Continuation
Dahil birthday ni Josh naisipan ni edward na ipasyal ang magkapatid. Dahil ayaw naman nila mag imbita nang mga kaibigan para sa bahay na lang sila mag handa. Gusto ni Edward na iparanas sa kapatid ang magdiwang nang kaarawan kahit simpleng pagdiriwang lamang.
"Josh pasensya na kung sa Jolibee lang tayo nagcelebrate nang birthday mo ha." Wika ni Edward
"Ayos lang kuya, kung tutuusin hindimo naman kailangang gawin to eh. Masaya na ako basta sama sama tayong magkakapatid." Sagot ni Josh.
Paminsan minsan lang naman to Josh, gusto ko rin kasi maranasan nyo kung anu pakiramdam nang nag celebrate nang birthday." Sagot ni Edward.
Eh ikaw ba kuya naranasan mo na ba mag celebrate nang birthday mo? Di ba hindi pa rin naman?sabat ni Hannah.
Hayaan mo na ako Hannah. Ang mahalaga sa akin ay kayo. Kaya wag nyo na isingit ang birthday ko. Lalo lang akong tumatanda pag naalalala ko." Sagot ni Edward.
Pagkatapos nito kuya saan tayo pupunta? Tanong ni Josh.
Punta muna tato sa plaza. Makapaglibot libot." Tugon ni Edward.
O sige kuya makapag hanap nang chicks dun,"wika ni Josh.
Pagkatapos nga nilang kumain ay dumiretso na sila sa park. Di sinasadyang mahagip nang paningin ni Edward ang tatlong babae. . si Martha at ang dalawang kaibigan nito.
Lihim na lumapit si Edward sa tatlo upang gulatin sana. Pero kabaliktaran ang nangyari.
Yun ba talaga ang childhood friend mo Martha,?" Tanong ni Erielyn Joy.
Bilib rin ako sayo Martha ang husay mong magpanggap. Akalain mo napaniwala mo yung lalaking yun na nakipag kaibigan ka talaga sa kanya." Wikani Zusette.
Dahil sa narinig ni Edward ay hindi na sya tumuloy. Nagtago na lang sya sa puno at dinamdam ang sinabi nang kaibigan ni Martha.
"Hindi na niya pinakinggan ang iba pang pinag usapannila Martha at nang kaibigannito." Grabe kayo, anong palagay nyo sa akin mapag panggap? Hindi ako ganung tao Erielyn, Zusette. Kung hindi nyo kayang tanggapin si Edward bilang kaibigan ko hindi ko kayo pinipilit. Basta ako hindi ako plastic." Inis na wika ni Martha sa mga kaibigan.
Hindi
"Hindi ka ba natatakot Martha?" Panu kung mahulog ang loob mo sa kanya. I mean madevelop ka? Tanong ni Suzttette."Anong problema dun? Mas gugustuhin ko pa si Edward kesa sa inererereto nyo sa aking si Franco. Ubod na nang yabang ay mayabang pa. Wika ni Martha.
Atleast merong ipagyayabang Martha. Mamayaman ang angkan nila." Sagot niErielyn Joy.
"No way, galit ako sa mga mayayabang at ang mga ganng klaseng tao walang puwang sa isip ko." Wika ni Martha.
Samantala heto si Edward.
"Isa ka langpalang. Mapagpanggap Maartha. Ang buong akala ko ay kaibigan talaga kita.. Wala talagang matinong tao na makikipag kaibigan sa kagaya ko. Usal ni Edward sa sarili
Bumalik na lamang si Edward sa kanyang mga kapatid at inaya na itong umuwi.
" Tayo na Hannah , Josh, umuwi na tayo."
"Teka kuya? Ang bilis naman natin? Hindi pa ako nag eenjoy dito ah. Angal ni Josh.
Oo nga kuya panu hindi manlang tayo nagtagal nang 30 minutes." Sadugtong ni Hannah.
" Basta tayo na, hi dun na lang tayo ayo sa bahay.
Wala nang nagawa ang magkapatid kundi sumunod sa kanilang kuya..
.
Continuation
BINABASA MO ANG
KAHIT AKO'Y PANGIT
RomanceTitle: KAHIT AKO'Y PANGIT Genre: LOVE STORY, DRAMA, ROMANCE wrtiter:GOLDENHAND04 PROLOGUE Bakit may mga taong lumiligaya pag nakaka sakit nang damdamin nang iba? Bakit may mga taong ang tingin sa sarili ay isang perpekto na at walang kapintasan? Yan...