Ang Pagkikita ni Lucille at Martha

63 1 1
                                    

Mabilis ang paglipas nang mga araw.

Masaya at excited ang lahat sa nalalapit nilang pagtatapos. Lalong lalo na si Edward.

Sa wakas ilang araw na lang at makaka alis na ako sa lugar na ito. Hindi ko na makikita ang mga salbaheng estudyante. Usal ni Edward sa sarili.

Subalit nang matanaw niya si Martha na nakatingin at naka ngiti sa kanya ay bigla siyang nakadama nang lungkot. Alam niyang magkakahiwalay na sila. Seguradong magpapatuloy pa si Martha nang pag aaral hanggang sa makatapos ito nang kolehiyo. Mataas ang pangarap ni Martha. Gusto niyang maging flight Attendant. Bagay na bagay naman sa kanya dahil matangkad at maganda siya.
Samantala hindi pa segurado si Edward kung makakatutong din sya nang kolehiyo. Hindi sapat ang kinikiya nang kanyang ina upang tustusan ang pagpapa aral sa mataas na edukasyon. Kaya napagpasyahan ni Edward na tulungan nalang sa pagtatrabaho ang kanyang ina at mpag tapos din nila ang dalawa pang kapatid.

Hoy Edward tulala ka na naman jan. Basag ni Martha sa kanyang pag mumuni muni.kanina pa kita kinakawayan eh parang hindi mo ako nakikita, anu ba ang iniisip mo? . Dugtong pa nang dalagita.

Ah wala naman Martha. Seguro excited lang ako sa darating na graduation. Kailani Edward.

Ganyan ka ba maexcite? Natutulala ka? Baka naman gutom lang yan? Halika mag meryenda muna tayo. Aya ni Martha.

Wala akong pera Martha naibigay ko kasi yung baon ko kay Josh dahil nawala daw ang pera nya sa bag kanina. Paliwanag ni Edward.

Hindi ko naman tinatanong kung may pera ka o wala eh. Ang sabi ko mag meryenda tayo. Ako ang taya, kaya tara na... Sabay hawak ni Martha sa braso ni Edward at hatak hatak sya patungo sa canteen.

Martha sandali! Sasama na ako wag mo na ako hilahin, reklamo ni edward.

Pagsapit nila sa canteen ay naroon ang magka ibigang manuel at Noel.

Biglang tumahimik ang lahat nang makita silang magkasama.

Umorder si Martha nang sandwich at chuckie para sa kanya.

Ikaw Edward anung gusto mo? Tanong ni Martha.

B-bahala ka Martha. Ikaw naman ang maglilibre eh,..
sagot nang binatilyo.

Burger na lng ang sa'yo para mas mabusog ka. Saka isang mountain dew. Wika ni Martha na nakatingin sa kanya.

Matapos umorder ay naupo sa mesa na may apat na baknteng upuan ang dalawa.

Ilang minuto lang ang kanilang hinintay at dala na nang serbidora ang kanilng order.

Habang kumakain ang dalawa ay lumapit sa kanila si Manuel at Noel.

Martha., hindi ka ba nagsasawang kasama tong pangit na to? Aba'y halos araw araw na lang ay magkasama kayo ah. Wika ni Manuel. Habang si Noel ay pinipisil ang pisngi ni Edward.

Wala kang pake Manuel . kahit buong araw at gabi kong isasama si Edward ay wala kang pake alam. At sinong gusto mong makasama ko? Ikaw? Aba'y mahiya ka naman. Gwapo ka nga pero asal hayop ka naman. Kalmado lang na sinasabi ni Martha ang mg salitang iyon.

Tila sampal naman ito para kay manuel.

Aba Martha baka hindi mo ako kilala. Wika ni Manuel.

Bakit Manuel ako ba kilala mo? Isang snap lang ang pinakawaln ni Martha at naglapitan na ang ilang mga lalaki sa paligid nila.

Tumangin muna si Manuel sa paligid at saka tumayo.

May araw ka rin!... Pabulong na wika ni Manuel. Sabay duro kay Edward. Sumunod naman si Noel sa kasama at ngingiti ngiting nakatingin kay Edward at Martha.

KAHIT AKO'Y PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon