka sakit nang damdamin nang iba?
Bakit may mga taong ang tingin sa sarili ay isang perpekto na at walang kapintasan?
Yan ang mga katanungan na sumisiksik sa isipan ni Edward.
Paalala lang ang kwentong ito ay hindi spg. Pero makapgbibigay sa inyo nang inspirasyon at moral lesson.
Chapter 1
Tunghayan natin ang kasaysayan ni Edward. Simula nang sya ay umusbong dito sa mundo ay nakagawian na nang ibang tao ang laitin siya.
Huwag nating tawagin na isa siyang PANGIT, dahil sabi nga nang iba ay walang pangit na nilalang ang ating panginoon.
Sabihin na lang natin nasi Edward ay hindi biniyayaan nang kaaya ayang itsura sa paningin nang ibang tao.
Labing walong taong gulang na si Edward kasalukuyang nag aaral nang sekondarya sa antas na grade 12.
Magandang umaga piccolo. Bati nang isang mag aaral na ka antas ni edward. Bagamat nasa mas mababang section ito.
Nasa mataas na section kasi si Edward. Kahit hindi sya ang nangunguna sa kanilang klase ay may angkin pa rin irong talino.Magandang umaga rin ganting bati ni Edward. Kahit may kurot sa kanyang puso ang pagbating iyon. Hindi naman kasi siya si piccolo. Character iyon nang isang anime na palabas sa tv. Isa lamang iyon sa mga bansag sa kanya ng mga mag aaral sa eskwelahang iyon.
Ang iba ay Frudo ang tawag sa kanya. Isang character sa lord of the ring. Minsan ay Alfred character sa ghost fighter. Pero hindi na lamang niya pinapansin ang mga ganung bansag. Kasi kung papansinin nya lang ay pag sisimulan pa nang isang away.
Pikit mata na lamang na tinatanggap ni Edward ang mga pangungutya at panglalait nang mga estudyante o maging nang ibang tao na malapit sa kanila.Kung minsan ang mga nagiging biro nang ibang estudyante kay Edward ay nagiging physical.
May isang estudyante na pumukol nang hinog na bayabas at tumama sa ulo ni Edward. Sumambulat ang laman nito at nalagyan ang suot na uniporme nang binatilyo.
Batid ni Edward na sa gawing likuran ang pumukol nang bayabas, nang lingunin niya ang bahaging iyon ay biglang naging abala ang mga estudyante. Namataan niya nang tingin si manuel. May hawak pa itong ilang piraso nang bayabas.
Bakit mo ginawa yun? Tanong ni Edward nang lapitan niya ang nakitang may hawak ng bayabas.
Ang alin? Sagot ni Manuel.
Bakit mo ako binato nang bayabas? Tanong muli ni Edward.
Ako? Segurado ka bang ako ang bumato? Bakit nakita mo ba? Tanong ni Manuel na mataas ang boses.
Oo! sagot ni Edward kahit hindi nya nakita.
Nakita mo pala eh bakit hindi ka umilag. Wika ni Manuel sabay humalakhak.
BINABASA MO ANG
KAHIT AKO'Y PANGIT
RomanceTitle: KAHIT AKO'Y PANGIT Genre: LOVE STORY, DRAMA, ROMANCE wrtiter:GOLDENHAND04 PROLOGUE Bakit may mga taong lumiligaya pag nakaka sakit nang damdamin nang iba? Bakit may mga taong ang tingin sa sarili ay isang perpekto na at walang kapintasan? Yan...