Paalam aming Nanay

70 0 1
                                    

Anu tong nababalitaan ko Martha? Madalas mo raw kasama ang pangit na Edward na yun? Anu ba ang ipinakain sayo nang hampas lupang iyon at panay ang lapit mo sa kanya. Nababalitaan ko pa na madalas kang napapa away dahil sa pagtatanggol sa lalaking iyon. Puro na lang mga negatibo ang nababalitaan ko sa'yo baka pati pag aaral mo ay napapabayaan mo na dahil sa lalaking yan.

Ma, Edward is my friend and nothing is wrong with it. Hindi masamang makipag kaibigan ma. Sagot ni martha sa kanyang ina.

Hindi nga masama Martha. Pero sana naman piliin mo ang magiging kaibigan mo. Piliin mo yung class, hindi yung pangit na nga eh wala pang sinabi sa buhay. Anu bang maipagmamalaki nang Edward na yan? Wika nang ina ni martha.

Let's not argue with this ma, alam ko hindi rin naman ako mananalo sa inyo eh. Sabay talikod at pumasok sa kanyang kwarto. Padabog na isinara ang pinto

Look at your attitude now, Martha.... Sigaw nang kanyang ina. Pati ako pinagdadabugan mo na ah. Dugtong pa ni mrs. Nancy Altafrente kahit alam niyang hindi na sya naririnig nang kanyang anak.

Payapa na ang panahon. Wala na ang unos. Ngunit sa buhay ni Edward hindi pa natatapos at seguradong may bagong unos pang darating.

Naka alis na ang lahat nang taong nakipag libing para sa kanilang ina. Ngunit nanatiling nakatayo pa rin si Edward yakap ang dalawa nya pang kapatid. Hindi naman umaalis sa tabi ni Edward si Martha.

Bakit ang aga nyo naman kaming iniwan Nay!Tay! Paanu na kami ngayon nang mga kapatid ko? Hindi kami handa sa ganitong sitwasyon. Umiiyak na wika ni Edward sa puntodnang kanilang ama at Ina.

Hannah, Josh, magpakatag lang kayo ha. Andito pa naman si kuya eh. Hinding hindi kayo pababayaan ni kuya. Wika ni Edward sa walang tigil pa ring umiiyak na mga kapatid. Pati si martha ay napapaiyak na rin sa madamdaming sitwasyon nang magkakapatid.

Iniwan na nga tayo ni tatay, pati ba naman si nanay. Baka sa susunod iiwan mo rin kami huhuhu. Wika ni hannah na patuloy sa pag tangis.

Hindi mangyayari yun Hannah. Hinding hindi ko kayo iiwan ni Josh. Magsasama sama tayo hanggang sa paglaki natin. Hinding hindi ko kayo pababayaan. Kaya ikaw Josh magpaka bait ka ha. Bilin ni nanay wag magiging salbahe. Magtatrabaho ako para sa inyo. Itataguyod kayo ni kuya. Walang humpay ang pag iyak ni josh at nang kanyang mga kapatid. Maging si Martha ay napapaiyak na rin subalit pinipigilan nito ang kanyang sarili.

Tayo na Edward mag didilim na. Marami pa kayong aasikasuhin sa bahay nyo. Wika ni Martha na halatang naiiyak na rin. Tumayo na si Edward at inakay na ang dalawa nyang kapatid. Hindi naman sya pinababayaan ni Martha.

Pag sapit sa Gate nang subdivision na tinitirhan nila Martha ay nagpa alam na ang dalaga.

Panu Edward hanggang dito na lang ako ha, hindi ko na kayo masasamahan sa inyo. Baka kasi mapagalitan na naman ako nila mama. Wika ni Martha.

Sige Martha, maraming salamat sa pagdamay mo sa amin nang mga kapatid ko. Kung wala ka eh hindi ko alam ang gagawin ko. Wika ni Edward habang hawak ang mga kamay ni Martha.

Nasa hanun silang tagpo nang biglang huminto ang isang itim na sasakyan. Bumaba ang sakay  nito at hinarap si Martha.

Martha, anung inig sabihin nito? Nakipagkita ka na naman sa taong yan? Hindi ba't kabilin bilinan ko sa'yo na huwag kang sasama at makikipag usap sa pangit na ito? Galit ang tinig nang mama ni Martha.

Ma, watch your word! Wika ni Martha sa ina.

And what did you expect!? Gusto mong sabihin ko na hindi pangit ang taong ito? Pangit na nga eh ambisyoso pa. Alam mo dahil sayo nagiging usap usapan nang mga kaibigan ko ang anak ko. Kaya manuti pa layuan mo ang anak ko at wag ka nang magpapakita pa sa kanya. Mataasang boses ni mrs. Nancy Altafrente.

KAHIT AKO'Y PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon