Pasado alas 9 na nang dumating si Josh.
Mukhang ginagabi ka na nang pag uwi ah Josh. Bungad ni Edward nang makapasok sa kanilang bahay. Hindi nagsalita si Josh at pasuray suray na nahiga sa upuang yari sa kawayan.
Hindi na muling nagsalita pa si Edward alam nyang lasing ang kapatid ipapag pabukas na lamang nya ang pag kausap sa kapatid alam nyang hindi sila magkaka intindihan pag ngayon nya ito kinompronta. Kaya natulog na lamang siya sa sahig na yari sa kawayan at may nakalatag na banig.
Maagang gumising si Edward kinabukasan. Si Hannah ay nakapag handa na rin nang almusal para sa kanilang Tatlo.
Walang kibo si Josh na sumandok nang pagkain nya sa kanyang plato.
Josh, pwede ba tayong mag usap? Tanong ni Edward sa bunsong kapatid.
Kung sesermunan mo ako kuya dahil umuwi akong lasing kagabi, pwede bang mamaya na lang pagkatapos kumain? Sawata ni Josh.
Naging mapagbigay naman si Edward hinintay niyang makatapos kumain si Josh bago nya kinausap. Tinitigan lamang ni Edward ang kanyang pagkain hanggang sa makatapos ang binatilyo.
Kelan ka pa natutong mag inom Josh. Tanong ni Edward matapos lagukin ni Josh ang isang baso nang tubig.
Kahapon lang kuya, na aya lang ako nang mga kaklase ko dahil birthday nang aming barkada. Pag sisinungaling ni Josh.
Mauulit pa ba ang pangyayaring ito? Tanong muli ni Edward.
Ewan ko, depende sa barkada. Sagot ni Josh.
Josh layuan mo ang mga ganyang klaseng barkada ha. Ayoko nang ganyan. Sa umpisa pa inom inom lang. Sa susinod anu na? Droga? Marijuana? Ayokong magpapa impluwensya ka sa ganyang klase nang barkada. Wika ni Edward.
Kuya malaki na ako. Hindi na ako bata para tratuhin mo nang ganyan. May sariling isip na ako at alam ko kung anu ang gusto ko. Sagot ni Josh.
Gusto ko lang ang mapa buti kayo Josh. Nangalo ako sa ating ina na hindi ko kayo pababayaan. Palalakihin ko kayo nang mabuti at maayos. Ayaw nyo bang maging masaya sila dahil nagtagumpay ako? Garalgal na ang boaes ni Edward.
Patay na sila nanay kuya. Hindi na nila makikita pa yun. Sagot ni Josh.
Nagkakamali ka Josh. Patay man ang katawang lupa nila. Pero nandito sila, Josh...Hinampas ni Edward nang kanyang kamao ang kanyang dibdib malapit sa puso. Nandito sa puso ko, buhay na buhay! Tuluyan nang bumagsak ang luha ni Edward.
Kalokohan! Sabay kuha ni Josh nang kanyang jacket at umalis.
Josh saan ka pupunta? Kinakausap pa kita! Sigaw ni Edward.
Sa impyerno!, pasigaw na sagot ni Josh.
Habol tanaw na lamang ni Edward ang papalayong kapatid.
Wala siyang magawa kundi ang humagulgol na lamang. Lumapit sa kanya si Hannah at yumakap sa kanyang likuran.Magbihis ka na Hannah papasok ka pa. Baling ni Edward sa kapatid habang pinupunasan nang kanyang kamay ang luha sa mga mata. Ako rin ay papasok pa sa trabaho. Isara mong mabuti ang bahay bago ka umalis ha.
Opo kuya, sagot ni Hannah
Sa eskwelahan nila Hannah at Josh. Nagpabalik balik si Hannah sa class room nila Josh. Gusto niyang alamin kung pumasok na ba ito.
Wala si Josh Hannah. Hindi pa sya pumapasok.
Ah sige Angela maraming salamat. Wika ni Hannah sa kaklase ni Josh na si Angela.
Papa alos na si Hannah sa class room nila Josh.
Hannah! Sigaw nang isang boses.
O john, ikaw pala san ka galing. Tanong ni Hannah sa tumatakbong lalaki.
BINABASA MO ANG
KAHIT AKO'Y PANGIT
Любовные романыTitle: KAHIT AKO'Y PANGIT Genre: LOVE STORY, DRAMA, ROMANCE wrtiter:GOLDENHAND04 PROLOGUE Bakit may mga taong lumiligaya pag nakaka sakit nang damdamin nang iba? Bakit may mga taong ang tingin sa sarili ay isang perpekto na at walang kapintasan? Yan...