Ang pagkamulat ni Josh

51 0 1
                                    

To all readers,

pasensya na kung sa mga nakaraang bahagi nang kwentong ito ay marami akong incorrect spelling. Yan ay dahil sa pag mamadali kong mag update.

Pero ipinapangako ko na sa susunod na chapters ay hindi ko mamadaliin.

******************************

"Nasaan ako?," tanong ni Edward nang makita si Josh sa kanyang tabi. Puro pasa ang kanyang mukha at ang braso ay may benda at isang puting tela na nakasabit sa kanyamg leeg.

"Nasa hospital ka kuya. Mabuti na lang at hindi malubha ang tama mo nung saksakin ka nung Manuel na yun." Sagot ni Josh.

"Anung nangyari kay Manuel?" Nahuli ba sila? Agad na tanong ni Edward.

" Hindi po kuya, mabilis silang nakatakas nung may dumating na barangay tanod. Sayang nga at hindi nila mapapagbayaran ang ginawa nila sa atin." Sagot ni Josh.

"Hayaan mo Josh, darating ang araw na mahuhuli rin sila. Mananagot sila sa batas sa kasamaan nila. NasAsan si ate mo?," tanong ni Edward.

"Bumili lang nang pagkain kuya. Kagabi pa kasi nagbabantay dito yun. " sagot ni Josh.

"Josh, masaya ako at nakita na kita. Ilang araw din kitang hinanap. Patawarin mo ako kung napagalitan kita ha!, " malungkot ang boses ni Edward.

" Ako ang dapat mong patawarin kuya, dahil kung hindi sa akin hindi mo sasapitinang ganyan." Malungkot ring sagot ni Josh.

"Hindi kita sinisisi sa nangyari sa akin Josh, mas sisisihin ko pa ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa'yo. Dahil kung tuluyan kang napatay ni Manuel, habang buhay kong dadalhin sa aking konsensya ang pagpapabaya ko sayo." Wika ni Edward.

"Hindi kuya, kung sakaling napatay man ako ni Manuel, Iyon ay kagagawan ko. Dahil sa pagsali ko sa grupo nya nalimutan ko na meron akong kapatid na tulad mo. Nalimutan ko na meron akong kuya na nagpalaki at nag alaga sa akin. Isinakripisyo ang lahat para sa kabutihan namin. Kaya kuya sana mapatawad mo ako sa pagkamaling nagawa ko." Tuluyan nang umiyak si Josh.

"Matagal na kitang pinatawad Josh, halika nga rito at nang mayakap naman kita. Miss na miss ka na nang kuya." Umiiyak na rin si Edward.

Bahagyang napadiin si Josh sa pagkakayakap kay Edward.

"Aray! Aray! Josh ang sugat ko." Napangiwi si Edward sa sakit.

"Ay sorry kuya, hindi ko sinasadya." Biglang bitaw ai Joah sa pagkakayakap.

Sya namang dating ni Hannah.

"Gising ka na pala kuya, may dala akong pagkain nagugutom ka na ba. " wika ni Hannah.

"Ate ako na ang magpapakain kay kuya, at nang makabawi naman ako sa kasalanan ko." Aba at gusto pang makasuhol. Wag kang mag alala hindi naman galit sayo si kuya eh." Wika ni Hannah.

Inabot ni Hannah ang pagkain kay Josh. Agad naman itong binuksan nang binatilyo at sinubuan ang kanyang kuya.

"Dahan dahan naman Josh, hindi ko pa nga nangunguya ay may kasunod na agad na isusubo. Papatayin mo yata ako sa hirin ah. " wika ni Edward na may halong pagbibiro.

Lihim na natatawa naman si Hannah sa dalawa.

"Sya nga pala kuya, sabi nang doktor ay maayos ka na raw. At pwede nang mai discharge kapag na ayos na ang billing. Pwede nating magamit ang philhealth mo para sila na ang bahala sa magiging bill mo sa hospital." Paliwanag ni Hannah

Matapos na maasikaso ni Hannah ang Philhealth nang kanyang kuya ay madali nila itong na i discharge. Wala silang binayarang hospital bill. Sinagot lahat nang philhealth ang gastusin.

Masaya na ulit si Edward at kumpleto na ulit silang pamilya.

" Malapit na pala ang birthday mo Josh. Gusto mo bang ipaghanda kita para mapapunta nyo dito sa bahay ang mga kaibigan nyo ni Hannah sa school." Tanong ni Edward. Kasalukuyan na silang nasa bahay.

"Wag na po kuya, magagastusan ka pa. Sanay na naman kami na nagbi birthday nang walang handa eh. Basta sama sama lang tayo eh masaya na." Sagot ni Josh

"Oo nga kuya isa pa nakakahiya tong bahay natin, hindi pa maayos. Baka lalo pang masira pag nagpuntahan dito mga kaklase ko. Magugulo pa naman ang mga yun." Dugtong pa ni Hannah.

Biglang nalungkot si Edward. Talagang ayaw ni Hannah na ipakilala sya sa kanyang mga kaibigan.

"O sige tutal malaki laki na rin ang ipon ko. Ipapagawa na natin tong bahay para sa susunod ay maimbitahan nyo na ang mga kaibigan nyo dito. " ikaw po ang bahala kuya.

*****************************

Laking gulat ni Edward nang sa kanyang pagpasok ay may isang desk top sa kanyang bodega.

"Jomar, kaninong Computer ang nandito?". Tanong ni Edward sa kanyang bodegero.

" Sir Edward, ipinalagay po mi Boss yan jan. Para daw sayo yan para hindi ka mahirapan sa pag inventory." Sagot ni Jomar.

"Nanjan ka na pala Edward? " boses mula sa likuran nila Edward.

"Kayo po pala sir Leandro." Bulalas ni Edward.

"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa'yo?" Tanong nang kanyang amo.

"Opo sir, maraming salamat po. Malaking tulong po ito para sa pag inventory ko." Sagot ni Edward. Na nakahawak sa cpu nang computer.

"Hindi iyan ang tintukoy ko, Yung nandyan sa drawer mo. Sabay nguso ng kanyang amo sa drawer.

Binuksan ni Edward ang Drawer at laking gulat nya nang bumungad ang isang kahon nang celphone. Kinuha nya ang kahon at kanyang binuksan. Selyado pa ang kahon patunay na ito ay hindi pa nabubuksan.

" Para sa akin po to sir? Maraming salamat po. Hindi ko po akalain na bibigyan nyo ako nang ganito." Wika ni Edward.

"Regalo ko sayo yan dahil sa kasipagan mo dito sa aking kumpanya.

"Maraming salamat po talaga sir. Napaka bait nyo po sa akin." Wika ni Edward

Lihim namang nakatingin kay Edward ang field supervisor at inggit na inggit natanggap na biyaya ni Edward.

"Sipsip talaga tong pangit na to.,hindi ka pa natuluyan sa pagkakasaksak sayo." Usal nang supervisor sa isipan.

******************************

Malaki ang naitulong nang computer sa pagtatrabaho ni Edward. Naging mabilis ang transaction nya sa opisina gamit ang internet madali nyang na eemail ang kanyang request nang materials at ang kanyang mga daily reports. Kaya hindi na sya madalas na nagpupunta sa opisina. Pumupunta na lamang sya pag mag pick up nang materials na hindi na ideliver sa kanila at dun mismo sa main office ibinabagsak nang supplier.

Ito rin ang naging daan upang naging mabango ang pangalan ni Edward sa main office nang kanilang kumpanya. Ilang ulit rin siyang nanomin

KAHIT AKO'Y PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon