Kadarating lang ni Edward galing sa trabaho.
Edward! Edward! Humahangos na tawag nang isang baranggay tanod.
O mang Turing, bakit ho? Nagtatakang tanong ni Edward.
Si Hannah, nasa kabilang barangay. Meron atang Problema. Humihingal na wika ni Mang Turing.
Ho! Anung baranggay po? Puntahan natin,...mabilis na disisyon ni Edward.
Madaling narating nila Edward ang kinaroroonan nila Hannah gamit ang service nang kanilang barangay.
Agad na lumapit kay Edward ang umiiyak na si Hannah.
Kuya! I'm sorry! Hagulgol nito sa dibdib nang kanyang kuya.
Tahan na Hannah!, Ano bang nangyari? Tanong ni Edward.
Lumapit sa kanila ang hepe nang barangay tanod.
Ikaw ba ang kuya nang dalagitang ito? Tanong nang hepe.
Opo chief, anu po bang naging problema?
Ayon sa salaysay nang kapatid mo eh inimbitahan daw sya nitong si John Carlo Benitez na kanyang boyfriend dito sa kanilang bahay. Ang buong akala nya ay marami itong bisita. Pero nung nasa bahay na ay agad sinara nitong lalaki ang bahay. At doon nya nalaman na silang dalawa lang pala ang naroon. Natakot itong kapatid mo kaya, nagpaalam na sya kay John Carlo. Pero pinipigilan siya nito at pinaghahalikan. Nagawang makatakas ni Hannah dahil tinuhod nya sa ari itong si John Carlo.
Totoo ba to? Hannah? Tanong ni Edward.
Opo kuya! Umiiyak pa ring sabi ni Hannah.
Di ba kabilin bilinan ko naman sayo na wag ka munang mag boboyfriend? Masyado ka pang bata, pag aaral muna asikasuhin mo. Malumanay na wika ni Edward.
Sorry po talaga kuya, hindi na po mauulit simula ngayon hindi na ako magpapaligaw. Wika ni Hannah.
Paanu to? Magsasampa ba kayo nang reklamo? Tanong ng hepe.
Huwag na po hepe. Pauwiin nyo na lang ang batang yan, at pagsabihan na wag nang uulitin ang ganung gawain. Sagot ni Edward.
Tayo na Hannah umuwi na tayo. Aya ni Edward sa kapatid.
Teka lang Edward paki pirmahan lang muna to. Katunayan na kayo ay hindi magsasampa nang demanda sa batang si John Carlo benitez. Wika nang hepe.
Bumalik si Edward at pinirmahan ang nasa bandang ibaba nang salaysay ni Hannah.
Habang palabas sila Hannah at Edward sa Barangay Hall. Namataan ni Hanna ang kaklase at malapit na kaibigan sa School.
Kuya pwede bang mauna ka na? Wika ni Hannah sa kapatid.
Hah?! Bakit? Gabi na, uuwi na tayo. Nagtatakang wika ni Edward.
Basta kuya, paki hintay na lang ako sa service. May kakausapin lang ako.
Hannah!,... tawag ni Madeliene na kanyang kaklase.
Ui madeliene, anong ginagawa mo rito? Tanong ni Hannah.
Anung ano ginagawa ko rito? Ikaw ang dapat tanungin ko nyan, dahil taga rito ako. Sahot ni Madeliene.
Ah may inayos lang na problema, nagkaroon kasi kami nang problema ni John. Sagot ni Hannah.
Grabe, anong klaseng problema? At bakit nakarating pa dito sa barangay? Usisa ni Madeliene
Basta, malalaman mo rin yun. Sagot ni Hannah.
Maiba ako? Sino yung kausap mo kanina? Parang familiar sa akin eh. Hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita...Tanong ni madeliene
Ah yun ba? Di ko kilala yun eh. Meron lang syang itinanong. Kaila ni Hannah.
BINABASA MO ANG
KAHIT AKO'Y PANGIT
RomanceTitle: KAHIT AKO'Y PANGIT Genre: LOVE STORY, DRAMA, ROMANCE wrtiter:GOLDENHAND04 PROLOGUE Bakit may mga taong lumiligaya pag nakaka sakit nang damdamin nang iba? Bakit may mga taong ang tingin sa sarili ay isang perpekto na at walang kapintasan? Yan...