Ang bakasyon ni Martha

48 0 2
                                    

"Martha, maganda ba sa lugar nyo?" Usisa ni Erielyn Joy sa kaibigan.

"Balita ko nga maraming magandang pasyalan dun eh. At marami daw magagandang resort." Sabat naman ni Zusette.

"Aba oo maganda sa Bataan, kung gusto nyo dun kayo mag bakasyon eh. Ililibot ko kayo sa lugar namin." Sagot ni Martha.

"Mukhang magandang Idea yan ah friend." Wika ni Erielyn sabay tingin kay Zusette. At nag high five ang dalawa.

Sya namang dating ni Franco.

"Narinig ko ang pinag usapan nyo girls, May resort kami sa Bataan kung gusto nyo dun ko kayo dadalhin. " pwede kayong mag stay dun nang ilang weeks, libre na." Sabat nang binata.

"Aba mukhang magandang offer yan Franco ah." Wika ni Zusette.

"Sige Franco, dun kami mag stay ni Zusette sa resort nyo, Libre eh." Wika ni Erielyn Joy.

"Teka bakit kayo lang ni Zusette? Panu si Martha,?" Tanong ni Franco.

"Syempre hindi kasama si Martha, nandun ang bahay nila sa Bataan. Eh di syempre dun sya uuwi," sagot ni Erielyn.

"Wag kang mag alala Franco, papasyalan naman kami ni Martha eh, hindi kami makakagala pag wala sya di ba Martha?." Dugtong pa ni Zusette.

"Hindi sana ako sang ayon sa plano nyo eh, kasi pwede naman kayong mag stay sa bahay namin. Pero naka commit na kayo kay Franco kaya wala na akong Choice." Sagot ni Martha.

"Excited na tuloy ako sa bakasyon. " wika ni Zusette.

******************************

Tulad nga nang gustong mangyari ni Edward, ipinaayos na niya ang kubo na kanilang tinitirhan. Pina konkreto na nya ito. Pinalagyan nang tatlong kwarto para sa kanilang magkakapatid. Wala naman siyang pangamba dahil sa kanila naman ang lupang kinatitirikan niyon. Minana nila ito sa namayapang ama. Hindi na sya mahuhuli sa mga nauna nang nagpatayong bahay sa kanilang lugar. Ang dating liblib na lugar na kinalakihan ni Edward ay isa na ngayong masayang sitio. Dumami ang kanilang mga naging kapit bahay at halos lahat ay konkreto na. Mabilis na natapos ang kanilang bahay. Kulang isang buwan din ang inabot bago ito tuluyang pinahinto ni EdwaRd. Hindi na muna niya pina finish ang labas. Dahil kukulangin na siya sa budget, dahil ang iba niyang ipon ay inilaan para sa kuryente at sa tubig. Namili rin siya nang appliances na pwede nilang magamit sa pang araw araw.

"Hindi ako makapaniwala na magiging ganito ang bahay natin kuya, kung hindi dahil sa pagsisikap mo eh hindi mangyayari ito." Wika ni Hannah. Habang nasa labas sila nang bahay na bagong gawa lamang.

"Dahil para sa inyo ni Josh ang lahat nang ito. Kayo ang priority ko sa buhay Hannah." Sagot Edward.

"Kuya, maraming salamat talaga. Seguradong natutuwa sila Nanay sa unti unting pag asenso natin. Sana makapag trabaho na rin ako at makatulong sayo kuya." Wika ni Josh.

"Ang pag aaral mo muna ang asikasuhin mo Josh. Ilang beses ko bang ipapa alala sayo ang bagay na yan," wika ni Edward.

"Eh kasi nahihiya na kami sayo kuya, ginagampanan mong lahat pati mga personal na pangangailangan namin ni Ate Hannah." Wika ni Josh.

"Hindi naman ako nagrereklamo Josh eh. Masaya pa nga ako at naibibigay ko sa inyo ang kailangan nyo eh. Ang mahalaga eh mapagtapos ko kayo. Para sa susunod eh kayo naman ang tutulong sa akin pag kailangan ko kayo. " paliwanag ni Edward. At niyakap pa ang kanyang mga kapatid.

Isang araw habang naglalakad si Josh papasok sa kanyang trabaho.

Isang napaka gandang babae ang pumukaw sa kanyang paningin. Bumaba ito nang sasakyan upang bumili nang prutas sa isang fruit stand.

KAHIT AKO'Y PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon