ANG MULING PAGKIKITA

50 0 0
                                    

continuation

one week ang leave na ni request ni Edward. Kaya pansamantalang humalili sa pwesto niya ang purchaser nang main office. Ito naman ang sinamantala ni Martha buong week ay nasa field office siya upang alamin ang naging impression nang mga workers kay Edward. At ang ilang workers na nakausap nya ay puro good impressions ang nasabi sa binata
maliban kay mr. Suarez lahat nang sinabi nito tungkol kay Edward ay puro negatibo. Bagay na hindi niya pinaniniwalaan dahil kilala niya si Edward mula pagkabata. Dito niya nalaman kung sino ang kontrabida sa buhay ni  Edward sa opisina.

Samantala si Josh nang mga sandaling iyon ay nasa munisipyo. Magtetake siya nang exam para sa scholarship.

Josh" tawag nang isang babae sa kanya.

Madeliene! Anong ginagawa mo rito? Magtetake ka rin ba nang exam?" kilala niya si madeliene dahil madalas itong kasama nang kanyang ate nung nasa iisang school pa lang sila.

Ah hindi Josh, pupunta lang ako kay mama, so magtetake ka pala nang exam para sa scholarship? Galingan mo ha!" wika ni madeliene. Paki kumusta na lang ako kay ate Hannah at kuya Edward mo." dugtong pa nabg dalaga.

"sige Madeliene makakarating. Salamat!" sagot ni Josh.

Mahigit isang oras din ang examination at pinaka huling nagsubmit si Josh nang kanyang test paper. After na makolekta ang lahat nang papel ay nagsalita ang procter nang examination.

Bago kayo mag si uwi ay may sasabihin sa inyo si Mayora" wika nang procter nang exam.

Mula sa mayors office ay lumabas ang magandang mayora nang kanilang bayan. Si mayora Lisbeth Dela cruz.

Kayo ba ay segurado sa mga sagot nyo sa questionaires?" Malumanay na tanong nang mayora.

Opo mayora" sagot nang mga nagtake nang exam.

O sige by monday ay ipapaskil sa bulletin board sa ground floor ang makakapasa at ang sampung pinakamataas ang ang score sa exam ay sila ang magiging scholar nang ating munisipyo. At sana pag naging scholar na kayo wag nyo naman sanang sayangin ang pagkakataon. Mag aral kayong mabuti at ipakita nyo na karapat dapat kayo na maging isabg municipal scholar. " wika nang magandang mayora.

Matapos ang pakikipag usap sa kanila nang mayora ay bumalik na rin ito sa kanyang opisina. Isa isa na ring naglabasan ang mga nagtake nang exam.

Sumunod na linggo ay balik trabaho na ulit si Edward. Hindi naman late si Edward. Masyado lang napaaga si Martha sa opisina. Kaya binati niya ito nang makita ang dating kaibigan.

"good morning mam Martha" bati ni Edward.

"good morning din Edward" ganting bati ni Martha.

Halos buong araw ay nasa warehouse si Martha. Hindi upang manduhan si Edward kundi ang makipagkwentuhan lamang sa binata. Ilang sandali pa ay lumapit si mr. Suarez kay Edward at may iniutos siya dito. At nang maisagawa ni Edward ang iniutos ng supervisor ay muli na naman siyang inutusan. Doon na nag react si Martha.

" anu ba mr. Suarez, hindi naman trabaho ni Edward ang ipinapagawa mo ah. Bakit hindi na lang ikaw ang bumili total para sayo naman yan." wika ni Martha.

Natigilan si mr. Suarez sa reaction ni Martha. Hindi nya akalaing sasawayin siya nang asawa ng presidente.

Sa halip na si Edward ang utusan ni mr. Suarez na bumili nang kanyang pananghalian ay si Jomar na lang ang inutusan nito.

Ngunit sinita pa rin siya ni Martha.

Hindi trabaho ni Jomar sng ibili ka nang pagkain mr. Suarez kung gusto mong kumain ikaw mismo ang bumili. Ganito ba talaga kayo rito? Pati mga pagkain nyo ay iniuutos nyo sa mga trabahador? " galit na wika ni Martha.

KAHIT AKO'Y PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon